Dylan Mendoza's P.O.V. (Point of View)
Nakabalik na kami ni Daddy sa Pilipinas, si Mommy naman ay mainit kaming sinalubong sa airport.
Pagdating sa bahay ay agad din naman akong nagpaalam kay Mom at Dad, agad naman nila akong pinayagan.
Pumasok agad ako sa aking kotse, at umalis...
Saan ako pupunta?
Syempre kanino pa nga ba, edi sa taong pinakamamahal ko...Kay Kenzo.
Hating gabi narin, pero wala akong pakealam. Ang pinaka-una kong dapat gawin pag-uwi ko dito ay kitain si Kenzo, kausapin, at magpaliwanag sa kanya.
Pumunta ako sa bahay nila Kenzo.
Naka-ilang dorbell din ako, bago may taong lumabas...Si Manang pala.
Manang: Oh iho, diba ikaw ang kaibigan ni Kenzo? Nagawi ka ata ng madaling araw dito, hinahanap mo ba si Kenzo?
Ako: Nako Manang pasensya na po kayo at naistorbo ko pa ata ang pagpapahinga niyo. Opo eh, gusto ko po sanang makausap si Kenzo kahit saglit lang.
Manang: Nako! Wala si Kenzo dito eh. Ang paalam niya eh magpupunta daw sila sa bar ng kaibigan niya...Si Jasper ata yun? Hindi ko sigurado ang pangalan eh.
Nagulat ako sa aking narinig, pumunta siyang bar? At ngayon hindi pa siya umuuwi?
Nakaramdam ako ng selos, hindi ko alam...Ang weird ng pakiramdam.
May namamagitan na kaya sa kanila ng lalaking iyon?
Kailangan ko na silang puntahan...
Agad ko namang itinanong kay Manang kung saan ang eksaktong lugar na kanilang pinuntahan.
Wala namang pagaalinlangan itong sinabi sa akin ni Manang...
Ako: Manang maraming salamat po! Pasensya na po ulit sa istorbo ko, magpahinga na po kayo ulit. Wag po kayo mag-alala, pupuntahan ko si Kenzo at ako na po ang maghahatid sa kanya dito.
Manang: Walang anuman iyon iho, osige salamat naman kung ganoon. Magiingat ka!
Pagpapaalam niya sakin.
Nagpaalam narin ako at dali daling pumasok sa aking kotse, pinaandar ang makina, at pinaharurot ang aking sasakyan...
Kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan.
Mga tanong na paikot-ikot at bumubulong.
Dahil wala ng masyadong sasakyan sa daan ay mabilis kong natungo ang bar na sinabi sa akin ni Manang.
Pero hindi pa man ako nakakarating sa mismong bar ay may naaninag akong isang lalaking naglalakad sa gilid ng banketa.
Nakayuko at parang umiiyak, pamilyar ang taong iyon.
Kung hindi ako nagkakamali, si Kenzo nga ang lalaking iyon.
Agad naman akong tumigil at bumusina...
*BEEP! BEEP!*
Agad naman napalingon si Kenzo, habang ibinaba at binuksan ko naman ang bintana sa passenger seat.
"KENZO, SAKAY! IHAHATID NA KITA SAINYO."
Pasigaw kong utos sa kanya na pumasok na sa kotse.
Halata naman sa kanyang mukha ang pagkagulat...Pagkagulat dahil sa aking muling pagbabalik...
Pero matapos marinig ang alok ko sa kanya ay parang wala siyang narinig, lumingon lang at sabay lihis ng tingin, nagtuloy-tuloy pa siya ng paglalakad at mas lalo pang humagulgol sa pag-iyak...
BINABASA MO ANG
Beating Hearts (Bisexual Love Story)
Romance“The love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest...”