DTBB: 12th

1.9K 65 6
                                    

Brix's POV:

Ng maramdaman kong medyo lumuluwag na yung hawak sakin ng lalaki, sinipa ko siya ng malakas. He staggered back at nakawala ako sa kanya.

I started punching those two assh*les until they fell on the ground. Di ko sila tinigilan at pinagtatadyakan ko parin sila kahit nakaluhod na sila sa harap ko. F*ck! They hit my face plenty of times! Nararamdaman ko ring may dugong tumutulo mula sa ulo ko! It's time to give them what they deserve!

Sobrang focus ako dun sa dalawa ng bigla kong marinig ang sigaw ni Vanna. "Brix! Sa likod mo!" Nakita ko siyang tumatakbo papunta sakin. Shit! Sinabi ng wag lalabas ng kotse eh! Ang tigas talaga ng ulo!

Tumalikod ako at sinubukan kong umiwas kaya dumaplis lang sakin yung hawak niyang patalim. Kahit nadaplisan lang ako, I still felt blood ooze from my wound. Tang*na! Medyo malalim pa yata yung tama ko!

Hirap akong lumakad habang hawak ko ang tagiliran ko. Naalala kong baka mapahamak si Vanna, agad ko siyang nilingon at nakita kong hinihila na siya ni Jake pabalik sa loob ng kotse habang dala nito yung mga nabitawan kong groceries kanina. Lumingon ako dun sa sumaksak sakin pero nakahilata na sa lupa yung g*go habang pinagsusuntok siya ni Vin.

Binalikan ni Jake yung dalawang binubugbog ko kanina at mukhang napuruhan ko sila kasi halos di na sila makalaban kay Jake. Lumapit ako dun sa sumaksak sakin at inapakan ko ang kamay niya. "Anong kailangan niyo?" He just whimpered kaya mas diniinan ko pa ang apak. "Answer me!"

"Si C-chad. Siya nag-utos samin, binayaran niya kami para bugbugin ka. P-pasensya na."

I punched him again. "Pasensya? G*go! Muntik mo na kong patayin tapos pasensya?!" Tinadyakan ko siya sa tagiliran at susuntukin ko dapat ulit pero pinigilan na ko ni Jake.

"Dude, tama na yan. Gamutin na natin yang sugat mo."

Tinulungan nila akong makapasok sa kotse tapos pinaandar agad yun ni Vin.

"San tayo dude? Sa hideout ba?" Tumango lang sa kanya si Jake.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa sakit. Hayop na Dark Vista yan! Di talaga sila titigil hangga't walang namamatay!

Naramdaman kong may suminghap sa tabi ko. "B-brix... You're bleeding."

"Wala to."

I felt something pressed in my wound. "F*ck!" Napamura ako sa sakit. "S-sorry, pero kailangan kong lagyan to ng pressure para tumigil siya sa pagdudugo." Hinaplos niya bigla ang noo ko. "Relax. Gagamutin kita pagkadating natin sa hideout niyo. May first aid naman kayo dun diba?" I simply nodded at her.

Through the whole ride, hinahaplos niya lang ang noo ko habang iniipit ng isa pang kamay niya yung sugat ko. And it somehow eases the pain.

Nung nakarating na kami, inalalayan ako ni Vanna hanggang sa makaupo ako sa sofa. "Jake, can you give me the first aid kit?" Umalis agad si Jake papuntang bathroom. "And Vin, penge namang warm water and towel. I need to clean his wound first." He just nodded at her and went to the kitchen.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon