CHAPTER 3: The Best Crew

1.4K 44 1
                                    

Pumasok na ako sa aking second and last class sa araw na iyon at as usual parang orientation lang ang nangyari at ginawa ng aming bagong Professor dahil nga sa kadahilanang first day of class at ngayon lang namin siya magiging prof.

Kaya sinamantala ko nalang ang pagkakaupo sa likod kasama ang aking mga ka-tropa.

Madami naman akong kaibigan kung tutuusin at halos lahat naman ng aking kaklase ay kilala ako at kilala ko.

Marahil siguro ay tinuruan akong makipag-kapwa tao ng aking mga magulang kaya maayos naman akong makitungo sa kanila simula 1st year palang kami.

Ngunit apat na tao ang nangingibabaw sa aking mga kaibigan na tinatawag kong mga katropa. Heto at ipapakilala ko sila isa isa...

Tatlo kaming mga lalaki; Si Mike ang maingay na katabi ko lang kanina sa first class, siya ang joker sa grupo at nagpapataas ng energy naming magkakaibigan at isa rin siya sa mga heartthrobs o headturners di lang ng aming college pati narin ng buong university, medyo may pagka-chickboy nga pala si Mike! Pero sa pagkakakilala ko dito eh mabait naman itong mokong na 'to!

At andito rin si Cyril, siya naman ang pinaka-seryoso saming magkakaibigan at masasabi ko ring matalino & napakasipag niyang mag-aral, siya yung taong may tamang oras sa lahat ng bagay, kapag oras ng biruan ay biruan pero pag seryoso ay dapat seryoso, yan si Cy! Nga pala, bisexual siya...discreet bisexual at alam naman naming lahat yun sa kadahilanang pag-amin din niya agad noon. Tanggap namin si Cy! Tanggap na tanggap namin siya, napaka-buting tao nitong si Cy kaya marahil ay marami din taong nagmamahal sa kanya, medyo nakikita ko nga sa kanya si Kenzo minsan eh...ewan ko ba! Kaya napapaisip din ako minsan kung Bi din ba si Kenzo, pero napadaan lang naman sa aking isipan iyon nang sandali kong nakasama si Kenzo.

At syempre ang kukumpleto saming 3 musketeers ay sino pa nga ba? Syempre wala ng iba kundi ako!

Ang natitira naman naming mga katropa ay sina Reese at si Hanna ang dalawang babae saming magkakaibigan. 

Si Reese ay ang masasabi naming muse ng aming tropa dahil sa kanyang natatanging kagandahan, di lang siya maganda kundi matalino rin at mabait! May sense of humor pa at laging nakangiti na mas lalong nagpapa-bloom sa kanya, crush ko nga siya nung first day of class eh pero hanggang doon lang, naalala ko pa nga na pinormahan at niligawan siya ni Mike pero na-basted kasi nga kaibigan lang ang turing at tingin niya dito at kalaunan din ay naging magkakatropa at matalik kaming magkakaibigang lahat, at mas nasabi nila sa isa't isa na mas mabuti na nga lang talaga para sa kanila ang magkaibigan, na kalaunan din naman ay maluwag na tinaggap ni Mike.

And last but not the least ang pinaka-kalog, baliw, energetic, alaskadora, maingay...hmmm ano pa ba? Basta siya si Hanna! Ang kaibigan naming nakikipagsabayan kay Mike sa kakulitan at sa kung ano ano pa, parehas sila ng trip kaso ang pagkakaiba nga lang eh pikon si Hanna na mas lalo naming ikinatuwa at ikinaaliw sa kanya, tawa kami ng tawa kapag siya ay nangti-trip pero sa huli ay siya rin ang mapi-pikon haaay pero mahal naming yan si Hanna! 

Ayan buo na ang aking TROPA!!!

Sabi nila Mama at Papa at ng iba ko ring mga kaklase na parang pinili ko daw ang mga kaibigan ko dahil THE BEST CREW daw kami, oo ayan ang bansag nila samin o TBC kung minsan kung kami ay tawagin dahil parang lahat na daw ng magandang katangian ng isang mabuting kaibigan ay meron kami.

Pero ang sagot ko naman sa kanila ay hindi ko ugali ang pamimili ng isang kaibigan. Never akong namili ng kakaibiganin ko kaya nga madali akong makisama at makitungo sa mga tao, siguro nagkataon lang na kami ay pinagtagpo at naging close sa isa't isa kaya nakabuo kami ng isang pagsasamahan na masasabi naming SOLID!

Kaya nagpapasalamat din ako dahil binigyan ako ng mga kaibigang tulad nila Mike, Cyril, Reese, at Hanna na di lang mga ka-tropa kung i-turing ko kundi mga kapatid & kapamilya ko narin dahil sobrang lapit na nila sa puso ko.

Di rin nag-tagal ay natapos din ang aming last class.

Nagkayayaan ang tropa na lumabas at mag-mall muna bago umuwi dahil maaga pa naman, pero bigla kong naalala na makikipagkita pa pala ako kay Kenzo dahil itu-tour ko siya kaya nagpaumanhin akong di muna sumama at babawi nalang sa susunod.

Di ko nalang din sinabi kung saan ako pupunta o anong gagawin ko kasi baka kung ano pa ang isipin nila, laking pasalamat ko naman at pumayag sila at naintindihan ako.

Lumabas na kami ng building at dumeretsio na rin palabas ng university sila Cyril, Hanna, Reese, at Mike para mag-mall habang ako ay nagpaiwan.....


Beating Hearts (Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon