Kabanata 6
Dating gawi
Papunta kami ngayon ng Tagaytay at ako ang nagmamaneho, syempre driver niya ko eh. "Wala ka na bang ibibilis pa dyan?" kanina pa siya nangungulit na bilisan ko eh ang kaso kahit gustuhin ko ay may speed limit dito. Mamaya ay makasuhan pa ko na over speeding.
"Ikaw kaya ang magmaneho ano?" pilosopong sagot ko.
"Kung marunong lang sana ako." sagot niya.
Katabi ko siya. Hindi katulad ng lagi niyang ginagawa na sa back seat umuupo. Ewan ko kung anong nakain nito at tumabi sa akin.
"Kailan mo pala nalaman?" pangungulit niya habang ako naman ay seryosong nakatingin sa daanan.
"Nito lang din." simpleng sagot ko.
"Kwento mo naman, pano mo nalaman? May nasabi ba siya? Nakwento? At saka pano ka nakakuha ng ganung confidential na mga papeles?" curious na tanong niya.
"I have connections. Pano ko nalaman? Hmm." bumuntong hininga muna ako bago muling nagpatuloy. "Di ba may business trip ka?" tanong ko kaya tumango siya.
"Inutusan ako ni Mama na puntahan ang lola ko sa Tagaytay, naka confine siya sa ospital dahil inatake ng sakit sa puso." kwento ko. "Tapos nagkataon naman na magkakwarto si Tita Thessa at si Lola at higit sa lahat naging magkaibigan pa sila." pahayag ko at saglit na sumulyap sa kanya.
"Eh pano mo nalaman na mama ko siya?" seryosong tanong niya.
"Nung unang gabi kasing punta ko eh binabangungot ang mama mo, nabanggit niya ang pangalang Vincent, Carl at Cayden kaya nagtaka na ko. Kinabukasan, tinanong ko siya tungkol dun sa pangalang binanggit niya, di naman daw niya maalala tapos nung gabing ulit na yun, nanaginip naman, edi kinumpirma ko tas ayun nga sinabi niya ng buo yung pangalan ng papa mo edi nagpa imbestiga na ko." wika ko at sumulyap na naman sa kanya upang tingnan ang kanyang naging ekspresyon.
"Maayos naman ba siya?" sunod na tanong niya.
"Oo pero kadalasan kasi inaatake ng sakit kaya kailangan alagaan, eh wala namang nag aalaga sa kanya talaga kung hindi yung mga nurse at kapit bahay na nagmagandang loob na dalhin siya sa ospital." napatango siya at bigla na lamang lumungkot ang mukha. Maya maya pa'y nanahimik kaya napatingin ulit ako. Nakita ko siyang umiiyak na.
Itinigil ko saglit ang sasakyan pagkatapos tumabi. "Hey, okay ka lang?" kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang kanyang pisngi. "Magpakatatag ka, kailangan ka ngayon ng mama mo." sabi ko at inilagay na sa kanyang kamay ang aking panyo.
Nagmaneho ulit ako at ngayong wala ng speed limit ay pinahururot ko na ang kanyang sasakyan.
Ilang oras din ang binyahe namin bago marating ang ospital kung nasaan ang mama niya.
Tahimik siyang nakasunod sa akin habang linalakad namin ang pasilyo papunta sa kwarto ni Tita Thessa. "Hello po." kaway ko kay Tita nang maabutan ko siyang nakaupo sa kanyang kama.
"Sino ka?" lukot ang kanyang mukha ng makita ako. Patay tayo neto, sinumpong na naman ata.
"Ako p-" pinutol niya na ang aking sasabihin. "Ah, yung apo ni Lola Jill?" napatango ako at napangiti ng maalala niya ako. "Wala dito ang lola mo ah. Hindi ba kasama ka niya nung dinischarge siya?" tanong niya.
"Opo, hindi ko naman po hinahanap si Lola, kayo po talaga ang sadya namin. Siya nga po pala, may kasama po ako. Si Carl po." sabay tingin ko kay Carl na nasa aking likuran. "Carl si Tita Thessa." pagpapakilala ko.
"Hello iho." naglahad ng kamay si Tita Thessa kaya kinuha niya ito at hinawakan gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ni Tita kay Carl kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Flirting Station
Teen Fiction(Unfinished, Di po ito ang priority ko ngayon. Next time niyo na basahin) Akala ko ako lang ang nanloloko dito, siya din pala. Masakit? Oo. Dahil nangyari na eh, may magagawa pa ba ko? Hindi ko inaasahang mayroon pa palang isang lalaki na katulad ni...