Napaka aliwalas ng araw na iyon. Mga tuyong dahon na naglalaglagan at napaka luntian na kapaligiran ang nakikita ko sa harapan ko.
Huni ng mga ibon na may iba't ibang kulay ang nasa sanga ng bawat puno sa lugar na iyon ang naririnig ko na tila musika sa aking pandinig.
Napaka ganda nilang pagmasdan. Kapansin pansin rin ang mga mapuputing rosas at sampaguita sa paligid. Amuy na amoy ang halimuyak ng mga ito na ubod ng bango na sumasabay sa simoy ng hangin.
Habang naglalakad, naaninag ko ang isang taong nasa may 'di kalayuan na nakaharap sa akin. Nakatayo ito at nakasuot ng puting damit. Inaabot ang mga kamay nito sa akin.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, dun ko naaninag ang hitsura ng taong nasa harapan ko. Napangiti ako sa sobrang tuwa. Hindi ako maaring magkamali dahil kilalang kilala ko sya na ngayo'y nasa harapan ko na.
Sya ang laman ng aking puso't isipan....
Ang taong minahal ko na higit pa sa buhay ko...
Ang nagsilbing inspirasyon ko....
At ang taong laging itinitibok ng puso ko......
Nang makalapit na ako sa kanya'y napaka tamis na ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mga labi. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. Humarap ako sa kanya at inilapit ang kanyang mukha sa akin na may halos tatlong pulgada na lang ang layo. Tinitigan ko ng matagal ang kanyang mga mata.
Niyakap ko sya mula sa baywang at hinapit papalapit sa akin. Nakatitig pa rin ako sa kanyang maamong mukha na amino'y minememorya ang bawat detalye nito habang yakap yakap ko sya. Maging sya man ay nakayakap na rin sa akin.
Dinama ng mga daliri ko ang bawat parte ng kanyang mukha mula mata pababa ng kanyang mapupulang labi. Nanatili lang syang nakatingin sa akin na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Mula sa pagkakatitig ko sa kanyang mukha, napapikit ako at hinalikan ang kanyang malambot na labi.
Isang matamis na halik na hindi ko makakalimutan....
hindi pilit....
hindi agresibong halik....
isang halik na punung puno ng pagmamahal....
Pagkahiwalay ng aming mga labi, nakapikit pa rin akong bumulong sa kanya...
"Lizzette, mahal na mahal kita. Hindi ko makakayang mawala ka sa piling ko." wika kong may ngiti sa aking mga labi.
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata, nakatingin pa rin sya sa akin ngunit hindi nagsasalita. Nabigla na lang ako sa sumunod na pangyayari. Kumalas si Lizzette mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumalikod ito at humakbang papalayo sa akin. Napapapitlag ako at naguluhan.
Pilit ko syang inaabot ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa, hindi ko maihakbang. Tinawag ko ito ngunit hindi sya lumingon, animo'y hindi nya ako naririnig. Patuloy lang sya sa paglakad papalayo sa akin.
"Lizzette, wag mo akong iiwan, mahal na mahal kita." pagsusumamo ko sa kanya.
Nag uumpisa ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata.Pigil na pigil, na ilang sandali lamang ay kusa na itong babagsak. Pasigaw ko syang tinawag na animo'y nagmamakaawa.
"Lizzette!!!"
Ngunit hindi pa rin nya ako pinansin. Hanggang ang Lizzette na kayakap ko kani kanina lamang ay tuluyan ng naglaho. Iniwan ako ng taong pinakamamahal ko. Duon na kusang kumalas ang mga luha ko sa aking mga mata at tuluyan ng lumuha.
Napaluhod ako sa kinatatayuan ko, bagsak ang mga balikat at humahagulgol sa pag iyak. Pag angat ko ng aking ulo, muli akong napasigaw.
"Lizzette... Mahal na mahal kitaaaaaa!!!!!!!!" sigaw ko habang patuloy lang sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dreams
Teen FictionTalented, athletic, with sense of humor at loyal..... Yan si Alfred Evangelista na isang varsity player at campus crush. Sobrang dedicated sa studies at sa kanyang girlfriend na si Lizzette Madriaga.... Kay Lizzette lang umiikot ang mundo nya sa loo...