Gabi na dumating ang Tita ko. Pagdating nya ay agad kong kinuwento ang nangyari. Parang wala lang sa kanya. Sabi nya hangin lang daw yun.
Pero hindi! Kitang kita ko talaga. Kung hangin yun edi sana lumapat ang pintuan. Bakit may natirang siwang gayong napakalakas o napakabilis ng paggalaw ng pintuan.
Hindi ko nalang sya pinansin. Basta sa sarili ko, alam kong nangyari yun. At may mali sa pangyayaring yun.
Umakyat ako para tawagin si Tita dahil kakain na. Usually kasi pag tinawag mo sya e mga 15 to 20 mins pa bago bumaba. Kaya nagulat ako dahil mga 5 mins lang bumaba na agad sya.
Natapos na kaming kumain. Nakapagligpit na din. Umupo sya sa tabi ko. Saka sinabing " totoo pala yung sinabi mo! ". Nagulat ako akala ko kung ano. Pero agad nyang dinigtungan ng
" nangyari sakin yung sinasabi mo! "