[6: Broom Broom Hours at Ang Pamamasada]

8 0 0
                                    

★★★

OCTOBER 16, 2015-THURSDAY

★★★


★★★

Pagdating ng alas dos ng madaling araw ay namasada sina Noni at Joel hanggang alas sais ng umaga.


"Pasahero, sakay kayo dito. Mga kaibigan, dalawampung upuan tayo, may dalawa pang natitira." -Ang pagtatawag ni Noni ng Pasahero."


Sila ay nakatira sa Pagkakaibigan City, ang HUC na lungsod galing sa probinsya ng Saludo Province. Sila ay bumabyahe sa apat na syudad ng Saludo Province, ang Kapayapaan City, Kaligtasan City, Kabayanihan City at Makaluma City.


"Ayos ito, brother. Pare-pareho sila ng uniporme. Itanong mo nga kung saang paaralan natin sila ihahatid?" -Noni


"Mga kaibigan, Magandang Umaga. Saang paaralan daw namin kayo ihahatid?" Joel


"Sa Kabayanihan City Colleges po. Mga sampong minuto po mula dito ay siguradong nandoon na tayo. Magkano po ang bayad? -Mga pasahero


"Ang bayad doon, ayon sa aming prangkisa na nanggaling sa Pagkakaibigan City at Pagsaludo Province, kapag estudyante o empleyado ng paaralan ang sumasakay ay apat na piso bawat pasahero." -Joel


Pagkalipas ng sampong minuto ay nakarating na sila sa Kabayanihan City Colleges.


Ang PNSB nga pala at ChocoHours ay matatagpuan sa Kaligtasan City. Pagdating ng alas sais ay naligo muna sila at nag-agahan sa kanilang tahanan sa Pagkakaibigan City. Labinlimang minuto kang babyahe, gamit ang jeepney mula rito kung pupunta ka sa Kaligtasan City. Mula naman sa kaligtasan City ay labinlimang minuto din ang byahe kapag ppunta dito.


Pagdating ng 6:10 AM ay bumyahe na sila papunta sa PNSB. Ang PNSB at ChocoHours nga pala ay mayroon lamang isang malawak na malaking gusali ang pagitan. Sinisigurado ng empleyado nito ang kaligtasan ng isa't isa kaya walang maitim na usok ang malalanghap at masusulyapan sa parehong gusali.


Pagdating ng 6:30 AM ay nandoon na sila sa PNSB. Nagdasal sila nang sabay-sabay at nagbatian sa isa't isa bago magsimula ang kanilang kalahating araw na trabaho.


Ngayong umaga, limang sasakyan ang nakatakda nilangpagtrabahuhan. Dalawang taatapusin ang pagpipintura, dalawang ikacarwash at isang tatapusin ang pagkokondisyon.


Pagdating ng alas nwebe ay pansamantalang nagpaalam si Noni at Joel sa kanilang trabaho habang ang kanilang mga kasamahan ay nagpatuloy sa pagtatrabaho.


Doon naman sila magtatrabaho sa ChocoHours. Pagdating ng 9:15 AM ay nakarating na sila doon. Bumati sila sa kanilang mga kasamahan na nagpapatuloy sa pagtatrabaho bago sila magsimulang magtrabaho.


Inayos ng dalawang boss nila ang schedule ni Noni at Joel. Simula bukas, tigkalahating araw na silang papasok maghapon sa PNSBB at ChocoHours.


Pagdating ng 11:30 AM ay nag-uwian na sila. Nagdasal sila at nagpaalam sa isa't isa bago mag-uwian.


Doon sa may Choco Carenderia sila nagtanghalian. Nagdasal sila bago mananghalian.


Padating ng alas dose ng tanghali ay muli silang namasada. Naghatid sila ng mga mag-aaral na papasok sa mga paaralan ng Kaligtasan City. Pagdating ng 12:30 PM hanggang alas singko ay inihatid nila ang mga pasahero na nais mamasyal sa Kaligtasan Mall. Nagmemeryenda sila habang namamasada. Pagdating ng alas tres ay nagmeryenda sila. Pansamantala nilang inihinto ang sasakyan at nanalangin bagi sila magmeryenda. Ang kanilang meryenda ay spaghetti at malamig na black coffee. Pagdating naman ng alas singko ay oras na ng uwian ng mga mag-aaral sa Kaligtasan City kaya inihatid nila ito sa kanilang tahanan.


Pagdating ng 5:30 PM ay umuwi na sila sa kanilang mga tahanan.

★★★


★★★

Abangan ang susunod na mga kabanata.

★★★


★★★AUTHOR'S KAPOGIANG TOTOO NA WALANG KOKONTRA NOTE★★★

Maraming Salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagbabasa sa aking mga isinulat sa wattpad. Asahan niyo po na iingatan ko ang pagtitiwalang ipinagkaloob niyo sa akin. God Bless.

★★★


Ang Halaga ng PagkakaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon