01 : Job

15.7K 211 7
                                    

Julia's POV

"Mahal kita, Julia Francesca Pangilinan. Hinding hindi kita iiwan. Itaga mo na yan sa bato ha? Akin na akin ka lang." sabi niya.

"Mahal din kita, Lance Cedric Baldivia. Tinaga ko na yan sa bato, dati pa. At akin ka lang din ha?"

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! DAMN THAT ANNOYING DREAM! Umagang-umaga nababadtrip kaagad ako. Kainis naman.

"Good morning, anak! Kumain ka na." bungad sa'kin ng nanay ko nung bumaba ako para i-check kung sinu-sino ang mga tao dito sa bahay ngayon.

Ang sarap naman ng buhay kapag tapos ka na sa kolehiyo. Malayang malaya ka na. Wala kang ibang pina-priority kung hindi si God, ang pamilya ko at magkatrabaho.

"Good morning din, ma. Kumain ka na ba? Sabayan mo naman ako!" reply ko sakanya.

Umupo naman siya sa tapat ko. Pansin kong siya lang ang nandito. Walang tao sa taas e. Si papa, halatang nasa trabaho siya ngayon. Si Trinca naman may klase ngayon.

Aamin ko, malungkot din.

"So, anak. Since isang marketing graduate ka, anong balak mong pasukang trabaho?" tanong ni mama sa'kin para may mapag-usapan kami habang kumakain.

"I'm still not sure, mom. Kayo, where do you want me to be?" pabalik kong tanong sakanya.

"Kung ako, gusto ko ung malapit lang para hindi hassle. Kasi madami ka na ngang ginagawa sa trabaho, matagal pa byahe." sabi ni mama at nakangiti.

Aba, bakit naman nakangiti ang mother dear ko? Haha

"Ang suggest naman ng daddy mo, mag-trabaho ka na lang doon sa company nung kaibigan niya. Mataas din naman ang sweldo. Malapit lang din." sabi ni mommy na parang mas lalong natuwa.

Yung totoo ma, may pagnanasa ka ba doon sa kaibigan ni dad. =_______=

"Ah, ah. Ganun ba? Hmm, what's that company all about?" tanong ko. Well, interesado din naman ako kahit papaano. Atleast trusted na yung company at kaibigan ng daddy ko ang may-ari.

"Well, it's a telecommunications company. May bagong boss daw kasi na nangangailangan ng secretary niya. And ang mas nakakagulat, 21 years old lang at naging boss kaagad!" sabi ni mommy.

Aba, ang sosyal naman kapag ganun. Matatanggap kaya ako? Edi, kapag natanggap ako, magta-trabaho kaagad ako kasi madaming ipapagawa if ever.

"Eh, ma.. mukhang ang hassle naman n'yan! Sa tingin mo, matatanggap ako kaagad bilang secretary, e wala pa naman akong experience sa ganyan?!" sabi ko.

"Kung siya nga naging boss at the age of 21, paano pa kaya kung isang 20 years old na gusto lang naman maging secretary? Mukhang ung boss naman ung pipili nung secretary niya. And mukhang qualified ka naman. Don't worry." sabi ni mommy na parang may tiwala talaga siya na tatanggapin ako. THAT'S MY MOM!

"Well, okay then. Kelan ako magbibigay ng resume ko?" tanong ko.

"Ask your dad about it pagdating niya mamaya. Then tomorrow ka magpakuha ng picture at saka gumawa ng resume." sabi ni mom.

"Um, okay." sabi ko at tinapos na ung kinakain ko.

----------

Since walang pasok si Trinca ngayon, nagpasama ako sa mall para magpa-picture. Kailangan pa ba makita pagmumukha ko doon sa resume? =__=

"Ate, doon na lang tayo! Mukhang mas maganda ung pagkaka-print nila doon!" sabi ni Trinca habang nakaturo doon sa store at hinili ako.

"Chillax ka lang, Trincs! Picture lang 'to, hindi 'to minamadali!" sabi ko. Eh, kasi naman parang mas excited pa kasi ito magtrabaho kesa sa'kin.

"Sorry na, ate. Sabi mo kasi ibibili mo ako ng tons of dress kapag nagka-trabaho ka na." sabi ni Trinca at nag-smirk na parang may evil plan.

Nako, si Trinca talaga.... 17 na pero parang bata pa rin ang ugali.

"I will, I will. Don't worry. And what's with the smirk, dear?" sabi ko.

"Nothing, dear. I'm just cheering myself up." sabi niya na parang lumungkot ang mukha niya.

"Is this about Luigi again?" iritang irita kong sabi sakanya.

"If I'll say yes, pagsesermonan mo nanaman ako so, no." sabi niya.

Actually, totoo ung sinabi niya. Pinagsesermonan ko siya kapag iniiyakan o nagiging rason ng kalungkutan niya si Luigi. Yeah, Luigi's her boyfriend. Ayoko sanang magka-boyfriend si Trinca kasi ayokong mangyari sakanya ung nangyari sa'kin.

Iniwan ako. Sinaktan ako.

"Hay, okay fine. I'm sorry kung hindi mo ako napagsasabihan about Luigi kasi naiinis ako. U-um, s-sorry na. Wag ka na malungkot." sabi ko then I hugged her.

"N-no, no, ayos lang ate. Mababaw lang naman pinag-awayan namin, maaayos din namin 'to. Sige, tara na! Magpa-picture ka na para maka-uwi na din tayo kaagad. I need to do my thesis and my book reviews." sabi ni Trinca at ngumiti ng peke.

Habang nag-iintay doon sa picture, nag-window shopping kami ni Trinca.

Ang dami kong gustong mga damit. Pero most of the time, puro formal susuotin ko if ever tanggapin ako nung boss na yun. Hehe.

20 minutes na ang nakalipas at kailangan na din namin kunin ung pictures doon sa store na pinuntahan namin kanina. Habang paalis kami sa department store, medyo tumitingin-tingin din ako sa paligid. Syempre, nagbabaka sakaling may kakilala akong makita.

At may nakita nga ako........ isa.

Sobra akong nanlambot sa kinatatayuan ko nung nakita ko siya. Medyo pataas ung buhok niya, matangkad, naka-formal siya.......... walang masyadong nagbago sakanya.

SIYA BA TALAGA YUN?

Hindi ko napansin nakatitig na pala ako sakanya. Bigla kong inalis ang pagkatitig ko sakanya at nagdire-diretso sa exit ng department store. Pasalamat na lang ako hindi napansin ni Trinca na napatitig ako sakanya dahil tumitingin-tingin siya sa ibang damit. Dali-dali kong kinuha ung pictures at pumunta na kaagad sa parking lot.

"Ate, bakit nagmamadali ka naman ngayon? Sabi mo, wag magmadali?!" pag-aangal ni Trinca. Medyo hinihingal siya sa sobrang bilis ko.

"We should go. You're going to do your things pa, right?" sabi ko.

After that, binuksan ko ang kotse ko at pinaharurot ko nang mabilis ang sasakyan.

Isa lang ang makakapag-larawan ng nararamdaman ko ngayon............................... GALIT.

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon