"Sasama ka ba mamayang gabi sa amin ng tropa?" tanong ni Micko sa akin.
"Hahabol na lang siguro ako, tatapusin ko pa kasi yung research ko sa Psycho." sagot ko sa kanya habang binabasa ang hawak kong libro.
Nasa cafeteria kami ng mga oras na iyon habang nagmimiryenda kasama ang ilan sa mga kaklase namin. Katatapos lang ng exam namin ng araw na iyon at wala na kaming pasok kinahapunan.
Abala pa rin ako sa pagbabasa ng libro habang umiinom ng softdrinks. Sila Micko nama'y abala sa pakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Pagkatapos naming magmiryenda, nagpaalam na ang mga ito habang ako'y sa pagbabasa pa rin nakatuon.
"Pa'no Jeff, mya na lang? tawagan na lang kita para alam mo kung saan ang gimick natin mamayang gabi ha?"
"Ok, ingat." tipid kong sagot sa kanya na hindi man lang ito tinapunan ng tingin.
Naiwan akong mag-isa sa cafeteria kaya naisipan kong magtungo na lamang ng gym at duon magbasa. Naglakad na'ko palabas ng cafeteria, sa hawak ko pa ring libro ako nakatingin at nagbabasa ng naglalakad habang tangan ko sa isa kong kamay ang iniinom kong softdrinks.
Papasok na'ko sa gym ng aksidenteng mabunggo ako ng isang lalaking naglalakad palabas. Nalaglag ang hawak kong libro at tumapon sa kanya ang laman ng tangan kong softdrinks ng hindi sinasadya.
"What the...." tiim bagang nitong tugon.
"Naku, hindi ko sinasadya, pasensya ka na." pagpapaumanhin ko.
Aligaga ako sa nangyari, hindi ko alam kung ano ang uunahin, kung pupunasan ang nabasang damit ng lalaking nakabangga ko o pupulutin ang librong nahulog.
Pagtingin ko sa lalaking nakabangga ko, napatigil ako sandali. Nahiya ako sa nangyari, hindi ko sya magawang tignan sa mata. Kinuha nya ang kanyang panyo at ipinunas nya iyon sa damit nyang natapunan ng softdrinks.
"I'm sorry Alfred, hindi ko alam na mababangga kita, nabasa ka tuloy." nahihiya kong wika sa kanya.
"It's ok, hindi mo naman sinasadya, ako rin naman ang may kasalanan." nakayuko nitong sagot habang abala sya sa pagpupunas ng nabasa nyang damit.
Pag angat ng kanyang ulo, napatingin ito sa akin. Nagtama ang aming mga mata at bigla syang natahimik bigla. Kumunot ng bahagya ang kanyang mga kilay at animo sinusuri kung sino ang kaharap nya ng mga oras na iyon. Ako naman'y hindi alam ang gagawin kung aalis na lang o hahayaang makipagtitigan sa kanya.
"I - I'm really sorry Alfred." pambasag ko ng katamihikan sa pagitan namin na nahihiya pa rin sa nangyari.
"I'll be fine." tipid na sagot ni Alfred sa akin at pagkatapos nun ay tuluyan na syang lumabas ng gym.
Naiwan akong nanatiling nakatayo na tinatanaw si Alfred papalayo. Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Nang hindi ko na maaninag si Alfred, pinulot ko na ang nalaglag kong libro at pumasok na ng gym. Naabutan ko pa sina Josh na nagti training kasama ang mga ka team nya.
Naupo ako sa bleachers sa may tapat ng basketball ring. Pag upo ko nama'y napatingin sa bandang gawi ko si Josh at napangiti ito sa akin. Tumango naman ako bilang tugon ko sa kanya.
Itinuon ko na lang sa hawak kong libro ang sarili at nagbasang muli. Natapos ng magtraining sina Josh samantalang ako ay andun lang na nakaupo at nakatingin lang sa librong nakabuklat na animo nagbabasa pero ang isip ko ay lumilipad ng mga sandaling iyon.
Inaalala pa rin ang nangyaring insidente kanina lang. Sa sobrang pag iisip, hindi ko napansin ang oras at magdidilim na pala. Pagtingin ko sa relos ko'y mag aalas sais na ng gabi.
Isinilid ko na sa dala kong back bag ang libro ko at tinungo na ang daan palabas ng gym. Dumiretcho na'ko ng main gate at tuluyan ng sumakay ng jeep pauwi ng bahay. Habang nakasakay ako sa jeep, naalala ko nanaman ang nagyari sa amin ni Alfred.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dreams
Teen FictionTalented, athletic, with sense of humor at loyal..... Yan si Alfred Evangelista na isang varsity player at campus crush. Sobrang dedicated sa studies at sa kanyang girlfriend na si Lizzette Madriaga.... Kay Lizzette lang umiikot ang mundo nya sa loo...