Kenzo Trinidad's POV (Point of View)
Jasper: Kenzo oh, salamat! Hehe.
Nakangiting sambit sakin ni Jasper sabay isinauli ang aking notebook.
Ako: Gawa gawa din ng assignment next time ha? Iwasan mo yang pangongopya Jasper, nako kung di lang talaga kita kaibigan eh!
Jasper: Oo na po, yes sir! Ayan naman ang gusto ko sayo Kenzo hahahaha. Thank you ulit!
Sagot niya sakin sabay kindat.
Kaming dalawa ni Jasper ay magkatabing nakaupo sa bandang gitna, nasa kanan ko si Jasper at sa kaliwa ko nama'y ang bintana na tanaw ang mga magagandang puno sa labas na nakaka-relax tingnan.
Habang ako'y nakatanaw sa labas ay bigla namang pumasok ang aming prof.
Siya ang boring naming prof...sobrang boooooring lang niyang magturo grabe!
Siguro kung may "Most Boring Professor Award" ay sa kanya ito ibibigay! Haaay...
Kaya't ibinalik ko nalang ulit ag aking attensyon sa labas at binaling ang aking tingin sa mga puno.
Dahil pakiramdam ko ay makakatulog lang ako kung pagmamasdan ko ang aming prof habang siya'y nagtuturo.
..........
Nang bigla ko namang makapa ang isang bagay sa aking bulsa.
Pagdukot ko dito ay agad ko namang tiningnan.
Yung sticky note lang pala na dinikit ni Dylan kanina nung kami ay kumakain ni Jasper sa cafeteria.
Buti nalang ay nakuha ko ito sa aking bulsa dahil muntik kong makalimutan na magkikita pala kami ni Dylan mamaya.
Balak ko sanang idikit sa notebook ko kaso baka makita ito niJasper at kung ano pa ang kanyang isipin kaya sa ID ko nalang ito dinikit para naman maalala ko mamaya.
..........
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Masaya ako dahil magkakasama kami muli ni Dylan.
Pero kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mangayayari mamaya.
At syempre tama kayo...oo kinikilig ako!
Hindi ko na siguro maikakaila pang may pagtingin na nga talaga ako kay Dylan.
Oo, gusto ko na siya...inaamin ko na!
Kasiyahan lang ang aking nadarama pag kasama ko siya.
"He never fails to put a smile on my face."
Siya ang rason ng aking matatamis na pag-ngiti.
Sobra din ang aking kilig na nararamdaman kapag tinatawag niya akong cutiepie
Si Dylan kasi ang taong hindi mahirap mahalin, napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya...napakasaya niya lang kasama!
Tinanggap at nirerespeto niya ako, sweet & napaka-thoughtful din, mabait sa mga taong nakapaligid sa kanya, pala-kaibigan, at napaka-masiyahin.
Nasa kanya na siguro ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting tao na aking lubos na hinahangaan.
Pero itatago ko muna ito, alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ayoko namang maiba bigla ang aming pakikitungo sa isa't isa.
Hindi ko kayang isugal ang aming pagkakaibigan para ipagpalit sa isang mas malalim na relasyon lalo na't hindi ko naman alam kung ganun din ang nararamdaman niya para sakin.
BINABASA MO ANG
Beating Hearts (Bisexual Love Story)
Romance“The love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest...”