DTBB: 7th

2.5K 71 2
                                    

Vanna's POV:



"Okay fine! Payag na ko. So what's the plan?"



Alam ko, siguro iniisip niyong grabe ako kung makaayaw pero papayag din pala sa huli. Eh kasi naman, wala na kong maisip na ibang paraan. Tsaka si Brix na nga yung nag-offer na tulungan ako, aayaw pa ba ko? 

Tsaka atleast this way, mapapanatag na ang loob ko kahit papano. Even though I really hate the idea of dating this bad boy. I guess I don't have a choice in this matter.

Yan ang napapala mo sa pakikialam mo Vanna :/

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa 'hideout' ng Black Knights. Dito kami dumiretso while he's insisting me to hear out his plan.

"It's just simple. Kailangan nating mapaniwala ang lahat na we're dating. So first rule ay dapat tayo lang na nandito ngayon ang nakakaalam. Mahirap na, baka lumabas pa to." Sabi ni Brix na shirtless habang kaharap ko ngayon. He took off his shirt kanina dahil naiinitan daw siya. Nakakainis! Di niya ba alam na masyadong nakakadistract yung 8 pack abs niya!

"Can you please put a shirt on?" Di ko na napigilang sabihin,

"Bakit? Masyado ba kong hot for you? Don't worry, you can drool after my body, I won't mind." He said while smirking.

"Psh, no thanks. Masakit kasi sa mata, ampayat mo na nga wala ka pang muscles. Is that what you call hot?" 

"Oohhh burn!" Singit ni Vin sabay tawa.

"Shut up!" Inis na sabi ni Brix. Haha.

I suddenly raised my hand para magtanong. He just gave me the evil eye. Aba, pikon! "Anyways, pwede bang sabihin ko sa bestfriend ko? Di naman niya ipagkakalat yun eh, mapagkakatiwalaan si Ari. Please! Para naman may karamay ako sa bangungot na to!"

"B-bangungot? Dafuq? Hahahaha!" Grabe naman makatawa si Vin. Wagas! Katabi ko siya sa sofa habang si Jake nakasandal lang sa pader. 

"Are you saying na bangungot ang pagpapanggap na dinedate kita? You should be thankful! Kung ibang babae lang ang nasa posisyon mo ngayon, I'm sure magtatatalon na yun sa tuwa! I'm Brix Castillo after all." At yan na naman ang ngiti niyang nakakainis. 

"I'm Brix Castillo after all..." I mocked him sabay smirked. "Cocky much? Psh. Sana nga ibang babae na lang ang nasa posisyon ko ngayon eh, cause I never asked for all of these to happen!"

"Aba!.." Alam kong naiirita na siya kaya iniba ko na ang usapan.

"So ano? Pwede ko bang sabihin kay Ari?" Nag-isip muna siya sabay tumango sakin.

"Okay, do what you want nerd. Basta siguraduhin mo lang na wala siyang pagsasabihan about this." I just nodded back.

"So, back to what I was saying before I got rudely interrupted," Napairap na lang ako. "Magpapanggap tayong nagdedate para di ka na masyadong guluhin ng Dark Vista. Knowing Chad, alam kong may pinaplano na naman yun para makaganti satin as of this moment. Pero di ko masisiguradong di ka na talaga nila guguluhin."

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon