Chapter 59: Distant
***
/KATHERINE'S PERSPECTIVE
Lumipas ang ilang araw, di na ako ganung lumalapit kay Kenneth. Tagos kasi eh. Ang sakit. Oo, alam kong hindi kami o ano. Eh kasi sa kinikilos nya parang... alam na. Yung ganun. Tapos, tapos wala lang pala? Ano ba yun!
Sa loob ng suite ay napaka-awkward. Pero sa kanya parang wala lang. Ang manhid naman nung taong yun. Nakakainis! Lalapit sakin tapos makikipagusap. Tataas ako, susunod siya. Leaving me to fully go outside the suite. Di ko naman pinaparating na may awkward-feeling ako towards him. Pero kasi maganda na yun lumayo nalang ako kaysa sa umasa pa ako.
Nandito na kami ngayon, may class. As usual tahimik. Pero si Ms. Carreon naman ang nagtuturo at magt-time na rin naman. Buti na lang. I don't feel very well. Wala naman akong sakit o kahit sinat manlang, pero kasi iba talaga.
"Students." tinawag ni prof. Vivien yung atensyon namin. "Please be reminded that you are all required to join at least one club or organization this free period. The list of the clubs will flash on the big screen at pupil's hall. After that, email the clubs' president the requirements and datas, and wait for the confirmation. That is all. Class dismiss."
Yes.
Hindi naman agad ako tumayo, sila eh ang ingay na agad at nagdadaldalan. Sasandali pa lang kami rito, pero buti pa sila magkakaclose na. Ewan, kung may kumausap na lang sakin edi tsaka umusap.
"Are you hungry?"
Mali. Kung may kumausap pala na feel kong kausapin, tsaka magsalita.
Hindi na lang ako umimik. Kunwari eh busy sa pagaayos ng papers, pero ginugulo ko lang naman tapos inaayos ulit para maging alibi.
"Uhm, Kathy?"
Tch! "Ano?!" napasigaw tuloy ako. "I, I'm sorry. I just..."
"S'okay. Guess you're busy. I'll talk to you later." sabi nya na medyo malungkot ang expression, tsaka umalis na rin.
Haaaay! Ano bang nangyayari sakin?! Makausap na nga siya nang matino mamaya. Bahala na!
"Kaaaath!"
Bakit ba lahat ganyan na lang ang tono pag tinatawag ako? Tsk.
"Oh, Andrea bakit?"
"Sabay ka saming mag-lunch?"
"Ah, eh. Hindi ako kakain. Di naman ako nagugu--" bigla na lang nya akong hinigit patayo.
"Ang mga estudyante rito ay dapat kumakain kahit hindi gutom. Alam mo naman sigurong patayan ang pagaaral dito diba? Kaya let's go!"
Ano pa nga bang magagawa ko? Tsaka ang higpit pa ng kapit nya sakin. Wala lang akong ganang kumain pero nagugutom talaga ako. Nang makarating kami sa cafeteria, may mga bumati kay Andrea. Edi siya na itong. Forever alone na yata talaga ako.
"Kath alam mo yung mga babaeng yun," sabi niya nang makalayo kami sa kanila. "May sinasabi sayo."
"H-ha? W-wala naman akong ginagawa sa kanila ah?"
May magiging kaaway ba ako rito? Nako naman! Ang tahimik na nga ng buhay ko eh!
Tumawa siya. "Alam mo, defensive ka. Wala kang ginawa."
Nakahinga naman ako nang maayos nun. Nung tumigil kami sa isa table, expected na nandun si Jap. Si Andrea? Yeah, kadugtong na nun ang pangalang Jap. Kasi naman itong dalawa eh! Ayaw pang mag-aminan.
"Hi Kath." bati niya.
"Eh ako walang greeting dyan?!" sabat ni Andrea. Natawa na lang ako.
"Sinunod ko na nga yung utos mong maghanap ng seat eh!" Jap
BINABASA MO ANG
Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop Fiction
Teen FictionPublished Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag na celebrity sa mundo ni Katherine Villanueva. But She hates him for several reasons. Magiging masaya...