Kabanata 7

2 0 0
                                    

Kabanata 7

Gimik

"Nandito na tayo." pag papaalam ko sa kanya kaya lumabas na siya ng sasakyan at pabalibag na sinara ang pinto ng kotse ko.

Agad akong lumabas at saka sumigaw "Oo, alam ko marami kang pera pero huwag mo naman ibalibag yung pinto ng kotse ko." inis na sabi ko.

Kinuha ko ang isang bag niya at saka sumunod sa kanya. Ibinalibag ko ang gamit niya sa lapag at saka nagmartsa papaalis.

"Quolin." galit na utas niya.

"Ano?" lingon ko.

"Ayusin mo yung gamit ko sa kwarto ko." ang saya sana na makita yung kwarto niya at humiga sa kama pero ayoko. Galit kami! Magdusa siya dyan.

"Secretary mo ko at driver, wala po sa kontrata na magiging katulong niyo din ako. Aalis na ko." wika ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kanyang bahay.

Nakarinig na lang ako ng balibag ng kung anong gamit mula sa loob ng kanyang bahay pero hindi ako natinag doon. May gagawin ako ngayon, huwag siyang sumabay.

Wala na siyang sakit, magaling na siya kaya huwag siyang makaarte arte diyan.

Inayos ko na ang sarili ko nang makauwi ako sa aking bahay. Wala sila mommy at daddy. May business trip sila at sa susunod na buwan pa makakauwi.

"Aalis ka?" tanong ni Manang pagkatapos pumasok sa aking kwarto para ihatid ng mga tinuping damit.

"Opo. May kikitain lang po." sagot ko.

"Mag iingat ka." aniya kaya tumango ako at lumabas na.

10:30 pm ng marating ko ang bar. Ito yung bar na pinuntahan din namin ni Pebble nung prospect namin si Carl.

"Lin." tawag ni Pebble sa isang table.

Agad ko siyang dinaluhan doon. Inabot niya sa akin ang kanyang phone. As usual, ito ay naglalaman ng personal information ng aming bibiktimahin ngayong gabi.

Naka white dress ako at white stilletos. Nakalugay na din ang aking maalong buhok.

"Stand by lang ako dito at susundan din kita." wika ni Pebble kaya naman tumango lang ako.

Hinagilap ng aking mata si Kevin, ang pangalan ng bibiktimahin namin ngayon. Nakita ko siyang nasa table hindi kalayuan mula sa pwesto amin at napapalibutan ng mga babae. May iilan din siyang kasama na barkada. Tatlo silang lalaki habang anim naman ang babae. Tig dadalawa sila.

Ang kamay ni Kevin ay malikot na dumadapo sa iba't ibang parte ng katawan nung babaeng kasama niya samantalang ang dalawa namang lalaki ay abala sa pakikipag tawanan at pag inom ng mamahaling alak.

"Grabe naman. Ayoko sa table ah. Kapag nasa dancefloor na saka ko gagawin ang plano." wika ko kay Pebble.

"Ikaw bahala. Style mo yan eh. Taga tawag lang ako at taga dala ng pang disguise mo." aniya at uminom ng juice.

"Nakausap mo na yung bartender?" tanong ko at tumango siya.

All set na, maghihintay na lang kami ng tamang pagkakataon para makuha ang atensyon ni Kevin.

Bumalik tuloy ang nangyari sa amin noon ni Carl dito. At naalala ko din na wala akong saplot nung magising, wala na din siya nun pero paanong hindi niya nagawang i open up sa akin yun? Kung tutuusin pwede niya kong iblack mail patungkol dun sa nangyari pero hindi niya ginawa.

Baka kasi wala lang talaga siyang interes sa akin or may nangyari man ay hindi niya ito inintindi sapagkat professional siya pagdating sa gawaing ito. Hindi kaya?

Flirting StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon