Inabot ko naman agad ang dala kong pagkain sa kanya dahil parang hindi pa siya kumakain at pansin ko rin nga sa kanyang mukha ang pamomroblema...
"Oh para sayo nga pala, tanggapin mo na. Peace offering ko din yan sayo, pasensya ka na ulit kanina ah?"
Nginitian ko siya sabay kamot ng aking ulo, bakas sa mukha niya ang hiya.
"Ang galing ah, right timing ka! Pano mo nalamang di pa ako kumakain? Hehe, at may note pa? Thank you for this!"
Pabiro nalang niyang sagot sakin habang tumatawa.
Pagkabasa ng note na aking nilagay ay tinaggal niya ito at dinikit naman sa likod ng kanyang ID.
..........
Sa totoo lang, pinagmamasdan ko siya habang kumakain at nakakatuwa siyang tingnan,
Pakiwari ko ay siya ay 5'5 sa height. May kaputian din at may makinis na kutis, pakiramdam ko din ay napakasarap hawakan ng kanyang malambot na buhok. May saktong pangagatwan, ang maganda niyang mga mata at mapupungay na pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi. Ngunit ang masasabi kong nagpapa-lakas sa kanyang dating ay ang kanyang mga dimples.
"Uhm...may dumi ba ako sa mukha?"
Biglang pagtatanong niya sa akin...
"Ah...eh wala naman, bakit?"
Ang sagot ko naman sa kanya at bumalik na sa aking sarili dahil parang napansin niya ang aking pagtitig sa kanya.
"Eh napansin ko kasing kanina ka pa nakatingin sakin."
Batid niya sakin...
Nakita ko naman bigla ang hawak niyang papel, Registration form niya pala ito, banang binabasa ang ilan dito ay nakita ko ang nakalagay na siya ay isang Freshman na mukha naman talaga sa kanyang itsura kung titingnan mo siya mula ulo hanggang paa.
Kaya't nakaisip ako ng sasabihin para mabaling ko ang isipan niya at maiba ang aming usapan...
"Kaya pala sobrang kintab ng sapatos mo ah? First year ka pala, Hehe!"
Bigla kong hirit na pabiro sa kanya dahil sa aking napansin at para makalusot na rin. ("Hay salamat! I'm safe!") sabi ko sa aking sarili...
"Ah oo, ikaw din ba?"
Sagot naman niya sakin, at naisipan ko na magpakilala sa kanya...
"Ako nga pala si Dylan Mendoza, Dylan nalang ang itawag mo sakin. Sophomore na pala ako, BSBA. Ikaw?"
Tanong ko naman sa kanya.
"2nd year ka na pala! By the way I'm Kenzo...Kenzo Trinidad, BSBA din ang course ko."
Sagot naman niya sakin.
"Nice meeting you Mr. Kenzo Trinidad!" sabi ko naman habang nakangiti at nakikipag-shake hands sa kanya.
Dahil nga napansin ko kanina na parang namo-mroblema siya habang naglalakad ay di na ako nag-atubili pang itanong iyon sa kanya...
Ako: Nga pala Kenzo, napansin ko kanina na parang di ka mapakali, may problema ka ba? Di ba maganda ang first day of class experience mo?
Pagtatanong ko at hirit na man niyang sabi,
Kenzo: Oo di nga maganda eh, papalabas ako kanina ng building ay may nakabunggo at nakatapak agad saking isang lalaking clumsy, badtrip yon! HAHAHAHAHA!
Pagbibiro niya sa akin na nasundan ng isang malakas na tawa
At bigla ako ay na-gulity na naman ulit sa aking nagawa sa kanya kanina.
Ako: Grabe ka naman sakin!
Kenzo: Hindi joke lang yun binibiro lang kita! Seriously, mamaya pa talagang 10:30 ang first class ko, sinadya ko lang agahan ang pasok para makapag-ikot at malaman ang pasikot sikot ng university pati narin syempre ng college natin, para komportable din naman ako."
Ako: Ah I see. Sige kung gusto mo mamaya after class ay ililibot kita, di lang sa college natin kundi sa buong university, para makabawi na talaga ako sayo, kanina mo pa kasi ako hinihiritan dahil dun sa nangyari kanina eh HAHAHA! Ano oras ba out mo sa last class mo?
Kenzo: HAHAHA! Ano ka ba wala na at okay na yun! Huwag mo na isipin tsaka di mo naman kailangan bumawi pa dahil ang dami mo narin namang nagawa para sakin eh, ayos na yun para sakin Dylan, kaya you don't need to worry! Okay?.....Sige payag ako tutal wala pa din naman akong kakilala dito, buti na nga lang at inapproach mo ako eh. Hehe! Uhm, dalawa lang klase ko ngayon. 4pm ang out ko. Sure ka ba Dylan okay lang talaga sayong samahan ako?
Ako: Oo naman ayos lang sakin yun tsaka gusto rin naman kitang maging kaibigan Kenzo. So...2pm ang out ko sa last class ko, hintayin nalang kita dito, okay ba yun?
Pumayag naman si Kenzo at maya maya pa ay nagpaalam narin siya sakin upang pumasok sa first class niya.....
BINABASA MO ANG
Beating Hearts (Bisexual Love Story)
Romance“The love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest...”