Galing sa skul ang Kuya ko. Pagkapasok na pagkapasok nya sa bahay, ang Tita ko agad ang hinanap nya. Nasa kwarto si Tita at nagpapahinga galing kasi sa trabaho. Walang nag.atubiling tanungin sya kung bakit. Busy lahat sa panonood ng tv e.
Bumaba silang walang imik. Nakangiti si Kuya kaya wala naman kaming inisip na masama. Swerte at kumpleto kami sa bahay. Tinawag nya kami at nagpulong sa dining area. Nasagot na ang matagal na naming tanong!
* Ordinary day lang iyon para sa Kuya ko. Dapat ay magbibilyar sila kasama ang kaklase nya. Pero wala pang ass yung isa nyang kaklase. Kaya nagpunta na Lang sila ng library.
Sa library wala yung hinahanap na libro ng kaklase nila. Kaya nagbuklat na lamang sila ng magazine. Isang horror magazine ang napili nila. Sa kanilang pagbubuklat buklat ay napukaw ang atensyon ni Kuya sa pangalan ng isang sikat na basketball player na unang tumira sa bahay.
Binasa nila ang interview dito. Sinasabing kaya lumipat sila ng bahay ay dahil may nakatira ditong ENGKANTO, TYANAK, DWENDE, at KAPRE! Ayun! Ayun na ang sagot sa matagal naming tanong!
Ang tila paglalaro sa amin sa ilaw, ang mga yabag sa itaas kahit wala namang tao, ang insidente sa cr, ang lalake naming nakikita, ang sagot sa takot na takot na mukha ng may ari ng tubigan at ang sagot sa habilin ni ate Julie'ng umalis na kami sa bahay ba yun!
Kung titignan ay tila nakaplano na ang lahat. Weird diba? Magbibilyar sana ang Kuya ko pero napadpad pa sya sa library! At sa dami dami ng libro doon nakuha nila ang magazine kung saan may interview doon ang unang tumira sa bago naming bahay!
Lumipat daw ang unang tumira sa Bahay dahil laging nagkakasakit ang mga anak nito. Ang asawa naman ay laging masakit ang ulo. Nagkakaroon din ng di maipaliwanag na mga pantal ang mga bata. Kaya't minabuti nilang ipatawas ang bahay. At doon nalaman na dahil iyon sa mga engkantong nakatira sa bahay.
Lahat kami sa bahay tila natigilan sa nalaman. Nagtaasan ang balahibo namin! At Tanging takot ang bumalot sa amin. Hindi kasi malayong magkatotoo ang sinabi ng unang tumira sa bahay dahil sa dalawang malaking puno sa may bahay na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto.
Ngunit. Hanggang doon na lamang iyon. Nakatira pa rin kami roon sa kabila ng nalaman namin. Hindi naman kami napapaano at respeto lang sa unang nakatira talaga doon. Dahil wala pa man ang Bahay na iyon ay nandoon na ang mga ito.
Tandaan natin na wala namang masama sa mga engkanto o iba pang lamang lupa. Tulad natin ay naninirahan lamang din sila. At gumaganti lamang kapag napupurwisyo o nagagambala.
Hindi masamang maniwala basta't sa Panginoon buo ang tiwala!
At yan ang istorya ng BAGONG BAHAY.
