"Sir Kenzo gumising na po kayo, tanghali na!
Pasigaw na sambit ni Manang habang tinatapik ang aking balikat, na agad din namang nagpagising sa akin.
Kahit inaantok pa at hindi pa masyadong dilat ang aking mga mata ay bumangon narin ako sa aking pagkakahiga at tumingin sa orasan.
11:30 NAAAAA!!!
Kapag weekends talaga ay late na akong nagigising, at siguro nga'y kung hindi pa ako ginising ni manang ay baka hapon pa ako bumangon.
Hindi na rin tuloy ako nakasama kela Ate Kate & Kuya Kean para makapag-simba.
Napakaganda ng sikat ng araw sa labas na aking na-aaninag dahil sa puwang ng kurtina sa bintana.
Habang nasisinagan ako ng kaunting liwanag ay sinariwa ko naman ang mga masasayang nangyari kahapon kasama ang barkada, at syempre pati narin si Dylan.
Kinuha ko ang aking DSLR at tiningnan muli ang aming mga nakuhang litrato habang yakap yakap si Boobear...Yung stuffed toy ah, hindi si Dylan. HAHAHAHA!
Pansin ko sa bakas ng aming mga mukha ang lubos na kasiyahan sa bawat litratong aming nakuha.
Nang makita ko naman ang litrato namin ni Dylan sa ferris wheel ay napangiti na lang ako bigla.
Kaya't napag-desisyunan ko itong ipa-print sa dalawang kopya.
Isa para sakin, at ang isa naman ay ibibigay ko kay Dylan.
Agad ko naman dinikit sa salamin ang litratong iyon, katabi ang mga sticky note na ibinigay sakin ni Dylan na naipon na sa aking salamin.....
..........
Kinabukasan...
"Haaay monday na naman!"
Bulong ko sa aking sarili sabay huminga ng malalim.
Tinatamad mang tumayo sa higaan ay bumangon narin ako para maghanda.
Matapos mag-ayos ng aking sarili ay agad narin naman akong pumasok sa school.
(Eh ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa kahit tinatamad ako! HAHAHAHA)
Saad sakin ng aking isipan.
Para ganahang pumasok, inisip ko nalang na magkikita kami ulit ni Dylan, kaya't pumasok na ako sa school...
..........
Jasper Reyes' P.O.V. (Point of View)
Hello sa inyong lahat! Hehe, ngayon lang ako nagkaroon ng POV.
Ako nga pala si Jasper Reyes, siguro nababasa niyo na ako sa ilang chapters ng storyang ito.
Heto at magpapakilala ako sainyon lahat!
Ako ang matalik na kaibigan ni Kenzo...na may sikretong pagtingin sa kanya.
Simula bata palang ako ay alam at aminado na akong lalaki ako.
Pero nag-iba ang aking pananaw simula ng makilala ko si Kenzo.
Ewan ko ba pero parang siya kasi yung tao na hindi mahirap mahalin dahil siya'y simple lang, charming, mabait, palakaibigan, at syempre napaka-cute, siya rin ay may nakaka-hawang ngiti, masaya ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti lalo na't kapag nakikita ko ang kanyang dimples...
Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nagka-gusto sa kapwa ko lalaki, pero wala namang masama dun diba? Lalo na't hindi mo naman matuturuan ang puso mo kung sino man ang mamahalin nito.
BINABASA MO ANG
Beating Hearts (Bisexual Love Story)
Romance“The love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest...”