29 : Why, Julia?

3.1K 47 6
                                    

Julia's POV

Ilang minuto narin akong nakatayo lang dito sa tapat ng kwarto namin. Ayokong pumasok. Hindi ako handa sa pwedeng mangyari. Hindi ko kasi ma-larawan kung anong mararamdaman ni Lance.

At base doon sa pinagusapan ni Paula at Jeremy kanina, parang may hinala na si Lance kasi nga nagtatanong-tanong si Paula. Pero di ako galit kay Paula. Doon rin naman kasi babagsak ang lahat.

Tulala lang ako na nakatitig sa pintuan nang bigla itong bumukas.

Ayokong tumingin sa kanya.

Ayokong tingang masaya siya at bigla siyang lulungkot mamaya...

Nakaramdam nalang ako bigla ng yakap. Para ito ung naging inisasyon ko para masabi ko na sakanya. Ung init ng yakap niya. Parang nagbibigay kasi ito ng senyales na okay lang kay Lance ang lahat at maiintindihan niya ito.

"Lance." niyakap ko narin siya.

"Julia, namiss kita. Tagal niyo naman. Bakit parang kanina ka pa nandito? Ayaw mong pumasok? Anong ginawa niyo? Bababa sana ako para bumili ng gamot eh." pag-alala niya sa'kin.

Anong sasabihin ko? Nagpunta kaming ospital at sabi ng doktor, buntis ako?

"N-nagpunta kami ng hospital eh." sabi ko at hinigpitan pa ung yakap ko sakanya

Pero bigla niyang kinalas ung yakap niya, hinawakan niya pisngi ko at tumingin sa'kin nang diretso. "B-bakit kayo nagpunta ng ospital?"

Hindi ako makatingin sakanya. Ano, sasabihin ko na ba? Hindi, hindi pa ako handa.

"Maya na muna natin pag-usapan, ang sakit ng ulo ko saka... na-nagututom rin ako." sabi ko, pumasok na ako sa kwarto at uminom agad ng malamig na tubig.

Pinawisan ako. Ayoko magsinungaling sakanya. Simula nung nagka-ayos kami, nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako magsisinungaling sakanya. Nasira ko na ung tiwala niya dati, at alam kong pinagkakatiwalaan parin niya ako, at bihira nalang yan sa isang tao. Sisirain ko pa ba?

 Nakaramdam akong lumungkot aura ni Lance. Ano na gagawin ko?! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro itutulog ko nalang kaya muna. At mamaya nalang sabihin? Hindi ko pa kaya.

"Lance, pahinga lang muna ako." sabi ko sakanya at humiga na

Umupo siya sa kama at tumingin lang sa'kin, "Ah, sige. Gisingin nalang kita para kumain mamaya. May bibilhin lang din ako sa convenient store, bibili kita ng noodles. Babalik kaagad ako." sabi niya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Nung nakaramdam akong naka-alis na siya ng kwarto, huminga ako nang malalim.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sakanya. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na mamaya na, pero itong puso ko.... sinasabing gawin ko na. Face your own problems ika nga.

Bago ako matulog, tinext ko muna si Jeremy.

"Jeremy, hindi ko kayang sabihin sakanya. Natatakot ako."

--------------------------

Lance's POV

Tumambay muna ako dito sa convenient store na katapat lang ng hotel namin. Hindi ko maintindihan ung aura na meron kami kanina ni Julia. Parang... may something na di ko maexplain.

Nag-vibrate ung phone ko at nung akmang chineck ko, kumunot ung noo ko.

From : Julia Pangilinan <3

My Ex Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon