DTBB: 6th

2.7K 76 3
                                    

Vanna's POV:

Di ko alam kung bakit pero naging paranoid ako these past few days. Di kasi mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Brix. Speaking of, wala namang pinagbago samin sa school. Ganun parin siya at wala parin kaming pansinan. Ungrateful jerk!

"Muntik ka na namang malate kanina." Sabi ni Ari habang kumakain kami ng lunch.

"Renz." Sabi ko sabay subo ng kinakain ko. Alam kong nagets na niya. Bumawi lang ako kay Renz kagabi kaya medyo napuyat kami over the phone. Nagkwentuhan lang naman pero syempre di ko sinabi sa kanya yung tungkol sa party.

"Hmm. Anyway, may group project kami mamaya. Sorry Vanna, di ako makakapag-overnight sa inyo ngayon." Nagplano kasi kami ng sleepover ngayon. Oh well, sayang di na matutuloy.

"Ayos lang Ari. Next time na lang." I told her while smiling para naman di siya maguilty.

Bigla namang pumasok sa loob ng canteen ang Black Knights. As usual, bigla ring nagbulungan ang mga students habang kumakain. Yung ibang babae, di napigilan ang mga sarili nila at sumigaw pa talaga.

"Shet! Ampogi talaga ni papa Brix!"

"Vin, angkinin mo na ko!"

"Jake's soo hot!"

"Waaah Brix! Pahawak ng biceps mo!"

Ano ba yan! Kailangan talagang sumigaw? Mga babaeng to, di na nahiya! Gwapo nga ang mga ungas, pero duh, ang sama naman ng ugali! Lalo na yang Brix na yan!

Umupo sila sa isang table. Parang wala lang sa kanila ang mga babaeng nagkakagulo because of their presence. Psh. Ang hangin.

Dahil may group project na kailangan puntahan si Ari, mag-isa akong naglakad pauwi. Palagi kasi kaming sabay dahil sa ilang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay namin.

Heto na naman yung feeling na parang laging may nakatingin sakin. Pero mas worse yung ngayon, kasi pakiramdam ko may sumusunod sakin. Napaparanoid na naman ako! Haay!

Binilisan ko na lang ang lakad ko. Mas mapapanatag ako kapag nakauwi na ko agad sa bahay. I really hate this sinking feeling in my gut right now.

"Found you." Pamilyar yung boses na yun. I suddenly had this urge to shiver in fear. Imposible.

Sa likod ko nanggaling yung boses pero bago pa ko tumalikod para tignan kung sino siya, bigla na niya kong hinila palayo.

"Bitiwan mo ko! Please! Tulong!" Di ko namalayan na sumisigaw na pala ako. Tinakpan niya ang bibig ko at mas lalo kong naramdaman ang diin ng hawak niya sa braso ko.

Bigla niya kong sinandal sa isang pader. Dito niya ko dinala sa isang eskinitang walang poste ng ilaw at di masyadong dinadaanan ng mga tao. Kinabahan ako bigla.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon