27 : This Can't Be Happening

3.2K 42 7
                                    

Lance's POV

Nagising nalang ako na sobrang sakit ng ulo ko. Alam kong medyong napadami ung inom ko kagabi, pero, anong nangyari pagkatapos?

"Lance, gising ka na pala. Good morning." ngiti sa'kin ni Julia.

Nginitian ko nalang siya at pumikit. Hindi kaya. Ang sakit talaga ng ulo ko, may pupuntahan pa man din kaming mall na may kiosk ang PT & T. Shit.

"Alam kong masakit ulo mo, napadami inom mo kagabi eh." sabi sa'kin ni Julia at umupo sa tabi ko.

Ngayon ko lang din napansin na nagbago na pala ung damit ko. Ibig sabihin.... nasuka ako? Pucha, nakakahiya naman o.

"Sorry, Julia. Mukhang nasuka ata ako kagabi, sorry." sabi ko sakanya na nakapikit parin.

Mukhang namula naman siya doon sa sinabi ko.... ibig sabihin.... nakita rin niya katawan ko? >:)

Trip ko sana siyang asarin pero dahil sobrang sakit ng ulo ko, next time nalang.

"A-ayos lang yun, Lance." sabay iwas ng tingin niya.

"Pupunta tayong SM Baguio diba? May kiosk tayo doon?" pag-iiba ko ng topic

"Ah, oo. Kaso, mukhang di mo kakayanin. Pero wag ka mag-alala, si Quisha rin kasi, nagka-hangover. Pareho kayong nalasing kahapon. Kaya baka kaming apat nalang." sabi niya.

"Anong kayong apat?!" gulat kong sabi sakanya. Ibig sabihin si Joshua, Faye tapos si Julia... at si Jeremy?! Hindi pwede...

"Yeah, kaming apat." ngiti ni Julia sa'kin.

Ngiti pa siya, ha? -__-"

"Eh, Julia~ Hindi ba pwedeng mag-stay ka nalang dito? Walang mag-aalaga sa'kin~" sabi ko sakanya tapos hinawakan ko ung kamay niya.

"Bawal, Lance. Kailangan dalawa manlang sa Sector 10, mag-represent." sabi ni Julia na parang nagui-guilty doon sa sinabi niya. >:)

"Eh, boss at boyfriend mo ako, dapat sundin mo ako~" paglalambing ko ulit.

"Ang bad bad mong boss! Alam mong kailangan atleast dalawang representative diba?! Wag mo na ipilit kung sa dulo alam mong bawal parin talaga..." sabi ni Julia na naka-pout. Hala, napikon na.

"Sige na, okay na. Anong oras na ba at anong oras ba kayo pupunta doon?" malambing ko paring sabi sakanya. Malay mo bumigay!

Sinamaan muna niya ako ng tingin bago magsalita, "9:58am na, 1:00pm pa naman kami aalis eh."

Tumango lang ako at nagsalita ulit siya, "Kuha lang muna kita ng tubig." sabi niya at kumuha ng tubig sa ref.

Pinaupo niya ako sa kama at inalalayan akong uminom. Parang bata lang, hehe.

"Hay nako, Lance! Para tuloy may anak ako!" pagkasabi niya niyan ay biglang nanlaki ang mata niya na parang nagulat sa sinabi niya.

Naalala ko tuloy bigla ung mga pinagsasasabi ni Paula sa akin kahapon.... sana hindi tama ung naiisip ng utak ko ngayon.

"Araaaaay." sabi ko at hinawakan ung ulo ko sa sobrang sakit.

"Lance, sige na. Magpahinga ka na muna." sabi niya at inalalayan ako sa paghiga.

---------------------

Julia's POV

Sana umigi na si Lance. Mga baliw din kasi 'tong mga kasama namin. Porket malakas uminom, hindi na inalala ung mga mahinang uminom. Kaya, ayan! Dalawang na-hangover! Kaya pilitan akong magpunta as a representative ni Lance kahit gusto ko siyang alagaan. Hehe.

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon