Chapter 53: Heat betwixt
***
It's five AM in the morning, and ngayon na yung unang klase namin in here, Openheim. Inagapan ko lang talaga ang gising ko para hindi ko muna makausap si Kenneth or what. Bakit? Kasi yung nangyari kagabi.
What happened? Here's what happened...
Nakahawak nga silang dalawa sa magkabila kong braso. But not for long for I immediately shook my arm to free them.
"Ano ba ha? Para kayong baliw. Makaalis na nga." at nag-walk out nga ako.
"Hey Kathy, wait!"
"Kath, teka lang!"
Aba! At sumunod ang dalawa. Binilisan ko ang paglakad to the point na tumatakbo na pala ako. Owyes.
Pero nakakainis nga naman oh, nadala pa ako. Hala! Yung tuhod ko, nagkaron ng maliit na cut causing bloods to escape. Tumayo ako agad at naghanap ng mauupuan.
Ilang saglit ay may nag-approach sakin. Si kuya Jon pala.
"You're in my assigned school, right?" tanong nya.
"Yeah. Tagalog please." sabi ko.
"Oh. Ikaw nga. Ikaw yung nagtanog kung nagtatagalog ako." tas natawa nalang sya, hanggang sa narealize nya na may sugat ako.
"Napano ka? Is it hurting?"
"Hindi. Ayos lang. Kumikirot lang nang konti."
"Oh, buti nalang boy scout ako." nagabot sya ng band aid.
"Ikaw na." tapos tumawa nalang kami.
Nilagay ko na yung bandaid sa tuhod ko. May tumawag kay kuya Jon kaya naiwan na akong magisa. Malapit na naman pala 'tong inuupuan ko sa building kaya okay lang na rito muna ako.
Or not.
"Why did you run?" si Kenneth, hinihingal.
Di nagtagal eh dumating din si Jap, and hinihingal din.
"Para kayong mga baliw, alam nyo yun?" tumayo na naman ako.
"Are you heading to the suite?" tanong ni Kenneth.
"Siya?!" gulat na tanong ni Jap habang nakatingin kay Kenneth. "Siya ang kasama mo sa suite?!! From Sermounth?!" tanong niya ulit, and this time sa akin na siya nakatingin.
"What can I say? I'm a lucky guy." sabay punta niya sa tabi ko at umakbay. Tinanggal ko naman agad.
"Opo, KUYA Jap." I said, emphasizing the kuya. Medyo naguluhan naman siya. Hindi naman siya matanda talaga sakin, pero wala lang trip.
Since nasa parehas kaming tatlo ng suite floor, nagkasabay din kami sa pagpasok hanggang sa elevator.
"Kath, wait!" tawag sakin ni Jap bago ako pumasok sa suite.
"Oh?" wala kasi ako sa mood.
"Uhm," parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi. Tingin lang siya nang tingin sa paligid, sa sapatos niya, but mostly kay Kenneth.
"May sasabihin ako sayo." inantay ko lang siya. "Alone."
"Ha? Eh," si Kenneth kasi ayaw pang pumasok. Daig pa nya tatay ko kung magbantay eh. "Haha." nagfake lang ako ng tawa. "Okay na 'to. Ano ba yun?"
"A-ahh, kasi..." tapos bigla siyang tumingin kay Kenneth. "You'll regret it, perhaps. And that's it if you have the right." tapos tumingin na ulit sya sakin. "Uhm, Kath. Good night."
And he pecked me on my cheek, at biglaang pumasok sa suite nila.
Para akong nawalan ng hininga. Bakit nya ginawa yun? Talaga bang inaasar nya si Kenneth? Trip lang ba nya o ano? Nakakainis!
Nakita ko naman na parang ibang iba ang expression ni Kenneth. Di ko maintindihan kung ano. Pero parang gusto kong magexplain sa kanya kahit nakita naman nya yung pangyayari. Yung fist nya, naka-clenched. Ibigsabihin ba eh galit sya o ano?
Parang natuwa pa ako sa thought na yun. Nagselos kaya sya? Psh. Ang assume-era naman ng dating ko. Pero bakit ba, eh sa ganun eh.
"Ugh!" tapos bigla nalang nasuntok ni Kenneth yung pader. "That fool!" I heard him say.
"Kenneth." mahinahon kong tawag sa kanya.
Tumingin naman siya na parang stunned na ewan. Pero ang cold pa rin ng expression nya. Ewan ko pero nabigla ako sa nagawa ko.
If Jap pecked me on my cheek, I then kissed Kenneth on his.
Nagulat talaga ako kaya napatakbo nalang ako sa loob ng suite at tumakbo ulit pataas sabay taklob ng kumot sa kama. So eto na nga ako ngayon, umiiwas na ewan. Nakakahiya eh.
***
Sixty four students were claimed to be exclusives. Sixteen exclusives every year from eight different universities. We're divided in rooms. In each room is a massive home-like, but with library section and a fireplace, a zone with couches and mattresses, and most of all the work zone. The learning zone has a large white board, and there's no armchair like in those ordinary university. Here, they have our own workstation. And by workstation I mean, computer and a desk for each.
Woah.
I'm amazed again. But for now, let's set that aside. Kalapit na naman ng workstation ko si Kenneth. Workstation. Oh diba, parang employee lang. But yeah, ang cool nga talaga eh. Parang pilot students lang. Pero totoo naman pala.
Sobrang may distance naman ang bawat station from one another. Pero syempre kasi nakakailang pa rin noh.
Ang desktop eh nasa table sa harap ko, in a horizontal orientation. Then yun namang desk is in vertical position. So parang inverted L-style yung approach.
Yun namang workstation ni Kenneth ay nasa left ko. Tch. Kailang!
Di nagtagal eh nagsalita na naman din yung professor. A professional-looking one. As in.
"Students from Pre-Uni, welcome!" bati nya samin. She's very articulate, grabe. "I would like to introduce myself, Rapha Miranda, as your year adviser and Physics instructor. Since there are screens attached to the font of each and every station of yours, there won't be a necessary introduction-part in your case."
May pinindot syang button sa gilid at may malaking white screen na bumaba from the ceiling. Maya-maya eh may nagflash na pictures about waves, electricity, magnetism and such.
We're all in awe sa nakita namin, pero syempre we kept looking learned as possible. So nakinig nalang kami. Ang galing nyang magturo, plus factor yung gorgeous postures nya. Haha. Nakakainlove eh.
Lahat ng classes namin ay dito naman magaganap kaya there's no need to go outside or wherever.
***
It's five pm and class dismissed na. Wala namang homeworks or assigned task kaya ang saya lang. Bumalik na muna kaming lahat sa suites.
Nakita ko na naman si Kenneth at Jap, naguusap o nagkakainisan? Basta. Tapos lumapit na sila.
"Let's go, Kathy." pagyayaya ni Kenneth.
"Kay." sabi ko nalang.
"Kath, sabay tayong magdinner." Jap
"Ha?"
"No! We'll eat together." Kenneth
"Oh really?!" sabi ni Jap kay Kenneth. Ngayon magkaharap silang dalawa with fierce looks. Hala!
"Tingnan nalang natin kung sinong pipiliin ni Kath!" Jap
"Let's see it then!" Kenneth
Tapos tumingin silang dalawa sakin. Bumuka bibig ko pero walang salitang lumabas. Just weird sounds of hesitation.
"Walang pipiliin o mamimili!" sigaw ni...
Andrea. Kalalabas lang nya sa suite nila.
"Andrea!" sigaw ko, gladly. Iligtas mo ako, daliii.
"Because she's going with me." biglang sabi ni Andrea sa kanila at hinigit ako papasok sa suite nila. Naiwan naman yung dalawa sa labas at nasa akin yung keycard ng suite namin, di ko pa naibibigay yung duplicate kay Kenneth.
"Thank God!" I breathed out.
"Ano bang nangyari kasi?" tanong ni Andrea.
"Aba malay ko. Parang baliw lang yung dalawa. Nakakainis!" sagot ko.
"Oo, baliw sayo."
"Adik ka."
Dito na rin nya ako pinag-dinner kahit meron namang nakahanda for us. Ang bilis ngang nakapagayos ni Andrea ng gamit. Eh ako? Ayun nasa baggage pa rin yung iba.
"Anong date ngayon?" tanong nya.
"December fourteen yata." naicheck ko sa phone at, "Fourteen nga. Bakit?"
"Ah, wala lang. Malapit na pala ang Christmas. What're your plans?"
"Ha? Parang ang agap naman nating magplano. Tsaka mas gusto ko yung last-minutes para tuloy talaga."
"Sabagay. Hey, naalala mo nung time na nag-meet tayo sa Max's?"
"Yep. What about it?"
"Diba niyaya ka namin nun for an outing? Sama ka ha? This sembreak."
I nodded. "Sure. Pero di ko maipapangako."
"Sus! Ayus lang. Basta sana makasama ka."
"Baka naman ma-OP ako?" sabay tawa ko. Totoo naman eh, depende na rin sa mga kasama. "Sino sino ba?"
"Ako with friends. Don't worry, di ka naman left out samin. Kilala ka naman nila eh."
"Kilala? Paano nangyari yun?"
"Basta. Long story."
"And we've got plenty of time." Gusto kong malaman.
"Tsaka na. Pagod ang dila ko ngayon." pabiro nyang sabi.
Tumawa nalang ako. "Sige na nga."
Around eight lumabas na akong suite nila. Nakita ko naman yung dalawa na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.
"Buti nga." mahina kong sabi sabay tawa nang konti.
"Kathy!" tawag ni Kenneth at tayo agad. "Open the room, I'm starving."
Ay oo nga pala. Hala. Mga gutom na siguro 'to. Eh! Bahala sila. Para kasing mga baliw, kaya ayan.
Binuksan ko na nga. Tapos binigay ko na yung keycard sa kanya, meron pa naman akong isa eh.
"Kath, teka lang." tawag naman ni Jap. Sabay labas naman ulit ni Kenneth, parang nagbabantay.
"Seriously?!" sabi ni Jap kay Kenneth. "Could you just give us a second?"
"Fine!" parang labag sa loob ni Kenneth, pero pumasok na rin naman sya.
"Punta tayo dun." tinuro nya yung parang large sala sa floor na 'to. For visitors yata yun eh.
"Sige." pumayag nalang ako.
Pagkaupo namin, tahimik lang muna kami. Pero siya rin naman ang naunang magsalita.
"May tanong ako." sabi nya.
"Ano?"
"Uhm, ano mo ba si Kenneth?"
Parang naginit naman ang mukha ko. Grabe lang. "Classmate, bakit?"
His shoulders sagged in relief. "Mabuti naman."
"Ako naman magtatanong."
"Sige lang."
"Ano ba kasing meron sa inyo ni Kenneth ha? May past ba kayo at ganyan nalang kayong magtalo? Bitter?" pabiro kong tanong.
"Baliw ka." tumawa sya. "Gusto ko sanang sabihin sayo kaso lang baka magiba tingin mo sakin."
Magiba? Bakit ba kasi?
"Sabihin mo na."
"In time, Kath."
"Lagi nalang." naiinis na ako. "Kung hindi mo lang din sasabihin, sana di mo nalang naiopen. Nakakainis!" tumayo na ako at lumakad pabalik.
"Teka lang naman kasi." tawag nya.
"Ano na naman? Di mo naman din kasi sasabihin eh!" sigaw ko sabay pasok sa suite.
/JAKE ANTHONY'S PERSPECTIVE
Naiinis ako sa sarili ko! Sagad! Nakakainis mga nangyayari ngayon. Okay na sana eh, tuwa na ako na kasama ko si Kath ngayon.
Pero sino ba kasi yang malaking epal na Kenneth na yan ha?! Nakakainis!
We made a deal.
Nung nasa labas kami nung epal na yun at hindi makapasok, nagusap din naman kami. Hindi nga lang maayos.
"Oy! Epal ka alam mo yun?" straightforward kong sabi sa kanya.
"Nope. You're doof."
"Aba! Loko-loko ka pala eh!" muntik ko na syang nasuntok pero ako naman kasi nauna kaya pinabayaan ko nalang. "What's your role in Kath's life by the way?!"
"Classmate." sagot niya.
"Pffft~" pinipiit kong tumawa. Hahaha. Ewan ko rin kung bakit ako natatawa eh.
"What's so funny?"
"Wala." huminga na akong malalim. "Eh ako, alam mo ba kung sino ako sa buhay ni Kath?"
"Who? I've been dying to know." medyo cold pa rin ang tono ng pananalita nya.
"I'm her first crush."
Nakita ko namang nagulat siya. Beat that!
"B-but I'm her present."
Langyang hangin nitong taong 'to!
"Weeehhh? Sabi ba?" pangasar kong tanong. Laki ng ulo eh!
"No."
"Di naman pala eh. Wag kang mayabang kasi." sabi ko nang mahina.
"I'll be straightforward. Do you like her?!" tanong nya.
"Hindi."
"Oh. So why is that--"
"I love her."
"Oh shit!" napatayo nalang sya at napatakip yung kamay sa mukha.
Aba!
"Oy! Unang una sa lahat, wala kang karapatang umasta nang ganyan. Dahil hindi naman kayo. Pangalawa, hindi lang ikaw ang pweding magkagusto sa kanya. At pangatlo, AKO ang nauna!"
"Gaaah!" mas lalo syang nainis. Bah! Wala akong pakielam! Akala nya kung sino sya eh! "It's not always the firsts who has the right. It's the one that weighs heavier."
"Ohh? Talaga lang ha." sabi ko nalang. Putek kasi! Nakakainis!
Ah alam ko na.
"Let's make a deal, Kenneth."
"What deal?"
/KATHERINE'S PERSPECTIVE
Thursday up to Tuesday ay hinapit kami ng acads. Grabe lang kasi. Start ng Wednesday ay Christmas break na namin kaya ganun nalang ang nangyari.
It's our departure na, hahatid na kami sa bawat bahay. Mabuti naman para di na masyadong mapagod.
Pagkauwi ko, pinakain kaagad ako nila. Para ba akong bibitayin ng mga 'to.
"Bakit naman ang dami nito? Kakatayin nyo na ako?" sabi ko sa kanila. Tumawa lang naman din sila.
"Gustuhin mo nalang. Ang arte pa ni ate." Lyka
"Sus! Bitter." halata kasi sa boses nya.
"Nga pala Kath, may plano ka ba this Christmas?" Dad
"Kung anong plano nyo po. Bakit?"
"Dito nalang muna tayo sa bahay. Tapos tsaka tayo lumabas after. Okay ba?"
"Yep."
"Papuntahin mo nalang sina Lindsay at Yna kapag may time sila." Mom
"Tsaka si bro Kenneth ha?" singit ni kuya Kev.
"Ba't may Bro? Baliw yata ito." sabi ko nalang nang natatawa.
"Sus! Gusto rin naman. May pangiti-ngiti pa oh." Kuya Kev
"Che!"
"Oo, tama. Pati si Kenneth. Tsaka yung iba mo na ring friends." Mom
Friends.
Lindsay and Yna. Is Kenneth considered? Siguro may iba siyang plans kaya wag nalang muna. After dinner I texted Lindsay and Yna.
To Linds; Yna
Let's hang-out on Christmas, my house. ;)
Pumayag naman sila. Sabi pa nga nakakamiss din pala. Kaya bukas magkikita-kita kami at the mall. Christmas shopping spree.
Nagayos na akong matulog. I missed this bed so much. Pero lumabas muna ako sa terrace. Magpapahangin lang, at kakausapin si imaginary Cupid.
"Hi Cupid if naririnig mo man ako." I knew believing in that is absurd... well to other people. But there's no harm naman kung may belief diba.
"Si Kenneth na ba talaga? You know every time he's around hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi eh. Minsan kasi nakakakilig to the point na isipin kong napaka-assumera ko na, minsan din nakakainis na nakakatuwa. Hay ewan. Pero siya na ba? Kung siya, baka masaktan lang ako. Kasi di naman ako ang gusto nya. Kaso hangga't hindi niya sinasabi yung gusto nya, alam kong aasa at aasa pa rin 'to." I pointed at my heart's side. "Kaya siguro in the end, ako rin talaga ang talo." I faked a laugh. "Hay. Babye na nga. Okay lang naman na walang lovelife eh. Panira lang yan. Ang maging successful in life nalang ang iintindihin ko."
After that pumasok na akong kwarto. Umupo muna ako sa gilid ng kama. Nakita ko yung pangatlong drawer ng study table na hindi masyadong nakasara. Kaya naman binuksan ko. Pagkakita ko, umaapaw ng evelope. Like the ones I got last time.
Mahabang basahan 'to kaya sinimulan ko na.
***
Love is not blind, you just don't open your eyes for the truthful possibilities. Denial is the most crucial part in this extraordinary word called love. Love is not even a game, it's a feeling, it's a wondrous thing. There's a lot more consequences from denying. You may lose opportunity, you may be hurt, and you may lose people.
They say love hurts, but they are wrong. It's the people who gives bad approach to love that scattered the negative sights about love, hence, the blame will be on the word love itself.
Try falling in love, it may hurt, it may shatter you to pieces. But soon you'll realize that it's worth everything. Happiness and the heart-warming feeling place the hurtful part of love beneath it.
***
Basa lang ako nang basa hanggang sa namalayan ko na nakatulog na pala ako at umaga na. I placed the letters in safety and readied myself. May bonding kami ngayon ng friends.
At ayun, sinundo na nga nila ako. Nagkamustahan and all that hanggang sa napunta na kay Jap ang usapan.
"Oh talaga? Nag-ulit si Jap kaya third year pa rin sya?" hindi makapaniwalang tanong ni Yna.
"Yeah. Nagulat din ako eh, kasi ngayon exclusive siya? Wow lang."
"Eh bakit naman daw nag-ulit?" si Lindsay naman ang nagtanong.
"Yun nga eh, ayaw sabihin sakin. Nakakainis."
"Kulitin mo. Gusto kong malaman!" naeexcite na sabi ni Yna.
"Grabe na Yna." Lindsay
Tumawa nalang kami. "Eh sa nakakacurious eh. Malay ba natin, baka mamaya connected pala yun sa past experience nay with you two."
Hindi naman na kami nagulat sa sinabi ni Yna. Kaya ibigsabihin ay wala na lang yun talaga. Wala na yung pain and anger.
"Manahimik ka nalang nga Alyna." sabi ko nang natatawa.
"Oki po." tapos nanahimik na siya sa likod ng sasakyan.
Di nagtagal eh nakarating na rin kami sa mall. Kumain kami nang sabay sabay syempre, tapos bumili na rin ng something for Christmas para sa family. Nung para sa amin nang tatlo ang bibilhin namin, naghiwahiwalay na muna kami.
Simpleng watch from Timex ang binili ko for Lindsay. Wala lang, kasi naman lagi siyang on-time kapag may meet-up or something. Tapos head band naman from Tiffany ang kay Yna. Lagas tuloy ang wallet, butas pa bulsa. Pero ayos lang. Nakalimutan ko pala pa si Kuya Kev kaya eto naglibot pa ako. Grabe lang, anong ibibigay ko?
Nahagip naman ng atensyon ko yung mga Varsity Jacket. Kaya ayun nalang. Pang-couple ang binili ko para kay ate Telle na rin.
Eh for Kenneth?
Gaah. Bigyan ko pa? Wag na, wala na akong pera. Psh. Pero kasi... Ano na? Ay bahala na nga. Anong ibibigay ko naman? Sumasakit na ulo ko kaiisip eh.
Bahala na. After that, umuwi na rin kami agad. Bonding lang kami kinabukasan kina Lindsay, and the other day kina Yna naman. Catching up kumbaga. Then before we know it, Sunday na.
Nagsimba muna kami with Family. Tapos nagentertain ng kunsino mang mga bisita. Then at around five eh nagtext si Lindsay na papunta na raw sila. So I gussied up a little.
Lindsay
We'll be there in a minute or two. ;) And guess what? We're with Kenneth.
Oh, my gosh. Bakit parang bigla naman akong kinabahan. Nagpanic yata ang hormones ko. Grabe. Nakapagpalit tuloy ako ng mas presentable na damit.
Akala ko nagtext ulit si Lindsay, pero si Yna naman ngayon.
Alyna
Papunta na me. Nga pala, kasama ko si Jap ngayon. Weird right? Oh well. Nagkataon. Hihi. Sige, we'll be there na.
Double GOSH! Kenneth and Jap? Not a good combination, seriously!
Pero ba't magkaiba ng text si Linds at Yna? Sinong paniniwalaan ko? Baka naman niloloko lang ako nung dalawang yun!
Bahala na si Potter!
Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine
BINABASA MO ANG
Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop Fiction
Teen FictionPublished Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag na celebrity sa mundo ni Katherine Villanueva. But She hates him for several reasons. Magiging masaya...