Darius Michael Cruz's picture at the right side.
Dedicated and UD na ito kay Ganda. HI. HELLO! *kaway kaway* Enjoy reading. :)
AN:
HI.HELLO! Nakakatuwa talaga mag post ng bagong chapter lalo na't nag i-increase yung number ng reads! Weeee. Salamat salamt po! Enjoy this Update readers. LABYUALL. HAHAHA :))
__________________________________
‘’ Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng Mama mo! ‘’ Huh? Te-teka? Sila Tita Anya? Pero? Teka, wala akong maintindihan.
‘’ Umalis na kayo. Tapos na ang dinner. ‘’ Pumunta si kuya sa main door at binuksan ito.
‘’ ALIS NA! PINAGBUKAS KO NA KAYO NG PINTUAN OH!?’’ Sigaw ni kuya kina papa
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maintindihan ang nangyayari? Bakit nasabi ni Papa ang mga salitang iyon?
‘’ Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng Mama mo! ‘’
‘’ Tama siya. Hindi kami dapat nandito. Tara na Kathrina.’’ Sabi naman ni Tita Anya kay papa. Ngumiti siya sa akin pero alam kong malungkot na ngiti iyon.
‘’ Sige, bes. Pasensya na kayo sa abala namin. ‘’ Paalam ni Kath sa akin, pero hindi ko pa din ma-internalize ang mga nagaganap.
Una ng lumabas sina tita Anya at Kath, tapos sumunod na si papa. Wala na akong ibang narinig na salita maliban doon sa mga huling salitang tumatak sa isip ko.
Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng Mama mo!
Tumigil si Papa sa tapat ni Kuya. May sinabi siya kay Kuya Kevin pero masyado akong malayo sa kanila para marinig iyon. Pagkatapos noon ay umalis na sila ng tuluyan at naiwan na kami dito ni Kuya.
‘’ Dapat kasi hindi ko na sila pinayagan pang pumunta dito.’’ Sabi ni kuya.
‘’ Kuya. Bakit ka ba ganyan? ‘’ Namumuo na yung mga luha sa mata ko. ‘’ Bakit lagi mo nalang binabastos si Papa. Wala na nga si Mama, pinipilit mo pang itaboy si Papa palayo sa atin? Ano ba kasing nangyayari? Ano yung mga sinabi ni papa kanina? ‘’ Di ko na napigilan at naluha na talga ako.
‘’ Wag ka ngang umiyak. Andito naman ako eh. Hindi mo na kailangan ang lalaking yon. ‘’ Paliwanag sa akin ni Kuya tapos niyakap niya ako.
‘’ Aakyat na ako. Gusto ko ng magpahinga ‘’ paalam ko sa kanya at kumalas ako sa pagkakayakap niya. Mahal ko si kuya dahil sa buong buhay ko siya ang kasama ko. Hinding hindi siya nawawala sa tabi ko. Pero dahil sa ginawa niya kanina, medyo masama ang loob ko.
After nun, umakyat na ako papunta sa kwarto ko. I locked the door after I got in, then I cried to death.
It’s been 10 years since you left us Mama and now, everything is like hell.
9 years old palang ako ng ma-car accident si Mama. Dati noong bata pa ako tanong ako ng tanong kay Papa kung bakit natutulog si Mama doon sa kulay puting box sa bahay namin.
That one particular coffin where every body will rest when their time comes. One particular time that God will give every single humane to go back to his kingdom. And for my Mom, I never thought na that day was one of the last memories I would ever had with her.
Siguro nagtataka kayo kasi lately may kinakausap ako na ‘’ Mama’’ ko? Well, I was just imagining things. After na mawala ni Mama, I kept talking to all her portraits. Bago pumasok, nag papa-alam ako sa kanya, kumi-kiss, hug, nag she-share ako ng mga nangyayari sa buhay ko, lahat lahat. Kahit na mga pictures lang ang kausap ko, wala akong paki alam.
Nung elementary days ko, tuwing umuuwi ako, naabutan ko si Papa na lunod na lunod sa alak at sigarilyo. Sinasabi niya na hindi na daw niya kayang mabuhay pa kung wala si mama. Then Tita Anya came into our lives with her daughter Kathrina. She saved my father. Naging masaya si Papa kay Tita Anya, kaya hindi ako tutol sa kanila, besides, sobrang bait ni Tita Anya sa amin ni Kuya. Si kuya naman, sa hindi ko malamang kadahilanan eh galit na galit kay Papa at Tita Anya. Pero para sa akin, hindi sila sampid sa pamilya. I already lost my Mother, and I can’t afford to lose the other one.
Kevin’s POV
*tok tok tok*
‘’ Andy? Gising ka pa ba? Buksan mo itong pinto. ‘’ Andito ako sa harap ng kwarto ni Andy. Alam kong nag sesenti na naman itong bubwit na ito dahil sa nangyari kanina.
‘’ Andy, papasok ako ah?’’ Kinuha ko yung spare key ng kwarto niya at binuksan ko ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto nakakita ako ng babaeng nakahiga sa sahig, yakap yakap yung picture nila ni Mama. Bakit ba naman kasi iniwan mo pa kami Mama. Kainis ka naman eh. Iniwan mo sa akin itong makulit na babaeng ito.
Binuhat ko siya at inilipat sa kama niya. Kahit na 19 na itong babaeng ito, isang paslit pa din ang tingin ko sa kanya. Sobrang kulit, moody at gulping lawak ng imaginations. But still, napaka fragile niya deep inside. I’m sorry Andy, sa mga inaasal ng kuya mo. Pero hindi ko matatanggap na si Anya ang papalit kay Mama. Kahit kelan, hindi ko siya matatanggap.
Pinunasan ko yung luha sa pisngi niya, tapos kumuha ako ng tissue para pahidan yung sipon niya.
‘’ Kadiri ka kapatid. EWWWW’’ after nun, hinalikan ko na siya sa noo, at lumabas na ng kwarto niya.
ANDY’S POV
Hayyy. Ang sarap matulog.
‘’Good morning. ‘’ bati ko kay Mama tapos kiniss ko yung picture niya at nilagay na sa side table ko.
‘’ Naku! 10 am na pala Mama, shower na muna ako ah? ‘’ Ito na naman ako, kinakausap na naman ang picture ni mama. Ganun talga, mahirap ng tanggalin ang mga bagay na nakasanayan mo na.
I took a shower for about 30 minutes. I wore a plain maroon v-neck shirt and shorts. I put up my hair into a messy bun plus some powder on my face and cologne all over my body. FINISHED!
Sigurado gising na si Kuya, maingay na sa baba eh. Baka nag prepare na siya ng breakfast. Dapat lang no! sinira niya yung dinner na pinaghandaan ko kagabi. Before ako lumabas ng kwarto, I texted tita Anya.
Tita, sorry for last night. I promise to make it up to you.
I should be strong for Papa, at kung ano man yung mga nangyari kagabi, alam ko magiging okay din kami. Ibinaba ko na yung phone ko at lumabas na ng kwarto.
Dumiretso ako sa kusina. Medyo natawa ako kasi nakakita ako ng lalaking busy mag luto at suot-suot yung apron na binili ko kahapon. HAHAHA. Kunwari pa si kuya na ayaw niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya.
‘’ Kuya, sorry sa mga nasabi ko sa’yo last night. Tsaka, gusto mo naman pala yung apron eh. Deny ka pa kagabi . ‘’ Natatawa kong sabi sa kanya.
‘’ Ehem. ‘’ Nagulat ako dun sa boses ng lalaki na nang galing sa likuran ko.
Humarap ako para malaman kung kanino nanggaling yung boses.
NOOOO WAAAAAY! HINDI PWEDE ITOOOOO!
AN:
HI readers! Kamusta naman ang UD na ito? Now you know kaya walang script yung Mama nila Andy and Kevin it's because she's now resting in peace. Eh bakit galit si Kevin kay Anya? Dahil ba ayaw niyang may papalit sa Mama nila? Ano sa tingin niyo readers? Comment naman kayo sa Story na ito :))) I BEG YOU GUYS. I love comments.
VOTE
COMMENT
BECOME A FAN
LABLATS <3
xx FilipinYana xx
BINABASA MO ANG
Love with Lies (on going)
RomanceAndrea Mae is an ordinary girl who faces ups and downs in her life. She always tell herself to stay strong for her family and friends. But, what if those people who inspires her to be strong are the ones who will bring her down. Would she still beli...