If you liked or loved the story, support it by buying the paperback edition for only Php195; Published by Summit Media under POP FICTION. Thank you! :)
Unlucky Cupid's EPILOGUE
#Andrea:
Akala ko sa movies lang nangyayari yung Bestfriends Fell For Each Other thing. Pero hindi rin pala. Posible rin pala sa reality.
Masaya ako kasi we end up this way. Kahit na alam kong anytime eh pwedi siyang mainlove ulit kay Kath, okay lang. Tanggap ko naman eh. Pero I trust him din naman kasi. So I think there's nothing to worry about. :)
"Ano ba kasi Jap! Hindi nga ganyan ang formula eh!" suway ko sa kanya. Di kasi siya marunong magtimpla ng gatas ni baby.
Baby? Baby ba namin kamo? Oo.
Joke lang! Masyado pang maagap dun. Baby 'to ng tita niya. Bakasyon na ngayon at boring naman sa bahay, niyaya niya akong manuod ng movie kaso lang hindi nga raw sya makaalis.
"Tsk. Pwedi naman kasing tubig nalang eh diba? Arte arte ng mga babies." reklamo pa niya.
"Sus! Pero kanina cute na cute naman." tukso ko. Totoo nga, grabe siyang magalaga... papatayin niya yata yung baby eh. Haha. Pero ang cute rin nila kanina. "Pwedi ka nang daddy, Jap." sabay tawa ko pa.
"Di nga?" napatigil siya sa pagtimpla. "Eh sino mommy?" nagsmirk pa ang loko.
"Aba malay ko!" tumingin nalang ako sa baby na karga ko. Nakatulog na pala. Di na kailangan ng gatas, pero baka nagutom? Ay ewan. Kaloka ito!
"Sus! Gusto naman siya," narinig kong bulong niya.
"Anong sabi mo?!!" napasigaw ako. Nangingiti lang siya. Hala, si baby Jan. Nagising na naman. Tsk. "Kasalanan mo! Kainis ka kasi!"
"Nasisi pa ako," natatawa pa rin siya. Eh! Kainis!
"Dyan ka na nga!" at dumiretso naman kami ni baby Jan sa kwarto niya. Ang cute nga eh, Jan ang name. Dapat nga raw Jap the second 'to eh. Kaso lang mas maganda raw kung may slight difference, kaya yung P ay naging N. Nako noh! Buti naman. Baka maging kasing loko loko lang 'to tulad ni Jap.
Pero kahit ganun yun, syempre yung nararamdaman ko towards him-priceless. Kahit nakakainis na siya. Kahit pang-asar siya lagi. Kahit stubborn minsan... mas mahal ko naman siya. :)
Pero nakakainis pa rin talaga!
#Jap:
My realization? Hmm. Marami. Una na run ang feelings ko para kay Andrea. Understood naman na yun diba?
And I want to clear things... I DID NOT FALL IN LOVE FOR HER IN JUST AN INSTANT. And not because of her look. Sadyang late reaction lang talaga ang utak ko at delayed ko na narealize na siya na talaga.
As for Kath? Yeah we're friends pa rin naman. Friends na lang talaga. Ayoko rin naman kasi yung baka may isipin pa si Andrea about sa feelings ko for Kath. Si tol na talaga eh. Sadyang nagpapasalamat na lang talaga ako kay Kath about that.
And most of all, I want to give Andrea my trust. And hopefully, she would give hers in exchange. Ayoko na siyang masaktan pa. She was hurt enough because of my foolishness back then. Now's the time for a payback.
I love her, no one else.
"Jaaaaap! Bakit ang tagal mo naman dyan?!" sigaw niya from Jan's room.
Ang tindi naman palang magalaga nitong amazonang 'to. Kung ako makakasama nito forever eh malamang battered husband ako rito.
But honestly, I wouldn't mind. Basta siya ang wife ko. Siya ang magiging Misis ko. It's too early for this, pero di ko maiwasan eh. I can dream, can't I?
BINABASA MO ANG
Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop Fiction
Teen FictionPublished Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag na celebrity sa mundo ni Katherine Villanueva. But She hates him for several reasons. Magiging masaya...