26 : I'm Sorry, Julia

3.5K 49 3
                                    

Julia's POV

"Paula..." na-aawkwardan ako sa sitwasyon namin ngayon. Nakangiti kasi siya sa'kin, ako.. gulat na gulat. Bakit siya nandito? Pinapunta ba siya ni Jeremy?

"Omg, Julia! I miss you!" then she hugged me and of course, I hugged her back.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya pagkatapos namin magbitiw sa yakap. Curious na curious ako kung bakit siya nandito eh.

"Ah, k-kasi ano, g-gusto ko kasing surpresahin si Jeremy." ngiti niya sa'kin.

Surprise? So, sila parin? At hindi talaga totoo ung sinabi ni Jeremy na single siya....

"P-pero ano, nagbreak na kami eh. Pero parang cool off lang. Hindi kasi kami nagka-unawaan doon sa problema niya." kwento niya sa'kin pero nakatingin siya sakin na parang tinitingan ang magiging reaksyon ko.

"A-ah, ganun ba. Eh, alam mo ba kanina naiinis ako sakanya kasi nung nag-getting to know each other chuchu kami, single daw siya! Kainis kaya!" kwento ko sakanya, para naman hindi mahalatang na-iilang ako!

"Pabayaan na natin yun! Hmp! Pero, ako ung babawi eh. Kaya kami nagpunta ni Aliss ngayon!" ngiti niya sakin.

"Oh, talaga, andyan din si Aliss? Anong room ng kwarto niyo? Saka paano mo nga pala nalaman ung room number namin?!" pabiro kong sabi.

"Ah, sa 6B kami. And tinanong ko doon sa baba kung ano ung floor at pang-ilan ung mga taga PT & T. And actually, tatlong araw kami dito ni Aliss. Para ma-enjoy na din ung view. Saka, malay mo, makapag-bonding pa tayong tatlo!" ngiti niya.

Napangiti na rin ako sa sinabi niya, "Ah, teka, nasan si Aliss?"

"Ah, nandun sa kwarto. Tulog! Kilala mo naman yun, antukin! Kaya ako nalang muna, saka pupuntahan ko din si Jeremy afterwards."

"Oh, alright. Pasok ka muna dito." at yun nga, pumasok siya. Whoa, ano pa bang pwedeng pag-usapan?!

------------------

Paula's POV

Pagkapasok ko ng kwarto nina Julia, nakita ko bigla ung boss niya na nagc-cellphone at nung nagkatinginan kami, bigla siyang tumayo ng kama.

Siya kaya ung sinasabi sakin ni Jeremy? Kung siya nga, kailangan ko na siyang makausap.

"Uy, Lance. Kaibigan ko nga pala nung college, si Paula." introduce sakin ni Julia kay Lance.

Lance? Confirmed. Siya nga. Siya ang ex-boyfriend ni Julia dati, at sila ulit ngayon.

"Hi, Sir Lance."

"Hello." at nakipag-shake hands siya sakin, at! inalok ko naman, syempre!

"Ah, Julia. Ano, pwede bang pakuha ung charger ko sa kotse, please." pagmamakaawa nung Lance kay Julia.

"Hala, bakit ako?! May paa ka dyan, bakit ayaw gamitin?!" pagtataray ni Julia.

"Sus, nanlalambing na lang, GIRLFRIEND!" sabi ni Lance tapos nag-pout na parang sobrang nagtatampo! Tae, ang cute...... nilang tingan ngayon! Kayo ha!

"Sige na nga, ito na, kukunin na, MABAIT KONG BOYFRIEND!" sabi ni Julia at kinuha ung susi nung kotse?

"Uy, Paula. Wait lang! Upo ka lang dyan sa couch. Kunin ko lang ung charger ng boss kong mataba!" sabi sakin ni Julia at umalis na ng kwarto.

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon