Paroxysm....

75 1 0
                                    

Maaga akong pumasok sa hospital kinabukasan ng umaga. Direcho ako sa may HR at hinanap ang Senior Nurse ko na si Erick. Pagdating ko dun luminga linga ako sa loob para hanapin sya ngunit mga kapwa ko interns lang ang anduon at iba pang mga staffs. Lumapit ako sa isang staff na nakaupo sa may gawing kaliwa ng office, abala ito sa harap ng computer sa ginagawang report.

"Good morning po, nakita nyo po ba si Erick?" tanong ko sa HR staff.

"Erick Ignacio? Nasa room ni Dr. Castro." tipid na sagot nito sa akin na hindi man lang ako nito tinignan.

"Ah sige po, salamat." pagpapaalam ko.

Lumabas na'ko ng HR at hinanap ang room ni Dr. Castro. Nadaanan ko pa ang kwarto ni Alfred, sisilip sana ako dito pero mas inuna kong hanapin si Erick. Habang naglalakad sa may hallway, nakita ko si Erick na palabas galing sa isang kwarto kasunod nya si Dr. Castro. Halata sa dalawa na may pinag uusapan silang importanteng bagay dahil sa seryosong mukha ng mga ito habang nag uusap.

"Morning Jeff, buti dumating ka na. May importan....." naudlot ang sasabihin nito at napatingin sa may gawing likuran ko.

Paglingon ko, isang matandang babae ang humahangos na paparating. Kabang kaba ang hitsura at mangiyak ngiyak.

"Dok,Si Alfred! Nagwawala sa kanyang kwarto." wika nito sa amin.

Kitang kita dito ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata na ilang sandali lang ay kusa na itong malalaglag. Alalang alala sya sa kalagayan ni Alfred.

"Wait." bilang wika ni Dr. Castro at atubiling pumasok sa isang kwarto.

Pagkaraan ng dalawang minuto, lumabas na ito. Tumango ito sa amin ni Erick, isang senyales na animo sinasabing sumunod kami sa kanya kasama ang matandang babae.

Pagbukas pa lang ng pintuan ng kwarto ni Alfred, rinig ko agad ang hiyaw nito. Hiyaw ng taong punung puno ng pighati, ng lungkot at kabiguan.

Paglapit namin sa kanya, kita ko sa mga mata nito ang galit at pagpupuyos. Natapatingin sa akin si Erick at sa tingin nyang iyon, alam ko na ang dapat gawin.

Lumapit kaming dalawa kay Alfred upang pigilan ito sa pagwawala, hawak hawak nya ang mga kamay ni Alfred at ako nama'y yumakap sa may bandang likuran nito. Nagpupumiglas si Alfred sa pagkakahawak namin sa kanya.

"Bitiwan nyo ako! Gusto ko ng mamatay!!!" sigaw ni Alfred habang nagpupumiglas sa amin ni Erick.

Dahil sa laki nito at pangangatawan, sadyang malakas ito at hirap kami sa pagpigil sa kanya. Pagkuwa'y lumapit na rin si Dr. Castro, may inilabas ito sa bulsa ng kanyang lab gown.

Hawak nya ang injection at isang maliit na vial. Nang malamnan ito, tinurukan nya sa may balikat si Alfred.

"Aaaaahhhhh!!!!!!!" sigaw muli ni Alfred.

Tuloy lang sya sa pagwawala at pagsigaw hanggang sa unti unti na itong tumatahan sa paghiyaw. Ang lakas nya kanina ay tipong nawawala.

Kusa na nyang naibabagsak ang katawan sa aming mga bisig. Ramdam kong wala ng lakas si Alfred upang magwala kung kaya naihiga na namin sya ni Erick.

Dahan dahan ko itong inalalayang maihiga sa kama at inayos syang maigi sa pagkakahiga.

"Hah... hah... hah... bi...ti...wan... nyo.... ko...." paputol putol sa usal ni Alfred sa amin.

Si Erick nama'y inilagay muli ang suwero nito sa kanang kamay nya at inayos. Pagkatapos nun ay tahimik lang kaming lumabas ng kwarto.

Naiwan ang matandang babaeng nagbabantay sa kanya na umiiyak na rin sa takot at awa. Napalingon pa ako kay Alfred bago tuluyang lumabas ng kwarto.

The Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon