Kabanata 1
Real name
Maingay na trance ng music, nagsasayawang mga couples at single ang bumabalot sa aming kapaligiran samahan mo pa ng malilikot na mga ilaw.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Pebble sa couch at nag uusap."Aldrin Marin, next target, beshie. Yung matangkad na chinito at medyo moreno. Kita mo siya?" tanong ni Pebble sa akin habang hawak ang kanyang phone kung saan nakalagay lahat ng information ni Aldrin.
"Yung nasa bar counter? May salamin?" sagot kong tanong din.
Nasa bar kami ngayon. At ang lalaking pinag-uusapan namin ay ang aming next prospect.
Matagal na namin itong ginagawa simula noong college pa kami. Kami ang gumaganti sa mga babaeng iniwan, niloko, pinagsabay sabay at pinagsamantalahan, take note yung kabaitan hindi kung ano pa man, dahil kung katawan yan. Aba'y hindi namin kaya yan. Awtoridad na dapat ang gumawa nun. Ako ang leader ng grupo ngunit walang nakakaalam ng totoong identity ko maliban sa aking best friend na si Pebble.
"Yup. Nakuha mo. Ano? Kaya ba? Hintayin na lang ulit kita? O dating gawi?" Ang dating gawi na tinutukoy niya ay yung pagsunod niya sa amin kasama ng mga babaeng niloko ng lalaking gagantihan namin.
"Dating gawi." tipid kong sabi at tumayo na. Inayos ko ang black dress ko na humahapit sa aking katawan. Nagdagdag pa ako ng pulang lipstick para mas maging attractive pa ako at seductive sa paningin ni Aldrin. Inilugay ko na ang aking buhok na kanina'y naka ponytail kaya naman mas lalo akong naging kaaya aya sa paningin ng mga kalalakihan.
Pumunta ako sa pwesto ni Aldrin ngunit wala na pala siya doon dahil nasa dance floor na siya. Cool for the Summer ni Demi Lovato ang tugtog na bumabalot sa dance floor.
Sinenyasan ko ang bartender at nakuha naman niya ang pinrarating ko. Tamang tama lang ang pagkakataon na ito dahil mas madali kong maaakit si Aldrin.
Pumwesto ako sa kanyang likuran at saka siya sinayawan. Maraming tao dito sa dancefloor. Si Pebble na nahagip ng aking paningin ay nagmamasid lang sa amin. Napansin ako ni Aldrin dahil sa paglapit ko ng aking katawan sa kanya. "Hi, babe." aniya at inilagay na ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang balikat.
Itinalikod niya ako at siya naman ngayon ang nagdidikit ng kanyang katawan sa akin. Naramdaman ko na buhay na buhay ang kanyang pagkalalaki. Idinikit niya ang kanyang mukha sa aking leeg. At unti unti ko ring nararamdaman ang kanyang kamay sa aking beywang. Humarap ulit ako sa kanya at saka siya binulungan "Wanna have some drink, babe?" sabi ko sabay kindat.
Hindi na siya sumagot pa at dinala na ako sa bar counter. Agad na binigay sa kanya ng bartender ang inumin niya pati na din ang akin. "Are you free tonight?"
"Of course. Your place or mine?" nakangising tanong ko. Ang plano namin ay tiyak kong magagawa na naman ng maayos.
"My place." sagot niya at agad na tinungga ang shot glass. Pasuray suray siyang naglakad hanggang sa marating namin ang labas. Dumating ang kanyang sasakyan pati na rin ang driver niya.
Agad niya akong pinapasok sa loob at sumunod naman siya.
Mula sa rear view mirror ng sasakyan nakita ko ang pagsunod nila Pebble kasama ang kanyang boyfriend na si Harvey sakay ng kanilang sasakyan na trail blazer
Ilang minuto ang lumipas at huminto kami sa tapat at isang prestihiyosong hotel. Agad siyang nag check in at kinuha ang card.
Mabilis kaming naglakad papasok ng elevator kasabay nito ang pagpindot niya sa 24th floor. Pagkasaradong pagkasarado ng pinto ng elevator kung saan kami lang dalawa ang tao ay siniil niya na agad ako ng halik. Humalik ako pabalik pero nang maramdaman ko na hinuhubaran niya na ko ay lumayo ako.
BINABASA MO ANG
Flirting Station
Teen Fiction(Unfinished, Di po ito ang priority ko ngayon. Next time niyo na basahin) Akala ko ako lang ang nanloloko dito, siya din pala. Masakit? Oo. Dahil nangyari na eh, may magagawa pa ba ko? Hindi ko inaasahang mayroon pa palang isang lalaki na katulad ni...