Part 7

123 0 0
                                    

At dahil sa kwento ni Tita. Lahat kami kinilabutan. Sabi ko na nga ba e! Totoo yun!

After ng insidenteng yun. Sunod sunod na ang mga di magagandang panaginip ng pinsan at kuya ko. Yung tita ko naman, twing gabi ginigising ako. Lagi nyang sinasabing nararamdaman nya raw na may tao. Pero ako, wala namang nararamdaman.

Isang gabi, nakatulog ng maaga si Tita. Palibhasa kasi pagod galing trabaho. Late na akong umakyat para magpahinga. Nakasara na nga ang pintuan ng kwarto. Umihi muna ako bago umakyat sa kama. Sinigurado kong nakasara ang pintuan.

Mahimbing na akong natutulog ng biglang nagsalita ang tita ko. Sabi nya " Joys sinara mo ba ang pinto?! ".

Hindi ako sumagot imbis ay tinignan ko ang pintuan. Tuluyan akong nagising dahil nakabukas ito pero maliit lang ang siwang. Nagtaka ako. Gayong nilapat ko talaga iyon. Wala namang pumasok sa kwarto namin dahil ako na ang huling natulog.

Nagkatakutan kami ng Tita ko. Dahil alam naming may mali sa kwartong iyon.

-------------------------------------------

Kinabukasan ay tinanong namin sila kung may pumasok sa kwarto namin. Wala daw naman. Inisip nalang naming napaparanoid lang kami. Kaya ipinagwalang bahala lang namin.

Normal na araw lang din ang araw na iyon. Pero ng sumapit ang gabi, unti - unti na akong kinakabhan kung ano nga ba ang susunod na mangyayari.

Nang gabing iyon, Hindi na mapakali ang Tita ko. Panay pa rin kasi ang pagsabi nya ng tila may tao syang nararamdaman. At dahil isa akong teenager, itinulog ko na lang ito. Hindi naman kasi tao ang nararamdaman ko.

Natulog kaming bukas ang pinto. Pero ang Tita, ramdam kong hirap makatulog. Pinapailaw kasi nya yung cp nya tapos itatapat sa may pintuan.

Bandang alas dos ng gisingin na naman nya ako. This time pinatabi nya na ako sa kanya pagtulog. Sabi nya kasi may nakita syang anino ng taong nagreflect sa pintuan. Na labis naming ikinatakot ng gabing yun!

---------------------------------------------

Dalawang gabi ng tila may mali. Teka, talaga palang may mali! At ng pangatlong gabi na ang dumaan, dito na nag freak out ang Tita!

Dahil sa parang may tao talagang nagmamasid sa amin sa gabi, binuksan na lang ng Tita ang ilaw sa me hallway para kita kung may tao.

Medyo maganda ang tulog ng Tita. Mahimbing na din akong natulog ng biglang nagsisigaw sya. Nagising kasi syang super dilim! May nagpatay ng ilaw sa hallway!

Ginising nya kaming lahat. Alas tres ang kaganapang yun. Halatang antok na antok pa ang lahat. Sinimulan Nya ng magtanong kung sino ang nagpatay ng ilaw pero wala raw naman.

Bakit mo nga naman papatayin ang ilaw na pagginawa mo yun e talagang wala ka ng makikita sa dilim. Kahit kasi umaga pag walang ilaw ang hallway ay talagang napakadilim. Kaya siguro tadtad ng ilaw ang bahay.

Lahat kami e nagsimula ng mag.isip. Pano nga ba mamamatay ng ganun na lang ang ilaw? At sino talaga ang nagpatay nito?

Bagong Bahay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon