Kabanata 4

11 0 0
                                    

Kabanata 4

Thessa

"Doc, kamusta na po ang kalagayan ni Mr. Elwell?" tanong ko sa doktor matapos lumabas sa emergency room kung saan dinala si Carl.

"Maayos na ang kalagayan niya iha. Sobrang pagod lang at stress ang nangyari kaya siya nawalan ng malay. May irereseta akong gamot sa kanya kaya siguruhin na lang natin na iinumin niya ito." sabi ng doktor at ibinigay sa akin ang reseta. "Maaari siyang manatili dito hanggang bukas pagkatapos ay pwede na siyang madischarge." dagdag pa niya.

"Sige po. Salamat po." sabi ko

"Sige, mauna na muna ako." wika ng doktor at umalis na.

Dinala si Carl sa isa sa mga kwarto ng ospital kaya sinundan ko na lamang ang mga nurse na nagdala sa kanya. Buong magdamag kong binantayan si Carl sa kanyang higaan. Nang hindi ko na kayanin ang antok ay humilig ako sa gilid ng kanyang kama at doon na nakatulog, alas tres ang huli kong tingin sa orasan.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Napatayo ako nang mapansing wala na si Carl sa kanyang higaan at naramdaman ko din ang pagbagsak ng kung ano sa lapag kaya napatingin ako dito. Kumot, kumot ni Carl kagabi.

"Sir?!" nag aalalang sabi ko habang paikot ikot sa kwarto upang hanapin siya.

"Carl? Denden?" naiiyak na ko, lumabas ako ng kwarto at nagtanong sa iilang taong nakakasalubong ko at nurse na nasa information, wala naman daw lumabas.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, kung tutuusin ay maaari na akong umuwi at magpanggap na walang nangyari tutal malaki naman na si Carl at kaya niya na ang sarili niya pero hindi, kahit ayaw kong mag alala, kahit gusto kong hindi na lang siya pansinin ay hindi ko magawa.

Gusto kong lagi ko siyang nakikita, gusto kong lagi ko siyang kasama kahit masungit siya, gusto kong alamin ang lahat tungkol sa kanya at higit sa lahat gusto kong ako yung taong pagkakatiwalaan niya sa oras na nauubusan na siya ng lakas ng loob para magpatuloy pa sa kanyang buhay.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Napasabunot ako sa aking buhok at napapunas ng aking mukha.

"Lin." dinig kong tawag sa akin ni Carl galing sa aking likuran.

Napalingon ako at napayakap sa kanya pagkatapos ay bigla rin akong lumayo nang mapansin ko ang aking ginawa.

Tinalikuran ko siya upang ayusin ang aking sarili at punasan ang aking mga luha.

"San ka galing?" inis na sabi ko.

"Bumili akong kape natin." sabay taas niya sa dalawang cup na nasa magkabilang kamay niya. Napangiti siya pagkatapos akong makita na nag aalala.

"Bwisit. Uuwi na ko." sabi ko at umambang lalabas na.

Bigla niyang hinarang ang braso niya sa pinto kaya naman napigil niya ako sa paglalakad at bigla na lang akong umikot at napasubsob sa kanyang dibdib.

Yakap niya na ako ngayon, mas mahigpit sa ginawa ko kanina. "Thank you for staying with me." bulong niya sa akin pagkatapos idikit ang kanyang labi sa aking tenga.

Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy sa aking katawan.

Pagkatapos ng ilang sandali ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin at saka inabot sa akin ang tasa.

"Oh. Inumin mo na, bago lumamig yan." wika niya kaya ininom ko na.

"Pwede ka na daw lumabas ngayon. Tapos ito." sabay pakita ko ng reseta. "Inumin mo daw ito. Masyado ka daw pagod at stressed kaya ka nawalan ng malay." pahayag ko.

Flirting StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon