"Morning babe, Wait mo ko sa may gate ha? Lapit na'ko." Ang text sa akin ng gf ko na si Lizzette habang hinihintay ko s'ya para sabay kaming pumasok ng university.
Si Lizzette Madriaga, 5'8 ang height, maputi, sexy, may mapupungay na mga mata, mapupulang labi, head turner ng mga kalalakihan. Palaging nasa top sa mga academics. Dating Ms. Foundation ng university namin at ngayon ang Reigning Ms. Tourism ng aming Bayan. Nasa 3rd year na s'ya sa kursong Business Administration.
"Ok babe, ingat." reply ko naman sa kanya.
Nasa tapat ako ng gate dala dala ang mga templates ko sa drafting subject, T-Square na nakasukbit sa balikat at back bag sa may likuran ko na palingun lingon sa may daanan.
Pansin rin ang mga dumaraang mga babaeng students na napapalingon sa akin sabay ngingiti. Meron din kumakaway, mga nagpapacute at nagpapa pansin. Ngini ngitian ko na lang sila bilang tugon ko sa kanila.
Sa Tindig kong 5'10, maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, may nakakapang akit na mga mata kung makatingin, mapupulang mga labi at kapansin pansin din ang hubog ng katawan kong matipuno dahil sa paggi gym. Varsity at captainball sa larong basketball. Ako rin ang hinirang na Mr. Intrams ng nakaraang Intramurals. Tinaguriang heart throb at campus crush from engineering department. Nasa 5th year naman ako bilang civil engineering ng aming university.
Nang maaninag kong paparating na si Lizzette, akmang lalapitan ko na ito ng may mapansin akong lalaking kasabay nya at kausap. Napakunot tuloy ako ng noo at halos magsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nang mapansin ako ng kausap nyang lalaki ay nagpaalam na ito kay Lizzette at mabilis na pumasok sa gate ng university.
"Sino yung asungot na yun na kausap mo? Panay pa ang tawanan nyo habang naglalakad ng sabay!" bungad ko kay Lizzette, sabay kuha sa kanyang dalang bag.
"Babe, si Robbie yun, classmate ko. Tinatanong lang nya kung ngayon ang exam namin sa isang major subject namin." usal nya sa akin.
"Classmate.... Eh bakit ganun kung makalapit sa'yo? Kulang na lang akbayan ka sa paglalakad!" paninita ko sa kanya.
"Alfred! Naiinsecure ka pa rin ba hanggang ngayon? Wala namang masamang ginagawa yung tao, nagtanong lang s'ya sa akin pero kung maka panita ka akala mo naman inaagaw nila ako sa'yo!" pagsusungit nya sa akin habang naglalakad kami sa covered hall papuntang classroom nya.
"Hindi naman sa ganun, ayoko lang na may lumalapit sa'yong mga lalaki. Lalo na at hindi ko kilala." paglalambing ko sa kanya.
"Sige na, pasok ka na sa klase mo, andito na rin ang prof namin. Kita na lang tayo mamayang lunch break sa Cafeteria!" kunot na rin ang kanyang mga kilay sa inis ng makarating kami sa tapat ng classroom nya.
"Love you babe" pagpapaalam ko sa kanya sabay abot ng kanyang bag pero di s'ya sumagot, kinuha lang ang bag nya at pumasok na sa classroom.
Naglalakad na ako sa corridor papuntang classroom habang nag - iisip kung bakit ganun na lang si Lizzette sa akin gayung dati rati naman pag alam nyang nagseselos ako ay nilalambing pa ako nito.
"Bro, lalim yata ng iniisip natin ah?" bungad ni Josh sa akin, varsity rin syang tulad ko na nakasabay ko lang ding pumasok kasama si Russel na kapwa ko rin classmate.
"Oo nga bro, Bakit? Ngayon ba ang exam natin kay Engr. dela Vega?" pagtatanong ni Russel.
"Hindi naman. Iniisip ko lang kung bakit ganun na lang si Lizzette sa akin kanina. Nairita kasi ako ng makita ko s'yang kausap nya ung classmate nyang lalaki na halos nagpapa cute pa sa gf ko." sagot ko sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dreams
Novela JuvenilTalented, athletic, with sense of humor at loyal..... Yan si Alfred Evangelista na isang varsity player at campus crush. Sobrang dedicated sa studies at sa kanyang girlfriend na si Lizzette Madriaga.... Kay Lizzette lang umiikot ang mundo nya sa loo...