28 : Trust Me, Paula

3.1K 52 11
                                    

Julia's POV

Tulala parin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Matutuwa ba ako... o hindi? Nung una natuwa ako kasi.... akala ko kay Lance eh. Kaso, sabi nung doktor, apat na linggo.... kay Jeremy ito.

Sinabi narin sa'kin na wag masyadong magpa-stress, wag rin masyadong magpuyat, balanced diet daw dapat, at magpa-check up daw every month. Grabe, sa isang iglap, makakarinig ako nang mga ganito... ang bilis.

Gusto kong umiyak kaso, bakit parang may pumipigil sa'king umiyak?

Nawala ako sa pagmumuni-muni ko nung may nagsalita ng pangalan ko, "Julia."

Tumingin ako sakanya. I sighed as a relief na hindi si Lance yun. "J-Jeremy."

"Wag ka mag-alala, Julia. Alam ko na." sabi niya sa'kin na seryoso ung mukha niya. Alam na nyang....

"Anong ibig mong sabihin?" nagtanong na ako para sure...

 

"Buntis ka........ buntis ka sa...... anak natin..."

And those words striked me. Napahagulgol na ako nang todo. Nalabas ko na ung iyak na gusto kong ilabas kanina pa. Parang nakakabinging pakinggan ung last part na sinabi niya.

 

'anak natin...'

 

'anak natin...'

 

'anak natin...'

Nakaramdam ako ng yakap. At niyakap ko na rin siya dahil siya lang siguro ang nakakaalam ng sitwasyon ko ngayon. Siya lang. At alam kong nararamdaman niya din ung nararamdaman ko. Gulat at takot. Gulat dahil hindi naman namin inaasahan ito, at takot... dahil hindi namin alam ang magiging reaksyon ni Paula at Lance dito.

 

I made out with my bestfriend's boyfriend. Isn't that the worst situation you could ever hear?

"Jeremy, ang sakit... ang sakit.... hindi ko alam kung bakit."

Hindi ako nakarinig ng sagot galing kay Jeremy.... dahil, umiiyak na din pala siya. Hindi naman namin inaakala na sa ganitong sitwasyon pa namin malalaman. Kung kelan masaya na kami ni Lance, dito ko lang malalaman na.... may anak pala ako sa ibang lalaki.

Umalis na si Jeremy sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ung pisngi ko, "Sabihin mo muna ito lahat kay Lance. Kapag ginawan ka niya ng masama, sabihin mo sa'kin." sabi niya habang nakatingin sa mata ko nang seryoso.

"Tahan na. Masama yan sa bata." sabi niya ulit sakin at pinunas na ung luha sa mata ko.

"P-paano si... Paula?" tanong ko sakanya.

"Ako narin bahala doon. Kaya ko na. Alalahanin mo muna si Lance. Balitaan mo kaagad ako." sabi niya sa akin at nagtawag na nung nurse para malabas na ako.

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon