Kabanata 3
His problems
Maaga akong nakarating sa bahay nila Carl ang kaso lang ay walang nagbubukas sa akin kaya naman ako na mismo ang nagbukas ng kanilang gate. Mabuti na lang din at bukas ang kanilang pinto pagkatapos kong kumatok ay pumasok na din ako.
Naabutan ko siyang nagpupunas ng buhok habang nakatapis ng twalya, may mga butil din ng tubig na nalalaglag sa kanyang dibdib na nanggagaling dito.
"Ehem ehem." sabi ko pagkatapos tumitig sa kanyang abs. Umiwas ako ng tingin at umupo sa sofa.
Naalala ko na naman yung utot niya kagabi kaya napangiti ako. "Para kang timang." aniya.
"Asan si Manang?" pag iiba ko ng topic.
"Day off niya." tipid niyang sagot at umakyat na ng hagdan.
Kahit kailan talaga masungit.
Inabala ko ang sarili ko sa pagkalikot ng aking cellphone. Binuksan ko rin ang site ng group namin. Napansin kong walang bagong prospect, may ibang nagtatanong kung kelan sila makikipaghiganti kaya naman hindi ko na lang ito pinansin.
Magdedeactivate muna ako ng account hangga't hindi ko pa naisasagawa ang aking plano.
Kinuha ko ang susi ng kanyang kotse sa mesa matapos kong makita na papalabas na siya ng kanyang bahay.
Hindi man lang talaga ako sinabihan na aalis na kami eh no? Ibang klase talaga.
Pagkalabas ko ay nasa loob na siya ng backseat kaya naman dali dali akong pumasok sa driver's seat upang makapag maneho na. "Vintalla, sir?" tanong ko.
"Oo." tipid na sagot niya at may idinial sa kanyang cellphone. Pinatakbo ko na ang sasakyan.
"Gawan mo ng paraan." dinig kong sabi niya sa kausap niya sa cellphone habang tinatahak namin ang daan patungo sa kanyang kumapanya. "Hindi pwedeng pasensya, asikasuhin mo yan kung hindi, ikaw ang gagawin kong materyales." dagdag pa niya. "Dapat bukas, maayos na lahat ng problema. Tandaan mo buhay ng pamilya mo ang nakasalalay dito." aniya at ibinaba ang telepono. Pasulyap sulyap ako sa salamin para tingnan siya.
Suplado naman, strikto pala siyang boss, pero mas malala ako kasi kung ako yan, hindi ko na yan kakausapin pa, sesesantihin ko na yan agad.
"Anong schedule ko ngayon, Ms. Richwell?" tanong niya kaya napasulyap na naman ako sa rear view mirror.
"May meeting po kayo with the client, mamayang 10 tapos alas tres at alas singko meron din po." pagpapa alam ko.
Hindi na siya umimik pa. Ilang minuto pa ang lumipas at narating na rin namin ang Vintalla. "Huwag kang magpapapasok ng kung sinu sino lalo na at kung walang appointment. Ayokong nagpapaistorbo kapag may ginagawa." paalala niya sa akin bago pumasok ng kanyang opisina.
Kasalukuyan akong nakaupo sa aking pwesto nang mapansin ko ang pagdating ng isang babaeng, palagay ko ay nasa 40 anyos na. Maayos ang kanyang pananamit at mahahalata mo din na galing siya sa mayamang pamilya.
Nararamdaman kong tinutumbok niya ang opisina ni Carl kaya "Ma'am excuse me po, may appointment po ba kayo?" pagharang ko sa dadaanan niya.
Pero tinabig niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Wow ha, kababaeng tao, matanda pa, pero ang lakas.
Tumakbo ulit ako papalapit sa kanya ngunit huli na dahil nakapasok na siya sa loob ng opisina. Nakita ko ang agarang pagsampal ng babaeng iyon kay Si Carl. Ang lutong at matunog, napansin ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Wala ka talagang kwenta, irresponsable, bobo!" sigaw ng matandang babae kay Carl.
"Ma! Tama na." ani Carl at lumayo.
BINABASA MO ANG
Flirting Station
Teen Fiction(Unfinished, Di po ito ang priority ko ngayon. Next time niyo na basahin) Akala ko ako lang ang nanloloko dito, siya din pala. Masakit? Oo. Dahil nangyari na eh, may magagawa pa ba ko? Hindi ko inaasahang mayroon pa palang isang lalaki na katulad ni...