Well, normal lang naman talagang ipa - bless ang bahay. Syempre, guidance ni God yun e!
Pero yun yung nakapukaw ng pansin namin. Kasi mga probinsyano kami. Lumuwas lang kami ng Maynila para mag.aral. At dahil laking probinsya, naniniwala kami sa multo,engkanto, dwende, lamang lupa at kung ano ano pa!
Totoo naman kasi ang lahat ng yun!
Oo. Maniwala ka. Madami ng nagpatunay ng lahat ng yan. At Kahit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga ebidensya.
Tinanong namin si ate Julie. Sabi namin " Bakit ate may multo ba dyan? " Pero ang sagot lang Nya samin " wala pero mabuti na yung nagpapabless ng bahay "
Kung ganun. Ipinagwalang bahala na namin yun. Pero parang may kung anong nagsasabi sa aming
" Alamin mo kung ano talagang nasa Bahay na ito. "
