CHAPTER 5: Rooftop

1.3K 32 3
                                    

Habang manghang mangha si Kenzo sa view na kanyang nakikita mula sa aming kinatatayuan sa roof top at habang ako rin ay nakangiti dahil nakikita ko sa kanyang mukha na namumutawi ang kanyang mga matatamis na ngiti dulot ng kasiyahang kanyang nararamdaman ay iniabot ko na sa kanya ang shake na binili kong pamatid-uhaw dahil sobra kaming napagod at alam kong mas lalo na siya.

Ako: "Cutiepie" oh inom ka muna!

Bigla kong hirit kay Kenzo. Di ko din ikakailang namula ako sa pagkakasabi kong iyon sa kanya at kinilig. Di ko din alam kung saan galing iyon, basta bigla nalang itong nabigkas ng aking mga bibig.

Bigla nalang napalingon sakin si Kenzo dahil sa aking nasabi.

Kenzo: Ano daw? "Cutiepie" talaga ah! At san mo naman nakuha yun?

Pabirong sagot naman ito ni Kenzo habang kita ko sa mukha niya ang kilig na parang itinatago ngunit di ito nakaligtas sa akin dahil agad ko itong nahalata. Kita naman kasi sa reaksyon ng kanyang mukha pati narin sa ngiti.

Ako: Ah...eh wala lang yun hehe cute mo kasi eh lalo na yung reaksyon mo. Kitang kita kong namangha ka sa nakita mo at sobrang saya. Sa ngiti mo lang na iyon ay masaya na rin ako dahil napaligaya kita kahit sa munting paraan lang.

Kenzo: Asuuus ang cheesy naman! Wag ka na ngang madrama dyan Mr. Clumsy. Wag ka mag-alala, tama lahat ng sinabi mo dahil sobrang saya ko ngayon at kasama ko ang isang kaibigan sa ganito kagandang lugar. "This is so special for me" salamat nga pala sa pag-dala sakin dito ah...at alam kong secret hiding place mo 'to. Tama ba ang hula ko Dylan?

Ako: Walang anuman yun cutiepie, maliit na bagay! Nung una ay gusto ko lang naman talagang mag-sorry ng maayos sayo sa di magandang nangyari sa una nating pagkikita, pero as the time goes by...masaya at nag-eenjoy akong kasama ka Kenzo, di ko nga alam kung bakit eh. Buti nalang at pumayag kang makipag-kaibigan sakin!.....OO TAMA KA! Secret hide out ko ito, kahit nga mga kaibigan ko ay di ito alam, na mahilig akong tumambay dito. Ewan ko nga kung bakit pero parang kanina ay may nagsasabi sa utak ko na dapat kitang dalhin dito.

Nang gabing iyon ay napakasaya ko, sobra sobrang kasiyahan ang aking naramdaman at naguumapaw ito!

Iyon ang mga sandali na masasabi kong ispesyal na tao na sakin si Kenzo at may puwang na siya sa aking puso. 

Napakasaya ko lang dahil naging magkaibigan kami at masaya pag kasama ang isa't isa.

Maya maya pa ay may nasabi saakin si Kenzo...

Nalaman ko na si Kenzo ay isang Bisexual. 

At tama nga ang aking hinala,

Ayos lang naman ito sakin at agad ko iyong natanggap, marahil siguro ay andyan si Cyril na aking kabigan sa matagal na panahon at maski naman noong nalaman kong ganoon din siya ay wala akong naramdamang kahit ano at di ko din ginawa ang pagiwas. 

Ako naman kasi ang tipo ng lalaki na malawak ang kaisipan sa bagay na ito kaya tanggap na tanggap ko sila...

Kenzo: Sabi ko na nga ba eh! Alam mo Dylan mahilig ako sa hide outs dahil maski nang bata pa ako ay gusto ko lang lagi mapagisa at ayaw makihalubilo pati narin ang makipagkaibigan sa iba. Ewan ko ba, simula ng napagtanto ko sa aking sarili na iba ako sa nakararami ay di ko agad agad natanggap ang sarili ko kaya takot na takot rin akong mahusgahan ng iba. Ngunit mali pala ako sa pagkakataong iyon, salamat nalang sa aking mga totoong kaibigan na nagpa-realize sakin ng mga bagay bagay...Na magsisimula sa iyo, sa sarili mo ang pagtanggap kung sino ka man talaga, dahil iyon ang katotohanan at pag natanggap mo ang sarili mo ay di ka mahihirapang makihalubilo sa ibang normal, na kahit pakiramdam mo kung minsan ay abnormal ka at wala sa pamantayan at mata ng nakararami.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon