Break Up...

103 1 0
                                    


I'm on a payphone trying to call home

All of my change, I spent on you

Where have the times gone

Baby, its all wrong

Where are plans we made for two?

Awitin ng grupong Maroon 5 na Payphone, yan ang ringtone ng cp ko. Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay balikwas ako ng tayo at dali daling kinuha ang cp ko sa may study table. Hindi na inalam kung sino ang tumatawag at agad ko itong sinagot.

"Hello babe? Asan ka? Miss na miss na kita. I love you." mabilisan kong tugon sa kabilang linya.

"Ahm... Morning bro, si Josh ito. Pasensya na kung maaga kitang inabala."

"oh Josh, ikaw pala, anong atin at napatawag ka?" may paghihinayang kong tanong kay Josh sa kabilang linya. Akala ko'y si Lizzette na ang kausap ko.

"Tatanong ko lang sana kung nagawa mo na yung plan research natin kay Engr. Flores. Sa Friday na kasi yung deadline natin."

"Ano na bang araw ngayon?" pagtatanong ko.

"Bro, Wednesday na. Two days na lang submission na natin." ang sagot nya sa akin.

"HAH??? Sige sige, abot ko na lang sa'yo bukas pagkatapos ng training natin."

"Sige bro, kita na lang tayo mya sa school, salamat." pagpapaalam ni Josh sa kabilang linya.

"Ok." tipid kong tugon sabay pindot sa end call ng cp ko.

Time check: 8:32 a.m.

"Maaga pa. Mamaya pang 10:30 ang pasok ko. Lizzette, asan ka na ba? Miss na miss na kita." bulong ko sa sarili.

Chineck ko ang inbox ng cp ko pero ni isang text ni Lizzette ay wala kaya napagpasyahan ko na syang tawagan. Naka apat na ring din ito bago nya sinagot.

"Morning babe, asan ka? Bat hindi ka man lang nagtext o tumawag sa akin kagabi? alalang alala ako sa'yo. Mga text at tawag ko hindi mo sinasagot. May problema ba? Miss na miss na kita." mahaba kong bungad sa kanya.

"Babe, pasensya ka na ha? busy lang kasi kahapon, May mga sets of pictorials kasi kami kaya hindi na kita nareplyan sa mga text mo." paglalambing nya sa akin.

"Sabi mo sa akin, sina Liza at Rose ang kasama mo sa lakad mo pero nakausap ko sila, wala naman pala kayong lakad kahapon." May halong pagtatampo kong sambit sa kanya.

"Ah eh, Sorry babe, I thought makakasama sila kahapon kaso may research pa daw kasi kaya hindi sila sumama. Sorry na babe, ha?" pag aalibi nya sa akin.

"Ok, pero next time, wag ka ng aalis na hindi ako kasama ha? I love you." sagot ko.

"Yes babe, I love you too." malambing nyang tugon.

"Sunduin kita mamaya dyan sa inyo para sabay tayo pumasok?" pagtatanong ko.

"Ahm babe, wag na. Aalis kasi kami ngayon ni Mamu Jules, punta kami ng Manila for some pictorial projects." pagtanggi nito sa akin.

"What? Why you didn't told me about this pictorial? At kasama nanaman yang make up artist yan! Akala ko ba next week pa yang pictorial mo after ng exams natin?" gulat kong tugon sa kanya.

"Sorry babe, biglaan kasi. Yun kasing manager na hahandle sa akin, naipa sched na nya this Friday yung pictorial at next week, sa Boracay naman kami for some series of pictorials then back to Manila for contract signing and promotions." mahaba nyang sagot sa akin.

The Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon