LWL. I

50 4 1
                                    

 ANDY's Photo at the right side.

Andy’s POV

‘’ Mama ! Aalis na po ako! Baka ma-late po ako ng uwi kasi madami pa akong aasikasuhin. ‘’ sigaw ko kay Mama habang tumatakbo pababa ng hagdan.

‘’ ANO BA ANDY?! Aga aga ang ingay mo, talo mo pa si Mama eh. ‘’ Sabat naman nitong kuya kong walang ginawa kung hindi kontrahin ako. Kalalabas niya lang ng kwarto at mukhang kagigising lang niya.

‘’ Whatever. ‘’ Mataray kong sagot sa kanya.

‘’ Umuwi ka ng maaga, dadating si Gabriel. Pinapasabi niya na dito siya mag di-dinner.’’ Grabe si kuya, di marunong rumespeto.

‘’ Ano ba kuya? Di mo ba alam na yang Gabriel na yan ay si Papa? Ang tanda mo na, di ka pa din marunong gumalang.

‘’ Whatever’’ Aba! At ginaya pa yung boses ko kanina. Kainis! -__-

‘’Ewan ko sa’yo kuya! ‘’ Madalas naming pag awayan yang topic na yan about kay Papa. Pero, meron din naman kaming mga bagay na pinag kakasunduan.

‘’ Text mo nalang yung tatay mo kung anong oras siya dadating. ‘’

‘’ All right. ‘’ After kong sumagot, pumasok na ulit siya sa kwarto niya. At ako naman dumiretso sa living room para i-kiss at mag ba-bye sa Mama ko.

Naglakad ako hanggang sa labas ng subdivision namin. Hindi ko naman maasahan si Kuya Kevin sa pag hatid sa akin. Mas mahal pa niya yung mga weirdo na kabarkada niya kesa sa maganda niyang kapatid. HAHAHA. Conceited much ako eh no? Well, hindi ko pa naman nakilala yung mga kabarkada niya, napapakinggan ko lang minsan or nakikita ko sila sa labas ng bahay namin pag may lakad sila nina Kuya. Si Papa naman minsan nasa bahay, minsan wala. Dahil sa business and everything, but we’re in good terms. Hindi ako galit sa kanya besides, 20 yrs. old na si Kuya at ako naman 19 na, so no harm kahit iwan nila kami sa bahay. Oh di ba? Kaya wala talgang maghahatid sa akin kung hindi sarili ko lang.

Waiiiittt! Kilala niyo na ba ako? Ang daldal ko pero hindi niyo pa alam pangalan ko. Sasakay muna ako sa bus, bago ako magpakilala.

Hooopppyaa! Orayt. Nakasakay na ako. Everything is settled.

Hi! Hello! My name is Andrea Mae Marasigan. Obviously, I have an irritating elder brother named Kevin Marasigan. Fresh graduate ako ng Business Ad sa *toot* University. My mother’s family owned a Clothing Line Corporation at pangarap ko na mag trabaho doon someday. Sana lang worth it ako. Kilala naman kahit papano ang pamilya namin dahil Architect ang papa ko at dahil na din sa Clothing Line nina Mama. Pero hindi kami yung tipong young master/young lady ang peg. Saktong estado sa buhay lang.

‘’ *toot* University?! ‘’ sigaw nung manong konduktor sa mga pasahero. Oops. Dito na ako bababa.

‘’ Para po! ‘’ Kanya kanyang sigaw naman ng mga pasahero. Ang hassle talga mag commute pero siyempre, tiis tiss din. I don’t own a car, and besides, I’m not planning to have one. Gusto ko eh big bike/ motorbike. I find it more exciting.

I was walking along the pathwalk when I bumped into a guy named Justin. My ex-boyfriend and he’s with his new girl.

‘’ Hi Andy, long time no see. Kamusta?’’ Kamusta ka diyan?! Tadyakan kita eh!

‘’ Hello Justin. I’m perfectly fine. ‘’ I answered.

‘’ Hi Andy.’’ Sabat naman nitong babae niyang kasama.

‘’ Hello slut ‘’ Kala mo mabait ako? NO WAY.

‘’ What did you say?! ‘’ Bingi ata ito eh.

‘’ I said you’re a slut. As in S-L-U-T’’ Hanep! Best in spelling na ako. Slow naman kasing kausap nitong babaeng ito.

At ayun! Sinabunutan niya ako! UGH! Ang sakit ha. NO WAY! Hindi ako magpapatalo dito. Nilabanan ko siya ng sabunutan tapos sinampal ko pa!

Pero siyempre, joke lang yun. Imaginations ko lang lahat yan. I was peacefully walking when it just came to my fictional brain cells. HAHAHAHA. Wala pa kong nagiging serious boyfriend, flings lang. Pero hindi ako bitch ha! Ayoko lang ma- attach ng sobra kung kaninong lalaki. Baka hindi ko kayanin ang sakit pag nawala sila. Hindi ako kasing tatag ng Papa ko.

*riiiiinnnnggg!* I was out of my imaginary world at bumalik sa katotohanan ng biglang nag ring ang phone ko.

Kathrina Calling.

‘’ Bes! Nasan ka na?'' tanong ko sa kanya.

[ Bus palang ]

‘’ Baka gusto mong bilisan? ‘’ male-late na kami para sa authentication ng papers dito sa University. Mahaba pa naman ang pila doon.

[ Bakit? Ako ba ang nag da drive? Tss- Nalate ako ng gising eh. ]

‘’ Wait lang , don’t hang up ‘’ paalam ko sandali kay Kath.

‘’ Excuse me? May nag-o-occupy ba ng upuan na ito?'' Tanong ko dun sa lalaking nakaupo. Vacant kasi yung seat sa tabi niya.

‘’ Obviously, wala. ‘’ Aba’t! Sinusubukan ako nito ah.

‘’Okay. Thanks. ‘’ Sagot ko sa kanya. Kalma lang Andy. Kaya mo yan.

[HOY! Andyan ka pa?] Ay! May kausap nga pala ako. Shoots.

‘’ Ah oo! Bilisan mo na. Andito na ako sa may Registrar office. I’ll get you a number para makapila na tayo. Hurry! Okay? ‘’

[ A’ight. Chiao! ]

Number 23 & 24 yung nakuha ko. Grabe naman, 10 minutes palang nag s-start yung authentication ang dami na agad nakapila. Umupo na ako sa tabi nung masungit na lalaki.

Suddenly, bumukas yung pinto at tumawag ng number si Mrs. Gamboa.

‘’ Number 7 & 8? ‘’ tapos tumayo yung katabi kong lalaki. Kinuha niya yung envelop sa tabi niya tapos pumasok na sa loob ng office kasabay yung isang guy. By two-s kasi ang pag papasok sa office para hindi masyadong magulo.

After 10 minutes. Dumating na si Kathrina. Number 19 & 20 na yung last na tinawag.

‘’ Kathrina bruha ka! Ang tagal mong dumating, tatawagin na tayo maya –maya. Sa sunod, agahan mo nga yang gising mo. ‘’ sermon ko sa kanya.

‘’ Nice to see you too Andy’’ at nag beso siya sa akin. Tawa tawa pa siya ha? Itong babaeng ito talaga.

‘’ Ewan ko sa’yo.’’ Pagtataray ko naman.

‘’ Aga aga ang init ng ulo mo.’’

‘’ Di naman masyado. ‘’

 After couple of minutes tinawag na din yung number namin. Tumayo na kami at pumasok sa loob ng office.

‘’ Good Morning po President Gomez. ‘’ Bati namin ni Kath sa President ng University. Both fresh graduate kami. As what I’ve said earlier, Business Ad ang natapos ko, at Interior Design naman kay Kath.

‘’ Well, good morning. Sit down. ‘’ Sagot naman sa amin ni President.

Pag ka-upo namin ni Kath, binigay na namin yung envelops namin na ang laman ay yung mga papers and requirements that needs clarification and authentication.

President Gomez opened the envelop I gave. He was shocked at what he saw. Okay? What was that? Maybe because my grades are low? Hahaha.

                ‘’ MS. MARASIGAN. WHAT IS THIS?!’’ 

AN:

If there are any errors sa grammar , spelling or kung ano pa man, sorry po . :)

LABLATS <3

xx FilipinYana xx

Love with Lies (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon