The Patient....

91 1 0
                                    


Nakaupo ako sa isang bench sa park. Pinagmamasdan ang man made lake sa kalagitnaan nito habang ang ilang mga tao ay masayang namanangka dito.

Nang biglang may isang lalaki akong napansin na papalapit sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha. Matangkad at matipuno ang pangangatawan.

Pilit na inaabot ang mga kamay ko. May binibigkas sya ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang mga sinasabi.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya ngunit bigla itong nabuwal sa kinatatayuan nya.

Sa gulat ko ay paluhod ko itong nilapitan at tinignan. Pagtingin ko rito ay may dugong dumadaloy sa may pulso nya.

Tinignan kong muli ito sa mukha pero hindi ko pa rin maaninag ang hitsura nya. At bigla bigla, paunti unting naglalaho ang lalaking nakahandusay sa harapan ko. Kasabay nun ay isang malakas na tunog ang narinig ko.

"Kriiiiiiiiiiiiiiiiing..................."

Balikwas ako ng tayo. Alarm clock ko pala ang tumunog. Dun ko napagtanto na panaginip lang pala ang nangyari. Pero pilit na iniisip kung sino yung lalaki sa panaginip ko.

Time check: 7:15 a.m.

"Jeff, anak. Gising kana dyan, baka ma late ka sa school. Nakahanda na ang almusal mo sa hapag kainan." dinig kong boses ni mama sa may pintuan habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

"Gising na po ako Ma, lalabas na po." sagot ko na lang.

Pagkatayo ko ng kama, bitbit ang twalya sa balikat ko at bumaba na upang kumain. Nadatnan ko pa si mama sa may sala at aktong lalabas na ng pintuan.

"Anak, mauna ako sa'yo ha? Baka ma late ako sa office, matraffic pa naman ngayon.Magbilin ka na lang kay yaya Cely kung ano gusto mong kainin mamayang hapunan dahil gagabihin ako ng uwi." pagpapaalam ni mama sa akin.

"Sige Ma. Ingat po, love you." tipid kong tugon sabay ngiti sa kanya.

"I love you din anak." sabay tungo ni mama sa pintuan at tuluyan ng umalis.

Dalawa na lang kami ni mama sa buhay. Nag iisang anak nila ako. Si papa, namatay na nung bata pa lang ako.

Naaksidente si papa sa abroad. Kaya si mama na nagtrabaho para sa aming dalawa. Namulat ako na walang amang gumagabay sa akin sa pag laki.

Kahit wala na akong ama, pinunan ni mama ang mga pagkukulang ni papa at hindi na nag asawa pang muli. Itinuon na lang nya ang pag aaruga at pagmamahal sa akin.

Napilitan kaming lumipat ni mama dito sa Baguio dahil sa klase ng trabaho nya. Dito sya inassign ng kumpanya nila. Kahit nahirapang mag adjust sa klima at sa kapaligiran nung una ay nakayanan ko naman.

"Good morning anak, gusto mo na bang kumain?" tanong ni yaya Cely sa akin saktong papunta na'ko ng dining.

"Opo yaya, 9 a.m. po kasi pasok ko ngayon." sagot ko naman kay yaya Cely.

"Pag iinit pa ba kita ng tubig pampaligo mo?" tanong ni yaya sa akin.

"Hindi na po, salamat na lang po." pagtanggi ko habang kumakain ng almusal.

"Oh sige, iwan na muna kita dyan at ako'y maglalaba na ha?" buhat buhat ang laundry basket patungong washing area sa may likuran ng bahay.

"Opo" tipid kong tugon.

Habang kumakain ay pilit inaalam sa isipan ko kung sino yung lalaki sa panaginip ko. Pagkakain, tinungo ko na ang banyo upang maligo. At pagkatapos nun ay pumanhik muli ako sa kwarto upang magbihis.

The Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon