"Alfred, gising na anak, mali late ka na sa school mo." tawag ni mama sa akin habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.
"Ma, mya na lang po ako papasok, masakit po ulo ko."
"Ginabi ka nanaman siguro ng uwi kagabi kaya tamad kang pumasok ngayong umaga, hindi ba't exams na ninyo ngayong week na ito?" tuloy lang sa pagkatok sa may pintuan si mama.
Hindi ako sumagot sa tinurang iyon ni mama, bagkus ay dumapa pa ako at itinakip ang unan sa ulo ko. Masakit ang ulo ko dahil naparami ang inom ko kagabi.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng mailabas nila ako galing ng hospital. Hanggang sa ngayon ay masama pa rin ang loob ko kay Lizzette at hindi maalis sa isipan ko ang ginawang pag iwan nya sa akin.
"Sige na anak, tayo ka na dyan, uminom ka na lang ng gamot para maibsan yang sakit ng ulo mo. Aalis na kami ng papa mo. Malayu layo pa ang byahe namin. Ibinilin na rin kita kay manang Cora mo ha?"
Pagkuwa'y, naulinigan ko na lang na wala ng tao sa may pintuan ng kwarto ko. Masakit man ang ulo ko ay napilitan akong tumayo ng umagang iyon upang mag ayos para pumasok ng school.
Finals nga pala namin ngayong week na ito at may laban pa kami sa basketball.Lumabas ako ng kwarto at bumaba upang mag agahan. Naabutan ko si manang Cora sa may hapag kainan na nagliligpit.
"Oh, bumaba ka na pala, gusto mo na bang kumain? Paghahanda na kita."
"Ahm, manang, kape na lang po, masakit po kasi ang ulo ko."
"Hindi ka ba nagugutom?"
"Hindi po, sa school na lang po ako kakain mamaya. Paki sunod na lang po sa may veranda yung kape."
"Oh sige, ihahatid ko na lang sa'yo dun."
Tumungo ako ng veranda at naupo sa isa sa mga upuan dun, tanaw mula sa veranda ang garden, at ang likuran nun ay ang bulubundukin na natatakpan ng mga fogs. Maaliwalas ang umagang iyon. kinuha ko sa bulsa ko ang sigarilyo at sinindi.
"Naku bata ka! Kelan ka pa natutong manigarilyo? Alam ba ng magulang mo iyan? Hindi ba't pinagbawalan ka na nung una pa?" bungad ni manang Cora nang palapit na sya sa akin.
Hindi ko sya pinansin bagkus, humithit pa ako sa hawak kong sigarilyo at bumuga ng usok. Sa malayo pa rin ang tingin ko at nagmumuni muning nakaupo sa may veranda. Napabuntong hininga na lamang si manang Cora pagkatapos nun ay pumasok muli sa may kusina.
Pagkaubos ko ng kape, tumungo na ako ng banyo sa kwarto ko upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na'ko at agarang bumaba ng kwarto. Pagbaba ko galing sa kwarto ko, naabutan ko si manang Cora na nasa sala na naglilinis.
"Dito ka ba kakain mamayang hapunan?" tanong nito sa akin.
Dire - direcho lang akong lumabas ng bahay na animo walang narinig. Nakatingin lang ako sa may labas ng pintuan. Napa iling na lamang si manang Cora sa akin. Paglabas ko ng bahay, dumirecho ako ng garahe sabay sakay sa kotse ko. Pagsakay ko rito ay pinaandar ko na ito papuntang university.
Pagdating ng university, ipinark ko ang kotse ko sa may parking area sa may Diego Silang bldg. Pagbaba ko nama'y sumalubong sa akin si Josh na humahangos.
"Bro, bakit ngayon ka lang? Late ka nanaman sa unang klase natin. Tapos na kaming nag - exam. Hindi ko lang alam kung bibigyan ka pa ni Engr. Alvarez ng special exam." bungad sa akin ni Josh.
Tinignan ko lang sya ng direcho sa mata na halatang walang interes sa tinuran nya, pagtapos nun at naglakad na'ko patungong cafeteria. Sumunod na lang sa akin si Josh na tahimik din.
Pagdating ng cafeteria, umupo lang ako sa may bandang bintana at nanigarilyo. Tahimik lang akong nakatingin sa may labas ng bintana habang naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dreams
Teen FictionTalented, athletic, with sense of humor at loyal..... Yan si Alfred Evangelista na isang varsity player at campus crush. Sobrang dedicated sa studies at sa kanyang girlfriend na si Lizzette Madriaga.... Kay Lizzette lang umiikot ang mundo nya sa loo...