Gail Espiritu's P.O.V (Point of View)
Sa totoo lang, sobra akong nagulat sa pag-amin sa akin ni Dylan.
Nang sinabi niyang isa siyang bisexual.
Napapangiti na nga lang ako kapag naiisip, na ang ex-boyfriend ko ay lalaki narin ang nagugustuhan ngayon.
Wala naman iyon sa akin, lalo na't magkaibigan kami ni Dylan...Hindi ito big deal.
Oo, friends nalang kami...good friends, at parehas kaming masaya sa relasyon naming iyon.
Tanggap ko siya, at kung saan siya masaya ay masaya narin ako bilang kaibigan niya, at andito lang ako para suportahan siya.
Normal naman kasi ito para sa akin, dahil nga may mga kaibigan din akong myembro ng third sex, at sila'y mababait at mabubuting tao.
Hindi ako judgemental pagdating sa kanila, dahil ako ang taong hindi sa pang-labas na kaanyuan tumitingin kundi sa kalooban ng isang tao.
Kaya hindi ako namimili ng kikilalanin at magiging kaibigan...
Nasanay na rin ako sa environment dito sa states na very open-minded ang mga tao, kaya siguro masasabi kong madali at maluwag kong natanggap agad si Dylan.
Actually, natutuwa din ako kapag nakakakita ako ng mga bisexual couples, I fend them cute!
Kaya sana'y makilala ko din si Kenzo soon, siguro ang cute nilang tingnan ni Dylan...Hehe!
.....
Araw ng sabado ngayon kaya binisita namin ni Dylan ang mga Daddy namin na nanunuluyan sa condo nila, dahil simula ng bumalik kami ni Dad dito ay kami na ni Dylan ang magklasama sa condo ko...
Pagdating doon ay nasabi din naming doon kami matutulog at kinabukasan nalang uuwi...
..........
Dylan Mendoza's P.O.V. (Point of View)
Normal na araw lang naman ang nangyari sa pagbisita namin kela Dad.
Kwentuhan dito, kwentuhan doon...
Kamustahan dito, Kamustahan doon...
Nang sumapit na ang gabi ay sabay sabay na din kaming kumain ng hapunan.
.....
Matapos ang dinner ay nagsalita ang Daddy ni Gail.
Gail's Dad: Ah Gail, Dylan! Napansin namin na parang iba na ang closeness niyo ngayon ah, parang espesyal kayo sa isa't isa.
Sunod namang nagsalita si Dad.
Daddy: Oo nga eh, kaya siguro tama nga lang ang desisyon naming magsama muna kayo sa iisang condo para magkakilala pa.
Nagulat naman ako sa mga binitawang salita ng aming mga ama.
Napatingin ako kay Gail bigla at halatang siya din ay nagulat.
Parang may nararamdaman akong di maganda!
Oo close kami ni Gail dahil magkakilala na nga kami dati pa pero pinili namin na hindi na iyon ipaalam pa sa kanila.
Bakit kaya parang iba ang interpretasyon nila sa pagkakaibigan namin ni Gail?
Di kaya iniisip nila na nagugustuhan na namin ang isa't isa at may relasyon kami?
.....
At ilang sandali pa'y nagsalita ulit si Dad.
Daddy: I think it's better kung mag-date kayo, dalasan niyo para mas magkakilala at makapag-bond kayo. Mas makikilala mo pa ang isang tao habang nakakasama mo siya, and you know? Bagay kayong dalawa! Who know's in the future, baka kayo pa ang magkatuluyan!
BINABASA MO ANG
Beating Hearts (Bisexual Love Story)
Romance“The love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest...”