[14: Ang Pagtatapos ng Isang Buwang Kontrata: Surprise at surprise ulit!]

3 0 0
                                    

💖💖💖

DECEMBER 18, 2015

💖💖💖


💖💖💖

ANG PANG-UMAGANG HULING ARAAW NG KONTRATA


Pagdating ng alas sais ay nagsimula na ang kanilang pang-umagang trabaho. Bago magsimula ang kanilang trabaho ay sabay-sabay silang nagdasal at nagbatian sila sa isa't isa.


"Good Morning Noni!, Good Morning Joel! Last day na ng kontrata niyo. Ang balita ko ibubukas niyo na 'yung dalaang restaurant niyo?" -Ang pagbati ni Kimpee.


"Yes, Boss. Bukas na ang blessing ng aking Matinong Kalokohan Pero Matino Resturant"-Ang tugon ni Noni


"Ako din Boss, bukas na ang blessing ng aking restaurant na Pagtataguyod Restaurant."- Ang tugon ni Joel.


"Aba! Ayos ah? Sasama ako sa blessing at opening ng mga restaurant niyo ha?" -Ang pagpapaalam ng kanilang Boss.

"*sabay* Yes Boss! Ikaw pa?" -Ang tugon ng dalawa.

Mula alas siyete hanggang alas onse ay gumawa sila ng kanilang mga premium inventions. Mula alas syete hanggang alas otso ay gumawa sila ng ChocoHours' Premium Choco Peanut Buko Ice Cream.


"Ang sarap siguro ng ice cream na ito 'noh, Pareng Joel?" -Ang pakikipagkwentuhan ni Noni.


"Siyempre naman! Tayo ang gumawa eh." -Ang tugon ni Joel.


"Purihin ba ang sariling gawa? Joke lang. Siyempre kapag gawa niyo, the best!" -Ang pagpuro ng kanilang boss na si Kimpee.


"*sabay* 'Yan naman ang gusto namin sa'yo Boss!" -Ang magkasabay na pagtugon nina Noni at Joel.


Mula alas otso hanggang alas nwebe ay gumawa sila ng ChocoHours' Premium Chili-Mango Donut.


"Ang tindi nito boss. Talagang ibinlender mo pa 'yung mga sili *itinuro ang sili.* *Hinawakan ang hilaw at hinog na mga mangga* Ito na ba boss 'yung itinanim mong puno ng mangga, isang taon na ang nakakalipas." -Ang pakikipagkwentuhan ni Noni


"Siyempre! Gusto niyong matikman? Magluluto daw kami ng sisig sa ChocoHours' Store eh. Matatapos naman na kasi 'yung kontrata niyo. Pero hayaan niyo, welcome na welcome pa rin kayo dito." -Ang wika ng kanilang boss na si Kimpee.


"Sige Boss. Pasample kami. Imbitahin niyo na lang kami kapag nagluto kayo." -Ang tugon ni Noni.


Siyempre naman Boss. Luto mo eh." -Ang tugon ni Joel.


"Bibigyan ko kayo mamaya ng maraming punla ng mangga para maitanim niyo sa inyong bakuran. Ipaalala niyo lang sa akin." -Ang pangako ng kanilang Boss.

Ang Halaga ng PagkakaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon