Possessiveness 2

51.9K 748 23
                                    

Chapter 2

"EVERYONE! Go to your respected room now!" mariing utos nya sa mga taong nasa hallway. Mabilis naman ang mga ito na pumasok sa kanilang silid ng makita sya at masama ang tingin dito.

Ang aga-aga pero pinainit na nila ang kanyang ulo. Oras na ng klase pero nasa labas pa ang iilan sa mga ito na hindi nya nagustuhan.

Late na sya sa isang subject ng dahil sa mga ito, dahil sa mga kabulastugan nanaman na pinag-gagawa ng mga ito.

Urgh! Sarap talaga nilang ibilad sa araw. Napatawag tuloy sya sa pagpupulong ng wala sa oras and she's been scolded for five minutes kaya mainit ang ulo nya ngayong umaga.

Nang makarating sa kanyang silid, nadatnan nya na nagkakagulo ang kanyang mga kaklase.

Tahimik na pumunta sya sa harapan ng room at umupo sa upuan na para sa kanilang guro.

Tahimik lang syang nakaupo habang masasamang tiningnan ang mga ito. May isang nakapansin sa kanya kaya kinalabit nito ang katabi hanggang sa natigilan ang lahat at mabilis na natahimik ang mga ito ng makitang masama ang titig nya.

Umangat ang tingin ng isang babae mula sa pakikinig nito gamit ang earpod. Tinanggal nito ito. "Ikaw pala yan Pres! Teka nga kanina ka pa ba dyan?"

Nagtatakang tanong ni Zen ang Vice president nila habang hawak hawak nito ang iPad na pag-aari. Pinukol nya ito ng masamang tingin.

"Bakit mo sila pinabayaang magkagulo?" hindi mapigilang singhal nya dito.

Sumimangot ito, "Pres naman! Zen nalang kasi at saka wala pa naman si prof kaya hayaan mo na sila."

"O- Oo nga pres!" singgit naman ng isa nyang kaklase na babae.

Biglang umangat ang isa nyang kilay at binaling ang tingin sa babae na agad namang natahimik.

She throw dagger looks on Arami Kriezen Stiles or just simple Zen. Isa sa kaibigan nya dito sa Stravinsky University kaya malakas ang loob nitong suwayin sya. "Ikaw pala ang nangunsinte sa kanila Arami?"

At ang Stravinsky University kong saan sya nag-aaral at President ng Supreme Government Council ay isang prestigious school not only know in the Philippines but also in Asia. Paano nagkakahalaga lang naman ng heart at kidneys ang isang sem dito pero hindi lang dahil doon. Wealthy ang powerful people throw their not so discipline children here para dito mag-aral. At yon ang nagbibigay sa kanya ng stress.

Napakagat labi ito na tila nahuli sa akto sa ginawang krimen. "Sarreh!" saka mabilis itong nawala sa kanyang harapan.

Pumunta nalang sya sa kanyang upuan na napapailing dahil sa pagiging-isip bata ng babae.

Nilabas nya ang libro mula sa bag at nagsimulang magbasa, pampalipas oras dahil mukang hindi ata makakarating ang prof nila sa subject na ito dahil anong oras na at wala parin ito. Ipinagpatuloy nya ang pagbabasa ng may umupo sa kanyang tabi.

"Hi!"

Bati nito bago umupo sa tabi nya. Ibinaba nya ang binabasang libro para harapin ito ng magtanong ito sa kanya.

My Possessive Yakuza Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon