30 : Bestfriends, Remember?

3.4K 70 9
                                    

Julia's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto, napaupo nalang ako at umiyak na parang nawawalang bata.

Hindi ko kinaya. Dapat talaga sasamahan ko pa siya uminom, pero nakakaramdam na akong hindi ko na kaya. Kaya sinabi ko pupunta nalang ako kina Aliss. Buti nalang inaya na niyang umalis ako doon.

Masakit, masakit. Siguro mas mabuti na 'to. Ayoko siyang masaktan, siguro mas maigi na talagang masaktan siya ngayon, pero last na. Atleast hindi paulit-ulit. Hindi ko na kakayanin. Ang dami ko nang kasalanan sakanya. He doesn't deserve every bit of it. So, I'm letting go.

Buti nalang walang tao dito sa hallway. But just in case, umakyat ako sa floor nina Aliss. Si Aliss ang pakay ko, hindi si Paula. At kung makikita ko man ngayon si Paula, I hope maintindihan niya.

Nag-doorbell ako sa kwarto nila at binuksan ni... Aliss. Whew. Muntikan na.

Niyakap ko siya nang walang pag-aalinlangan. I miss my bestfriend. Ang tagal ko nang hindi nagkukwento at nakipaghang-out sakanya. Monday to Friday ang trabaho tapos kapag Saturday, date kami ni Lance tapos kapag Sunday, freetime pero si Aliss ang busy ng ganitong araw.

"Oh, ano na nangyari? Bakit ka umiiyak? Hindi ka niya tinanggap?" tanong ni Aliss sakin na sobra kong ikinagulat.

Napapiglas ako sa yakap at nagsalita, "Huh? Anong ibig mong sabihin? May alam ka?"

"Duh, we're bestfriends, right? And ang tagal ko naring hindi nakakasagap ng balita sa'yo. All I know is Paula's bothered with you."

"What do you mean that Paula's bothered with me?"

"Hindi ka na nakikipag-hang out sa amin sakanya she knew that something happened with you and Jeremy and that hurts, you know."

"I know, I know. If I were Paula, I would get hurt, badly. Pero hindi naman namin parehong ginusto ung sitwasyon! It was an accident.... I think?"

"I know it's an accident. I understand you." then she smiled.

"Alam ko namang galit parin si Paula sa'kin and I totally accept that." malamya kong sabi sakanya

"Wag mo muna isipin yun. Good thing she's not here." sabi niya

Ngayon ko lang din napansing wala si Paula. "Nasan siya?" tanong ko.

"With Jeremy, yata? Kumain yata sa labas." sabi ni Aliss

Napa-nod nalang ako as a sign na narinig ko ung sinabi niya. Nilibot ko ung kwarto nila. They're still the same old friends I know. May perfume sa may desk, may lipstick, may papel-- the usual things they put sa desk nila. And ung bags nila, nakabukas, ung mga gamit, wala paring pinagbago.

I miss my friends. They were merely my friends when I was in my depression state because of Lance. I should be thankful to them because they saved me. And here I am, moving on... again.

"You know, pwede ka matulog dito." sabi ni Aliss sakin at umupo sa kama niya.

Tumingin lang ako sakanya, nginitian ko siya at humiga narin ako sa kama niya. We were usually like this during college days. Lagi siyang magpupunta sa bahay namin or ako, sa bahay nila then magkukwento lang sa kama, magbubukas ng laptop, mags-search ng mga bagay.

"You know, you can tell me everything. Your hurts, your fears. Everything I tell you." Aliss told me as a sign that I can tell her everything without judgements or reactions against me.

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon