Part 9

82 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Back to normal na ang lahat after ng nangyaring nakawan. Mas naging maingat nalang kami sa mga kilos dahil hindi namin alam kung sino o ano nga ba ang kalaban.

Hanggang sa sumapit ang araw na nanggimbal sa lahat sa amin. Apat lamang ang natira sa bahay : ang ate at kasama namin sa bahay na nasa sala nanonood ng tv, ang pinsan kong tulog sa itaas at ang Kuya kong naliligo sa cr sa itaas. Nagulat na lamang sila ng biglang may nagBang ng pintuan ng cr. nagsisigaw na nga ang Kuya dahil akala nya e pinaglalaruan sya. May isa pa namang cr sa baba kaya bakit ipupumilit na doon magcr. Rinig na rinig ito ng mga ate ko sa baba kung kaya't pinaakyat nya ang kasama namin sa bahay upang pagsabihan ang pinsan ko kung sya nga ang may gawa nito. Laking gulat nalang nila ng matagpuang tulog ang pinsan ko!

After maligo ng Kuya ko ay galit na nagtanong ito kung sino ang may gawa pero nanginig nalang lahat sila sa takot na wala ni isa sa Kanila ang sagot sa pangyayari.

Agad itong ibinalita sa amin pagkarating. Kung ano ano na namang haka haka ang nabuo sa aming mga isipan. Hindi na nga namin alam ang gagawin. Minsan naisip na din naman naming ipatawas ang bahay. Pero natatakot kaming baka lalong magambala ang kung ano mang nandoon. Tanging lakas na lamang ng loob at pananalig sa Diyos ang aming pinanghahawakan sa pagtira doon.

---------------------------------------------

Dahil sa insidenteng naganap, lahat ay nabalot na ng takot. Isang umaga, off ko na naman sa skul kya mga 9 na ako nagising. Diretso cr na agad ako dahil magkatabi lang naman ito ng kwarto namin. Sa loob ng kwarto ay may munting salamin. Kung lalabas ka o papasok ay tyak na makikita mo dito ang sarili mo. Kaya't nasanay na akong ginagawang katatawanan ang mukha ko para pang.alis ng takot. Pero nagkamali ako.

Sa pagpasok ko, nakita ko na ang sarili ko. Pero binalik ko pa ang tingin ko dito at ngumiti sa salamin. Laking gulat ko ng may makita akong lalake sa likuran ko! Buo ang mukha nito. Maitim ito at gulat ang mata. Wala namang dugo o kung ano. Basta isang lalake! Dali dali kong tinignan ang nasa likuran ko pero pinto na lang ito! Dito na ako natigilan at nagtaasan ang balahibo! Totoo pala iyong tila napifreeze ka sa pangyayari.

Minabuti kong wag ng sabihin sa kanila ang nangyari. Useless din naman dahil nangyari na, Tapos na. Pero makalipas ang ilang araw, nagkwento si ate Zy ( isa sa kasama namin sa bahay ) na may nakita daw syang lalakeng pumasok sa kwarto namin. Sinundan nya raw ito pero wala namang tao sa loob. Doon ko na lamang naikwento ang nangyari sa akin. At sa wakas

Tila mahahanap na namin ang sagot!

Bagong Bahay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon