Part 8

81 1 0
                                    

Tila Hindi naman binigo ng tadhana ang mga tanong na naglalaro sa aming mga isipan. Makaraan ang ilang araw, nanaginip ang Kuya ko na isa daw batang naglalaro sa hallway ang nagpatay ng ilaw.

Madalas kasing makapanaginip si Kuya ng kung ano ano. Nanaginip din sya ng matanda sa cr namin. Noong nasa lumang bahay din kami ay nagtugma ang panaginip nya sa isang babae at ang babaeng nakita sa cr ng kaklase ng kasama namin sa bahay na may third eye.

Ngunit, Hindi naman ito agad pinaniwalaan ng Tita namin. Sinasabi nyang Hindi kayang magpatay ng ilaw ng mga multo o ano man kundi tao lang talaga!

Pero ako sa tatlong gabing kung ano anong kababalaghan ang nangyari, nagsisimula na akong maniwala.

Dalawang linggo na ang lumipas. Kasabay nito ang pangyayaring Nakawan sa aming lugar. Kasabay din nito ang pag lipat Nina ate Julie sa Fairview. Ayaw man naming isipin, pero parang inside job ang nangyari. Pero bago umalis si ate Julie, isang palaisipan na naman ang kanyang sinabi :

" umalis na kayo sa bahay na yan "

Bagong Bahay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon