Kabanata 2

30 0 0
                                    

Kabanata 2

His secretary slash personal driver

"Ikaw? Quolin? Akala ko ba Christine?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Well, I lied. Satisfied?" sabi ko.

"Huh." aniya, hindi makapaniwala at pinirmahan na ang proposal. Dapat alam niya iyon kung laman siya ng bar, na hindi lahat ng tao ay ipapakilala ang totoong pangalan nila.

Iniabot niya iyon sa akin at saka iminuwestra ang pinto upang makalabas na ako.

Sa kanyang ikinikilos batid ko na wala siyang interes sa akin. Naisip ko tuloy ang sinabi kanina ni Pebble na paibigin ko siya. Makaganti man lang sa nangyari kagabi.

Sakto naman paglabas ko ng kanilang kumpanya ay nakakita ako ng poster. Wala pala siyang sekretarya ngayon at nangangailangan din siya ng personal driver. Makapag apply nga para lalo ko lang siyang mabwisit.

Nag apply ako, ininterview at kung anu ano pang exam ang ginawa. Sa awa ng Diyos ay nakapasa naman ako.

I am now the secretary of Mr. Carl Zachary Elwell and his personal driver.

"Good Morning Sir." nakangiting sabi ko habang nakaupo sa kanilang sofa. Alas sais pa lang ng umaga nang makarating ako sa kanilang mansion. Mansion ito pero siya lang ang tao. Medyo nahihiwagaan din ako kung bakit. Wala ring family picture na nakasabit sa kanilang dingding.

Tanging isang manang lang ang nakita ko na nagbukas sa akin ng pintuan, bukod dun ay wala na.

"Ginagawa mo dito? Stalker ba kita?" aniya habang nagkukusot ng mata. Naka pantulog pa siya. Boxers at puting sando.

"You are not informed? I'm your personal driver slash secretary." pahayag ko.

Naka black pencil skirt ako at blouse. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Ayoko. Personal driver? Babae? Sinong tanga naman ang kumuha sa'yo?" angil niya.

"Eh sino pa ba, edi ang Papa mo." sagot ko at hindi na siya muling umimik pa.

Nagtungo na sa kusina. Halos tatlumpung minuto ako naghintay bago niya inabot sa akin ang susi ng kotse at lumabas kasama ko.

"Vintalla tayo." aniya at pumasok sa back seat.

Tahimik siya pagkapasok ng sasakyan kaya nagsalita ako "Sir, pwede magtanong?"

"Hindi ka pa ba nagtatanong ng lagay na yan?" aniya kaya napabulong ako "pilosopo."

"Ano?" angil niya.

"Wala wala. Ikaw lang mag isa sa bahay niyo?" pag iiba ko.

"May nakita ka pa bang ibang tao?" sagot niyang tanong din.

"Si Manang." sabi ko. Hindi na siya muling nagsalita pa kaya napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong natutulog siya.

Hinayaan ko na lang siya at ilang sandali pa ang lumipas ay narating na din namin ang Vintalla. Ang kumpanya nila ay paggawa ng mga materyales sa bahay samantalang ang amin naman ay real estate company. Kaya siguro ginawang business partner ni Mommy sila Carl ay para makatipid.

"We're here." pahayag ko at inayos niya na ang kanyang suit sabay baba ng kotse.

Agad din akong bumaba at kinuha ng isang lalaki ang susi upang siya na ang mag park nito.

Sumunod ako kay Carl hanggang sa makapasok na siya ng kanyang office. Ako naman ay umupo sa aking silya sa labas ng kanyang opisina.

Halos uminit ang aking pwet sa upuan dahil wala akong ginagawa. Wala rin namang tawag o kung ano pa man.

Flirting StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon