DTBB: 15th

1.9K 61 11
                                    

Vanna's POV:

"What do you mean? Di ka pa umuuwi? God, Brix--" Biglang naputol yung tawag niya.

I stared at the phone in my hands, parang ngayon pa lang nagsisink-in sakin ang lahat.

Kanina sa hallway, sinabi niya saking ininvite ako ni tito Sonny for dinner. I vaguely remember that he told me to wait for him at the parking lot kasi nagwalk-out na ko nun. Pero naaalala kong pumayag ako.

Alam kong pumayag ako.

At naghintay siya sakin dun for god knows how long.

Umupo ako sa kama habang dinadial ang number niya pero mukhang naka-off na ang phone niya, dial tone lang kasi ang naririnig ko sa kabilang linya.

Grabe, I feel guilty. Kaya pala pakiramdam ko may nakalimutan ako. Siya pala yun.

Though in my defense, masyado akong naexcite kasi nakasama ko ulit si Renz. The moment na hinila niya ko pagkalabas ko ng room, nawala na sa isip ko yung sinabi ni Brix. Dead batt na rin ako nun, kaya di na niya ko  nacontact.

Pero alam ko namang di ma-jjustify nun yung di ko pagsipot sa usapan namin.

Haay! Ang tanga mo talaga Vanna! Di ka nag-iisip! Look at what you've done, pinaghintay mo yung tao ng wala man lang pasabi! Now your guilt will eat you alive.

Mukhang galit tuloy sakin ngayon si Brix. Di bale, bukas mag-aapologize ako sa kanya. Ako naman ang may kasalanan eh, kaya magsosorry ako.

Sana lang talaga mapatawad niya ko agad. Di kasi ako sanay na may tampuhan kaming dalawa.

Kinabukasan, maaga akong naghintay sa harap ng bahay namin para kay Brix. Tuwing umaga kasi, dinadaanan niya muna ako para sabay kami pagpasok sa school. Never pa siyang na-late, kahit tuwing nagcacarpooling sila nila Vin at Jake. Kaya naman nagtataka ako ngayon, supposedly kasi kanina pa dapat siya nandito pero 30 minutes late na siya.

Baka naman may emergency lang, na-late ng gising, or nasiraan siya sa daan. I tapped my foot impatiently while waiting. Naku, malelate pa yata ako sa school neto.

Nagulat ako sa biglang pag-vibrate ng phone ko na nasa right pocket ko. Kinuha ko yun at binasa ang text na galing kay Jake. It says na di raw ako masusundo ni Brix ngayon. May importante daw siyang lakad kaya sumabay na lang daw ako kay Ari. Napasimangot ako bigla, kanina pa kasi nauna si Ari eh.

Haay, mukhang kailangan ko ng umpisahang maglakad kung gusto ko pang umabot sa first subject ko.

I started walking ng biglang mag-vibrate na naman ang phone ko. This time it's a call. Dahil sa pagmamadali, I answered it without looking at the caller id.

"Hello?"

"Hello, V? Nasan ka? Bakit wala ka pa dito sa school?" Si Renz lang pala.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon