CHAPTER 12: Anxiety

723 19 3
                                    

Kenzo Trinidad's P.O.V (Point of View)

Ilang linggo narin kaming hindi nagkikita ni Dylan simula nang makita ko silang dalawa ni Gail na nag-usap.

Di man ako sigurado kung si Gail man ang babaeng yun, ay pakiramdam kong siya nga ang ex-girlfriend ni Dylan.

Kapansin-pansin kasi sa galaw, at tingin ng mga mata nila sa isa't isa ang parang pag-ibig na naudlot.

Kita ko rin sa reaksyon ni Dylan nung araw na yun ang kasiyahan na muling makita si Gail.

Kaya't malungkot at nagselos man ako ay wala naman akong karapatan at magagawa dahil magkaibigan lang kami ni Dylan.

MAGKAIBIGAN LANG...

Marahil ay mahal pa nga nila ang isa't isa, at siguro'y nagkabalikan na silang dalawa nung araw na iyon.

Kaya't sa kabila ng aking pagseselos at kalungkutan ay naging masaya nalang ako para sa kanilang dalawa...Kahit mahirap at nasasaktan ako.

Hindi ko man alam kung ano ang mga pinag-usapan nila nung araw na iyon, at di ko man sigurado kung nagka-balikan na nga sila o kung ano man...Ay hahayaan ko nalang silang dalawa, lalayo nalang muna ako kay Dylan para hindi ako lalong masaktan.

.....

Ang hirap pala ng nagtatago sa isang tao, lalo na't sa isang Unibersidad lang kayo nag-aaral, iisang building lang ang inyong ginagalawan...at lalong lalo na, dahil isang matalik na kaibigan ang pinagtataguan mo.

Ewan ko kung bakit, pero ayaw ko munang makita si Dylan.

Ayaw ko muna siya makausap, at ayaw ko munang marinig ang boses niya.

Natatakot ako...natatakot ako sa maari niyang sabihin sakin at sa aking mga malalamang bagay kung sakali man...

Kaya't hanggang kaya ko ay magtatago nalang muna ako para hindi kami magkitang dalawa.....

Halos isang buwan narin ang lumipas at heto ako, nagtatago parin.

Iniiwasang mag-krus ang landas naming dalawa ni Dylan...

.....

Ngayon, madalas na kaming magkasama ni Jasper.

Minsan, after class dumederetsio kami sa Mall.

Nagsho-shopping ng magkasama.

Kumakain sa labas.

Nanunuod ng sine, at iba pa...

Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong isang mabait na kaibigang tulad ni Jasper, na masasandalan ko sa oras ng aking kalungkutan.

..........

Dylan Mendoza's P.O.V. (Point of View)

Matapos naming magka-usap ni Gail at pagpapakilala sa kanya sa aking mga kaibigan nung araw na iyon, ay pansamantalang nagpaalam muna sakin si Gail...

Magbabakasyon daw muna sila ng kanyang pamilya sa kanilang probinsya, para masulit din niya at ma-enjoy ang muli niyang pag-uwi dito sa Pilipinas.

Doon din aasikasuhin ng mga magulang ni Gail ang kanilang kumpanya...at sana nga'y umayos na muli ang kalagayan nito at maka-bangon muli.....

Malinaw na sa aming dalawa ni Gail ang aming relasyon, pareho na kaming nakapag-move on, at tinanggap na magkaibigan nalang kaming dalawa.

..........

Pero asan na nga ba si Kenzo? Simula noong araw na iyon ay hindi ko na siya muling nakita pa...

Ano kayang nangyari sa kanya?

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon