DTBB: 1st

5.3K 115 5
                                    

Vanna's POV:

Nag-ring na ang first bell.

Biglang nagtakbuhan ang mga estudyanteng nakapaligid sakin. Lahat nagmamadali para sa first subject nila. Papunta palang ako sa locker ko para kunin yung mga books na gagamitin ko kaya naman nasisiksik na ko at nababangga. Nakakainis! Kung sana di ako late nakatulog kagabi edi baka kanina pa ko nakaupo sa first subject ko habang nagrereview para sa quiz na itetake daw namin.

Napuyat kasi ako kakachat kay Renz kagabi. Si Renz, ang ever-so-loving-bestfriend ko. Super opposites kaming dalawa pero pakiramdam ko siya lang ang nakakaintindi sakin. Mula pagkabata magkakilala na kami, kaso biglang nagdecide ang parents ko na lumipat kami dito. Kaya ayun, nagkahiwalay kami. Pero continuous parin naman ang communication namin. Kahit na magkalayo kami, alam parin namin ang nangyayari sa isa't-isa. 

"Move out of my way nerd! Or else..."

I was snapped out of my stupor nung narinig ko ang boses na yun. Tumigil lahat ng students sa ginagawa nila at nakatingin sa eksena sa gitna ng hallway.

"S-sorry."

Sabi nung babaeng may malaking eyeglasses sabay takbo palayo. 

"Anong tinitingin-tingin niyo?! Go mind your own f*cking business!"

Bigla namang nagsigalawan ulit ang lahat na para bang walang nangyari. Ang boses na yun, si Brix Castillo. School's bad boy. Maangas at palaaway. Kinatatakutan ng mga students dito sa East Falls University. Playboy. Cuss machine. Leader of Black Knights.

Okay fine, gwapo na rin. And as much as I hate to say this, his bad boy look really works for him. Yan din ang dahilan kung bakit napakaraming babae dito sa school ang patay na patay sa kanya. But not me. No, I don't belong to those type of girls. Siguro immune na ko sa kagwapuhan niya. Well, not really. Cause let's face it, gwapo naman talaga ang mokong. But I hate his attitude and guts. I hate bad boys.

"Dude, chill lang. Tara na, tapos na mag-ring yung first bell oh."

Sabi ni Jake. Jake Suarez to be exact. Another member of Black Knights. Bad boy rin pero mukhang siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. Don't get me wrong, maangas din yan, pero di siya mahilig mambully unlike Brix.

"Oo nga dude. Bilisan na natin, atat na kong bugbugin yung mga Dark Vista na yun! Akala mo pogi kung makapag-angas!"

Si Vin Dela Fuente, ang joker sa kanilang tatlo. May pagkamayabang din yan minsan eh. Di ko nga alam kung pano naging magkakaibigan tong mga to. Si Jake kasi medyo silent type. Si Brix naman parang laging bulkan na sasabog. Si Vin mahilig magpatawa at magyabang pero may mga moments din naman na seryoso siya, pero bihira lang yun. Super opposites nila kaya nakakapagtaka kung pano sila nagkakasundo.

Lumakad na sila paalis habang ako nakatitig parin. Grabe, nakakainis sila. They're walking like they own the world and we should kiss the floor they walked on. Ang hangin lang. At yung Brix na yun, di na naawa dun sa babae. Sobra kung makapag-mura!

Napatingin ako sa relo ko at nagulat ng makitang ten minutes na kong late sa first subject ko. Masyado akong naging preoccupied sa pag-iisip sa kanilang tatlo. Ugh!

Nagmadali akong tumakbo papuntang classroom at hingal na hingal habang binuksan ko ang pinto. Biglang tumingin sakin ng masama si Sir Leonor, Math teacher ko. Napayuko na lang ako at dumiretso sa pinakadulong upuan habang nagsosorry sa kanya.

May narinig naman akong biglang tumawa sa kaliwa ko at nagulat ako ng makitang classmate ko pala si Vin. Kung makatawa akala mo di pa siya naging late sa tanang buhay niya! Psh. Sabagay, nakakatawa naman talaga ang itsura ni Sir Leonor habang nakatingin sakin. If I can read minds, I'm sure he's plotting ways to torture me. Ugh, goosebumps!

Nilabas ko na lang ang notebook ko at di na pinansin ang pagtawa ni Vin. I tried to focus on the lesson pero di ko talaga maintindihan. Bakit ba kasi napakahirap ng Math? I really hate this subject! I'll just get bored listening to this nonsense for hours pero wala naman talagang papasok sa utak ko.

So much for my first day of class..

_-_-_

"Grabe lang Renz! Kung nakita mo yung mukha ni Sir! Sobrang nakakahiya kasi tinawanan pa ko ni Vin! Ugh, the nerve! Nakakabwiset talaga yang Black Knights na yan!"

I said over the phone habang nagvevent-out ng galit at kahihiyan ko kay Renz. He insisted on calling him to let him know how my first day as a senior went. 

"Black Knights na naman? Do you want me to go there and beat them up for you V?"

"As if."

"You know I will definitely do that. Nako, wag ka lang talaga nila mapagtripan, I'll really kick their @ss!"

"No need Renz, I can handle myself. Para saan pa ang taekwondo lessons ko dati kung hindi ko naman magagamit di ba?" I said while grinning. Naiimagine ko pa lang, napapangiti na ko.

"Pero babae ka parin. Basta if anything happens, let me know okay?"

"Yeah."

Alam kong seryoso si Renz. Before nung grade 1 pa lang kami, there's this huge kid na lagi akong binubully. Nung nalaman niya yun, inabangan niya yung bata nung uwian namin. Ever since then, di na ulit ako ginulo nun. Up to this day di ko parin alam kung anong ginawa ni Renz dun sa bata. Kapag tinatanong ko kasi siya, ngingiti lang siya tapos iibahin na yung usapan.

Dati rin nung Grade 6 kami, meron akong matabang classmate na laging kinukuha yung baon ko. Sinumbong ko yun kay Renz and he punched the kid in the face. The kid broke his nose that day. 

Kaya naman I didn't have any doubts sa lahat ng sinabi ni Renz. Alam kong oras na malaman niyang may umaaway sakin dito, pupunta siya para ipagtanggol ako. Kaya naman I really love my bestfriend, siya kasi ang sandalan ko.

"Anyway, I have to go. Maaga pa kasi ako bukas. Goodnight V. Sweetdreams."

"Goodnight din Renz. Bye."

I hung up the phone and finally settled comfortably on my bed. Nakakapagod tong araw na to. Buti na lang nakausap ko si Renz, kahit papano gumaan ang nararamdaman ko. I turned off my bedside lamp. Sana talaga maging mas maganda ang araw ko bukas cause today is definitely not my day. And with that thought, I soon drift off to sleep.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon