Wala pang isang linggo ay may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi sa kung ano. Oo, aaminin ko wala akong third eye. Pero ang makaramdam ay normal lang sa ating mga tao.
Isang umaga, dahil off ako sa skul. Medyo tanghali na kong nagising. Ugali ko ng magtitig bago bumangon. Nakatingin ako sa me pintuan. Pero bigla akong napabangon!
gumalaw mag.isa ang pinto. Yung tila itinulak ng malakas pero biglang tumigil bago sumayad at nag.iwan ng kaunting siwang.
Tumindig ang balahibo ko dahil wala naman akong hangin na nadama gayung malapit ako sa may bintana! Dali dali na lang akong bumaba at doon nagdasal.
