Chapter 10: Flashback Part III

55K 820 53
                                    

Chapter 10: Flashback Part III

***

Gusto nya nga ako? Matutuwa ba ako o hindi? Pero parang may mali, hindi ko nga lang maproseso kung ano. Nang hindi ako nakasagot agad sa sinabi nya, nagsalita ulit sya. "Gusto mo rin ba ako?"

May halong kaba sa muka nya. At hindi ko naman alam kung anong isasagot ko talaga. Crush ko sya, oo. Pero ayokong mauwi ito sa seryosong bagay. Hindi pa ako handa sa mga ganoon.

"Oo."

Hindi ko akalaing masasabi ko yan. Pero pagkasabi ko ng aking OO ay ngumiti si Jap ng sobra. Nakakadala naman, kaya't napangiti din ako.

"Hindi muna kita pipiliting maging tayo, kahit gustong gustong gustong gusto ko na talaga. We'll take this one step at a time." Sabi nya.

Gusto nya talaga? Tama na. Ayoko munang kiligin. Baka maging permanenteng pula na itong mukha ko eh. Haha! De, joke.

Nag-usap lang kami hanggang sa matapos ang subject period namin before lunch. Ang bait ni ma'am ngayon ha, karaniwan kasi strict sya. Pero bakit kanina eh pinayagan nya si Jap? Hayaan nalang. Haha. Inihatid na ako ni Jap sa may labas ng room namin at hinalikan ang kamay ko. NAMAN EH? Ang sagana ko na sa kilig ngayon. Haha.

Pagpasok ko sa room eh nagkukumpulan sila sa may gilid ng room. Bakit naman kaya? Lumapit ako at sumingit sa mga classmates ko.

"Teka lang, ano ba kasing nangyayari?" Sinabi ko na nang hindi talaga ako makasingit sa loob ng kinagigitnaan nila. Pero ayan, isa isa na silang umalis. Pero bakit ganun?

Umiiyak na naman si Lindsay?

Nilapitan ko sya at hinaplos ang likod nya. "Anong problema Lindsay? Please naman oh, sabihin mo na."

Pinunasan na nya ang luha nya. "Ah, wala lang to. Masakit lang siguro ulo ko kaya naaapektuhan ang mata ko. Pero wala talaga ito." Akala ko sisigawan nya ako o ano, pero kalma sya at ngumiti pa sya. Niyakap ko sya. God, I missed this. I missed her. Umalis na din ang mga etchosera kong classmates para mag-lunch.

"So, ok na tayong tatlo?" Tanong ni Yna.

"Oo naman." Sabi ni Lindsay.

Ang saya ko. Pinapansin na ulit kami ni Lindsay, kaya sabay sabay kaming nag-lunch sa cafeteria. Masaya kaming nagtatawanan. Kwentuhan ng kung ano. Pinagtri-tripan kung sino man ang makita. Hahaha! Ganyan kami magaliw. Pero tumahimik kami nang lumapit sa amin si Jap. Kinikilig na naman ako. Hahaha. Kainis! Bigla-bigla tuloy bumalik ang mga sinabi nya sa akin nung nasa third floor kami.

"Hindi muna kita pipiliting maging tayo, kahit gustong gustong gustong gusto ko na talaga."

Paulit-ulit sa utak ko eh. I snapped back at reality nang nagsalita si Jap.

"Lindsay," Tinawag nya si Lindsay, pero nakita kong may bakas ng lungkot sa mukha nya. "Pwedi ko muna bang mahiram si Kath?" Tanong nya.

Pero bakit kay Lindsay lang sya nagpaalam? Bakit hindi kay Yna? At bakit pa sya nagpapaalam? Ang dami kong tanong, pero alam kong oras at panahon lang ang makakasagot nito.

"Why don't we ask her, shall we?" Medyo cold na pag-sagot ni Lindsay kay Jap.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Yna.

Oo nga, ano kayang ibig sabihin nya dun? Kinabahan yata ako ah.

"You choose Kath. Friends, or dork guys?!" Tanong ni Lindsay. At HUH?! Bakit sya nagkakaganito? May problema ba kay Jap?

"Of course," Bago pa man ako sumagot eh tiningnan ko muna sila Lindsay at Yna, at si Jap. Bakit naman nya ako pinapa-pili? Of course I'd choose my friends over guys. "Syempre kayo Lindsay."

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon