Kabanata 5
Tagaytay
Maaga akong gumising upang bumili ng pagkain para kay Lola at para na rin kay Tita Thessa, hanggang bukas na lang kami dito ni Lola at maaari ko na ulit siyang iuwi sa kanilang bahay.
Ang pinag aalala ko lang ay kung kailan ko matatanong si Tita Thessa tungkol sa asawa niya, lalo na't ngayon, hindi ko alam kung kailan niya ulit ito maaalala.
"Lola, kumain po kayo, may dala po akong pagkain at prutas." sabi ko pagpasok ng kanyang kwarto.
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay masayang nakikipag tawanan kay Tita Thessa.
Inabutan ko na lang sila ng pagkain nang mapansin kong masyado silang busy sa pagtatawanan kaya hindi nila ako nagawang pansinin.
"Okay na po ba kayo?" tanong ko kay Tita Thessa nang matahimik ang dalawa dahil kumakain.
"Bakit may nangyari ba?" balik niyang tanong sa akin.
"Kagabi po kasi binangungot po ata kayo, may sinasabi po kayo na pangalan, Vincent, Carl at Cayden?" sabi ko kaya nagtataka niya akong tiningnan.
"Huh? Hindi ko maalala iha. Pasensya na." aniya. Mukhang mahihirapan ata akong kumpirmahin ang katotohanan.
Mukhang malabo. "La, labas muna po ako. May tatawagan lang po." paalam ko kay lola at tumango siya bilang sagot.
Agad kong idinial ang number ni Pebble. Ilang ring lang at sinagot din niya agad.
"Bakit bessy?" aniya halatang bagong gising.
"Pwedeng pakuha naman lahat ng possible information tungkol kay Thessalonica Gabriel Mendoza." wika ko habang binabasa ang pangalan ni Tita Thessa sa labas ng kwarto.
"Kailan mo kailangan?"
"As soon as possible pero pwede din namang within this week." sagot ko habang humihilig sa pader.
"Osige. Dalhin ko na lang sa bahay niyo." aniya.
"Okay, thanks, Pebs. Bye." sabi ko at pumasok na muli sa loob ng kwarto.
Kinagabihan ay maagang natulog si Tita Thessa. Si Lola naman ay abala sa pangangaral sa akin. "Apo, siguraduhin mo na ang lalaking papangasawahin mo ay kaya kang buhayin, mahirap ang buhay ngayon kaya dapat mapili ka, baka matulad ka sa babaeng iyan." marami pa siyang sinabi. May napanood kasi siyang soap opera sa t.v. at ngayon ay ikinokonek niya sa akin.
"Oh sige po lola. Matulog na po kayo at maaga pa po tayong aalis bukas." sabi ko at inayos na ang kanyang kumot pagkatapos niyang humiga. "La, aasikasuhin ko lang po muna yung hospital bills niyo ah." sabi ko at lumabas.
Binayaran ko na ang lahat ng bayarin ni Lola dito sa ospital, maging ang kay Tita Thessa ay binayaran ko na din. Nakakaawa kasi, isa pa kabibigay lang ng sahod sa akin ni Carl, wala naman akong paggagamitan.
Bumalik ako sa kwarto at naabutan kong inaatake na naman si Tita Thessa. Nananaginip na naman siya.
Pinuntahan ko siya at tinabihan. Hinaplos ko ang kanyang likod, pilit na pinapakalma at tulad noong nakaraan ay bigla na naman siyang bumangon. "Nakita mo ba si Vincent? Kinuha niya ang anak namin?" agaran niyang tanong matapos hawakan ang magkabila kong balikat. Kumpara sa nangyari noong nakaraan mas medyo kalmado siya ngayon.
"Ano po bang buong pangalan ng asawa niyo?" tanong ko.
"Vincent Walter Elwell. Sigurado akong hindi pa iyon nakakalayo. Hindi mo ba siya nakita? Tinangay niya ang mga anak namin eh" aniya at ngumuynguy na parang bata.
BINABASA MO ANG
Flirting Station
Tienerfictie(Unfinished, Di po ito ang priority ko ngayon. Next time niyo na basahin) Akala ko ako lang ang nanloloko dito, siya din pala. Masakit? Oo. Dahil nangyari na eh, may magagawa pa ba ko? Hindi ko inaasahang mayroon pa palang isang lalaki na katulad ni...