Kabanata 8

5 0 0
                                    

Kabanata 8

Identity

"So akala mo makukuha mo ko sa gimik mong 'to?" iritang sabi ko.

"Bakit hindi ba? Ineffortan ko kaya 'to?" effort na ito ng lagay na ganito? pero may pagkain naman kaya okay lang.

"Sabi ko nga eh. Nakuha mo." sabi ko at dumiretso na sa table. Gutum na gutom na ko. Hindi ako tatanggi sa pagkain. Never.

Mahangin dito sa taas kaya malamig. Napatingin ako sa aking suot. Nakapajama ako at manipis na blouse na terno dito. Naka foam din ako na tsinelas. Halatang inisnatch lang ako galing sa pagkakatulog.

Napahawak ako sa aking mga braso. Naramdaman ko ang pagpatong ng damit sa aking likod. Wala na siyang coat. Naka white long sleeves na lang siya at neck tie dahil nasa akin na nakapatong ang brown coat niya.

Sinuot ko ito at umupo na. Binuksan ko ang nakatakip na pagkain at bumungad sa akin ang iba't ibang putahe ng ulam.

"Whoa! Galing 'to dun sa Manang na nagtitinda malapit sa plaza?" tanong ko.

Nakangiti siyang tumango. Akala mo bati na tayo porket binili mo kong pagkain? Tsss.

Kainan na. Agad akong kumain pagkatapos mag indian sit sa upuan.

Naubos ko ang lahat ng nakahandang pagkain. Hindi ko siya pinakain. Kinuha ko din ang pagkain niya, hindi naman siya umangal. Pangiti ngiti ang gago.

"Uuwi na ko." sabi ko pero nakalimutan ko na naman, wala pala akong dala kahit ano. "Tumayo ka na dyan, hatid mo na ako pauwi." utos ko. "Tapos na office hours." dagdag ko.

"Sorry na nga eh." ika niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.

"Alam mo, ang gusto ko lang naman maging tapat ka sa'kin. Gusto rin kitang makilala ng buong buo. Gusto kitang makasama. Gusto kitang katabi. Gusto kong palaging nakikita yang pagmumukha mo pero paano ko magagawa yun kung yung tiwala mo sa'kin hindi buo at paano ko rin yun magagawa kung may tinatago sa akin at alam kong masasaktan mo ang damdamin ko? We can't make this relationship work if we cannot trust each other." pahayag ko at huminga ng malalim. Seryoso lang siyang nakatitig sa aking mga mata. "So tell me, anong tinatago mo? Ayokong sa iba ko pa malaman, mas matatanggap ko kung ikaw mismo ang magsasabi ng totoo sa akin at magpapaliwanag ng dahilan mo. Yung nangyari kagabi, wala na yun. Yung mga sinabi mo na lang na masasakit pero ang gusto kong malaman ngayon ay ang sikreto mo saka ako magpapaliwanag ng side ko sa nakita mo kagabi." sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'm Cayden." wika niya.

"Aah Cayden." wait ano? Cayden? "Ano? Asan si Carl, bakit ka nandito?" gulat na tanong ko. Cayden, yung kakambal ni Carl, yung matagal ng naglaho at walang records ng kahit ano na nakuha si Pebble sa kanya ng halungkatin namin ang personal profile niya.

Hinahanap namin all this time, nagtataka din kami kung nasan ang kakambal ni Carl, yun pala kasama ko, kaharap ko.

"Nagkamali ka ata ng akala sa akin sa bar." panimula niya.

"Eh? Eh bakit lahat tawag sa'yo Carl? Maski sa opisina, Carl din?" tanong ko.

"Si daddy, sinabihan niya kong magpanggap bilang Carl. Naaksidente kasi siya, car accident tapos ayun, marami kasing naiwang gawain si Carl at hanggang ngayon nasa comatose pa din siya." pagliliwanag niya at lumungkot ang mukha.

"At pumayag ka?" tanong ko.

"Oo, syempre, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nabigyan ng pansin ni Papa." sagot niya. Naintindihan ko na. Syempre nga naman, kung ako ang nasa kalagayan niya, susundin ko din ang gusto ng magulang ko, kung ito lang ba ang tanging paraan para mabigyan nila ako ng kaunting atensyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flirting StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon